V

17 3 0
                                    

Chapter Five:

Nang makalipas ang ilang araw na walang humpay na pag-aaral at pakikinig sa klase (akala mo naman talaga), ang pinakahihintay na acquaintance party ay gaganapin na ngayon. We were given at least 3 hours para mag prepare at mag-ayos sa mga porma na gusto. Saktong-sakto ang nabigay na damit sakin ni Jeremiah noon dahil ang tema na ibinigay ay semi-formal na may twist. Kinailangan ko pang bumili ng maskara to cover half of my face. At least hindi ko na masyadong kailangan ng make-up kasi matatakpan din naman ito the entire night.

Bali narinig ko sa mga kaclubmates ko na magkakaroon ng isang dance at kung sino ang maiwan sa'yong tao ay makakasama mo buong gabi pero hindi sila makikilala hangga't naka mask pa rin sila at kapag nag strike na ng 9 o'clock, dun pa lang kayo papayagan na alisin ang maskara para magkakilalanan kayo ng naging kapartner mo.

I think it was a really good idea to be acquainted with someone that way. Kasi buong gabi mo sila makakasama pero hindi mo naman talaga sila kilala personally dahil hindi mo naman makikita hitsura nila. Though there could be an instance na makilala mo sila, who knows. Kaya mahirap na mag-judge ng iba nang agad-agad. They are going to judge you based on your personality and I really like it. Feeling ko maeenjoy ko yung school year ngayon.

Nakaupo ako sa harap ng salamin habang kinukulot ni Winona ang buhok ko kahit na napakaigsi na nito. Ako kasi yung sumali sa Theatre club at nagpatulog naman ako sa kanila para mag-ayos dahil hindi ko kaya itong gawin ng mag-isa lamang sa loob ng tatlong oras. At kung ganun din man ang mangyari, magmumukha akong sabog sa party. Nagpakabusy naman si Danica sa make-up ko kahit hindi ko naman ito kailangan na kailangan.

"Sa tingin mo mamimeet mo yung 'the one' mo ngayong gabi, Lyra?" tanong sakin ni Winona, giving me a knowing look.

Namula ang mga pisngi ko sa sinabi niya. "Wag muna ngayon, bukas pa rin yung sugat." sabi ko na ngumiti nang malungkot.

"Grabe yung ginawa sa'yo ni Jake, noh? Kung legal lang talaga pumatay, matagal ko na siyang napatay." sumali sa usapan si Danica na may inis na halata sa kanyang mukha. Parang napapadiin yung pag blend niya nga sa foundation ko pero hindi ko naman ito sinabi.

So here's the thing. Ever since na naging kami ni Jake nun, saka lang sila nakipag kaibigan sakin. Jake was the popular type of guy, liked by everyone. Sa totoo lang hindi ko nga alam kung bakit nag stay pa rin sila kasi dati kaming dalawa lang talaga ni Irish. And I can't help but to think na they're friends with me because of him. I mean, hindi matigil yung bunganga nila kakadada tungkol sa kanya, what else was I supposed to think then? Kahit ngayon, siya pa rin ang bukang bibig nila. Kaya sumasakay na lang ako.

Saka malay ko bang papatulan ako ni Jake. Akala ko nga nung una na pinaglalaruan lang ako pero tumagal din naman kami kahit papaano. Well, in the end, ganun din pala ang mangyayari.

"Paniguradong gugustuhin ka ulit niyang makabalikan kapag nakita niya kung gaano ka kaganda." nabanggit ni Winona na sinimulan na ang pag spray sa buhok ko para tumagal ang kulit nito. "Pero 'wag na tanga at babalikan pa ha, Lyra?"

Ngumisi ako. "As if babalikan ko pa yun ugok na yun!" ang confident ko namang sagot. "Mag laway kaya siya!"

"Tama! Tama!" nag agree sila. Natapos naman ang usapan sa tawanan at kulitan.

But right now, I felt them being genuine towards me.

Pinatanggal nila ako sa robe na suot ko at naiwan ako sa aking bra at panty lamang. Malakas ang pagkaconscious ko sa katawan pero mabuti na lang at hindi ako masyadong hinuhusgahan nina Winona at Danica pag dating sa ganitong kondisyon. Buti na lang at hindi ko pa nasasabi sa kanila na bigay ang dala-dala nilang damit na galing kay Jeremiah. Ilang beses na kays nila kong pinagsasabihan na lumayo sa kanya but I can't help it kung palagi na lang kami nagkikita nang hindi naman namin inaasahan. At wala akong nakikitang masama sa kaibiganin yung tao. Oo, kaibigan ko sila pero hindi rin naman kontrolado yung mga ginagawa ko. Hindi nila ako sunod-sunuran. Kung magalit na sila saakin, wala na silang magagawa dun.

Nang matapos na ang kung ano man etseseran na pinaggagawa nila skain, pinatingin na rin nila ako sa salamin para makita ang sarili ko. Sa salamin, nakita ko ang isang taong hindi ko kilala-ang isang taong hindi ko inaakala na kaya ko pala maging.

Dahil sa marunong na magmaneho ang boyfriend ni Danica, they insisted that they drive me to school para hindi agad ako mapagod daw. At baka matanggal 'daw' ang make-up na pinaghirapan ilagay ni Danica. Nagpasalamat ako nang makababa na ako ng sasakyan. May sariling building ang auditorium namin at nagulat ako na ngayon ko lang napansin ang magagarbong dekorasyon sa labas. There were beautiful lights dangling from a bush arch that was decorated like an entrance to a grand castle. Napangiti ako at pumasok na sa loob.

Maraming nang nakakalat na tao sa loob at lahat sila ay mga nakamaskara kaya sinuot ko na rin sakin mismo. Ilang minuto pa lang ang nakalipas at sinimulan na ang sinasabing sayaw na waltz. Hindi ako marunong sumayaw at makikipag sabayan lang siguro ako sa iba kung ano man ang gagawin nila. The music started playing at a slow pace at naghahanap ako ng makakapartner. Nagulat ako nang may nag offer ng kamay nila sa direksyon ko. Nakita ko lang ang mga labi nila at nakangiti ako. Kinuha ko ang kamay niya as he leads me to the dance floor.

"Sana maging kapartner kita hanggang dulo." ang sabi nito sakin. "Tandaan mo ang pangalan ko.. Lance."

Tumango ako. Sasabihin ko sana ang aking pangalan nang sinabi ng host na magpalit na ng kapartner kaya I was forced to switch parners agad. Tatandaan ko na lang na medyo pagkamatangkad siya at styled ang buhok niya-undercut. At Lance ang pangalan niya.

Dumating ang mga partners na parang traffic sa America, mabilis (mabilis nga ba?). Parang hindi ko na nga nakausap yung iba kasi ang daling magpalit ng tao. Yung tipong ibubuka mo pa lang ang bibig mo tapos bigla mo na lang maririnig "exchange partners!".

"Hi!" bati ko agad nang may lumapag sakin na bagong kapartner.

"This is stupid." ang komento kaagad niya. Naimagine ko tuloy kung paano siya nagulat nang malaman niya na ganitong klase pakikipag-ugnayan ang gagawin.

Hindi rin pumasok sa utak ko how he was part of the theatre club at paano siya nag audition kung mukhang ayaw niya nan nandito. Halata kasi.

I gave his hand a tight squeeze. "Okay nga 'to, diba? They won't be able to judge you kung nakikita nila kung anong appearance mo."

"That's still stupid." ang sabi lang niya.

"Sabihin mo sa kanila yun," nginusuan ko siya dahil sa pagiging reklamador niya. "Bakit ka ba nandito in the first place?"

"I'm a member." ang ikli niyang sagot.

"Pare-pareho lang naman tayo member eh. Kung ganito yung way nila para mag acquaint lahat ng members nila together, they're doing a pretty good job at it." Ang pagtatanggol ko sa club.

"I-"

Bigla na lang nag stop yung music. "Get to know your partner well! At the end of the night, makikila niyo sila!"

Partner ko siya? I definitely was not explecting that but can you see me complaining? Maybe I can change his mind about attending this event.

Tumingin ako nang maigi sa paligid ko at nakitang satisfied naman ang mga tao sa kanilang mg kasosoyo.

"So partners tayo." sinabi ko ang obvious nung bumalik ang tingin ko sa kanya.

That night, dahil hindi ko rin gusto ang mga ganitong gatherings, nag-usap kami sa labas ng balcony na may mga dalang drinks. Mali ang impression ko sa kanya, actually. Hindi lang din niya kayang tumagal sa ganitong mga sitwasyon at naiintindihan ko naman siya kung saan siya humuhugot. I can easily relate to him pero mali atang ako na lang palagi ang nagsasalita at nagkekwento saming dalawa. He instantly reminded me of someone but I doubt it's really him.

Dada ako nang dada sa mga pinagsasabi ko pero minsan wala naman akong natatanggap na reaksyon mula sa kanya. Hindi pa rin kasi kami pwede mag tanggal ng masks kahit silip nga pinapagalitan kami kahit na ba nandito kami sa labas at wala sa loob.

"Ladies and gentleman, please take off your masks."

Tinanggal ko yung akin. Inaanticipate ko talaga 'to pag tapos ng lahat-lahat, makikilala ko na rin kung sino ang kausap ko.

He took off his mask at nanlaki ang mga mata ko.

I... did not expect this but at the same time I was not that surprised. I thought so.

"Jeremiah?"

The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon