Chapter Thirty Six:
Napatingin ako sa mga taong nandun. Hindi ko rin sigurado kung saan ako uupo. Sa kaliwa raw ang mga taong panig kay Jake, sa kanan naman Nakita ko ang mga magulng nila Irish at Winona, kasama si Danica. Nagmadali na lang ako na pumunta sa kanan na umupo sa tabi ni Danica na ngumiti nang kaunti.
Para akong kinurot sa puso nung humawak pa sa kamay ko ang kaibigan kaya sinisugurado ko lang ito na magiging okay ang lahat kahit hindi naman din ako sigurado. "Kamusta ka naman, Danica?"
"Eto.. namimiss ko na sila Winona.. si Irish. Ikaw din namiss ko. Nagbakasyon ba kayo?" tanong na rin niya sakin.
Paano niya nalaman nagbakasyon kami?
"A-ayun.. masaya naman kahit papaano. Nawala iniisip ko tungkol dito." I pouted.
"Mabuti, mabuti." Danica nodded her head before an experated sigh escaped her lips. "A-ako lang ba? Nakakaisip na.. hindi si Jake gumawa?" mahinang tanong na rin niya sakin lalo na yung mga tao na nakapaligid samin naniniwala na may sala ang hinahantungan.
Umiling ako nun. "Hindi lang ikaw.. parang imposible nga kasi."
"Bakit hindi ka nga pala ginawang witness?"
"W-witness?"
"Oo.. since ex girlfriend ka ni Jake."
"H- hindi naman ako natanong eh." sabi ko pa na nagtataka din naman kung bakit hindi nga akong kinuhang witness.
May surprise wtiness ba? Kahit labag sa loob na mag witness?
Wala talaga akong alam sa mga ganyan.
I breathed a sharp breath in my system before looking at the court. Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari na pero nung nakita ko yung judge ata, kinabahan na ako. Mukhang masungit.
Masungit talaga mga judge noh? Hindi pwedeng maging softie sila kasi naghahatol sila ng mga taong gumagawa ng krimen. Kung ilang buwan o ilang taon sila dapat makulong depende na lang kung gaano kabigat ang kasalanan.
Lalong bumigat ang pakiramdam ko nung makita na si Jake mismo na nakalagay ang mga kamay sa likod, nakaposas. He looked.. different. He looked sad and furious. I would have been like that too kung ako sisihin sa pagpatay na wala ka talagang ginagawa.
Ilang minuto na rin ang nakalipas na nagawa na ang pag swear sa biblya at sa korte na magsasabi ng katotohanan at purong katotohanan lamang. Bumibilis na ang tibok ng puso ko sa mga nangyayari at hindi ako masyadong makapokus sa mga sinasabi ng mga taong nagsasalita sa harapan.
My mind was a in a different zone where it words were gibberish
Napapatingin ako kay Jeremiah nun na nakikitang intense din ang panonood niya. Kaya naiwan ako sa sarili kong mundo ulit na napapaisip.
Bakit nga hindi ako kinuha na witness? Andun ako nung lumulutang na lang ang bangkay ni Winona. Pinuntahan ako ng pulis nung Nakita nila ang bangkay ni Irish.
Hindi ba ganun ang mga witness o mali lang ang pagkaintindi ko? Bigla nga ba akong kukunin? Hindi ba dapat hingiin yung permiso ko sa ganun? Pwede
Nagbibigay na rin ng mga evidence ang kabila na madaling nacocoutner ng defense lalo na malakas ang patunay ng mga alibis ni Jake. Kung nasaan siya nung araw na nakita si Irish. Kung nasaan si Jake nung nalunod si Winona.
Si Jake kasi may trabaho. Kahit menor de edad lang siya nung makakuha siya dati ng trabaho, hindi niya binitawan yun kasi nagpapaaral siya sa sarili niya. Madalas nga rin siyang absent at ako yung kumukuha ng mga lectures niya para maaral niya. He's determined to finish school dahil nag-iisa na lang siya.
Hindi na umuuwi ang mga magulang niya pero hindi niya pinapaalam sa kahit sino man.
Kaya nga naiintindihan ko si Jake kapag nagagalit o ano. No one knows the real him except me. Sadyang napuno lang talaga ako.
The day Irish was found killed at estimated ng mga forensics kung iilang araw na yung bangkay at tinama sa timeline ng kung nasaan si Jake, nasa trabaho si Jake. At wala sa school. Nagkita nga lang sila ni Irish nung hapon sa labas kasi may pinapasuyo siya sa kaibigan. But that's it, I don't think anything happened more than that.
Alam ko rin naman na minsan sobrang unfair ng justice system dito kasi gusto na lang nila makakuha ng ituturo ang daliri para angkinin ang kasalanan. Gusto na lang nila matapos para may makuha na silang pera.
Kaya pinupush ng mga pulis na may kasalanan siya.
I know.. I know he didn't do it.
Nung araw na namatay naman si Winona, he was around school at that time pero nasa practice siya ng basketball. They may have encountered each other pero yung oras kasi hindi nagtutugma. May mga kateam mate si Jake na pinatunayan na magkasama sila hanggang gabi at hindi nawala si Jake nun.
So the prosecution was left to counter again.
Napapakunot na ang noo ko sa mga pangyayari. Nahihilo ako, gusto ko lumabas.
But the judge was giving a sentence now.
Ramdam kong namamanhid na ang kamay ko sa higpit ng hawak ni Danica dito.
"Bigyan niyo ho kami ng iilang minuto para makabuo ng desisyon."
Nag disperse ang mga tao nun kaya tiningnan ko na rin ang magulang ni Irish at mga magulang ni Winona na kinausap ko pa nun na sandali pa kong humiwalay para makausap na rin si Jake nun.
"Lyra.. Lyra, kilala mo 'ko. Hindi ko magagawa 'to. Maniwala ka sakin." agad na bungad sakin ni Jake.
Napabuntong hininga lang ako nung makita pa na mas lumalim na ang eyebags niya. Ilang buwan din siyang nasa kulungan, ngayon lang ulit tiningnan yung case niya. At naaawa ako.
I'm pitying what I was seeing right now.
"Aalamin natin, Jake, in a few minutes. Hang in there." sabi ko na lang din na diretso ang tingin para mabasa ang mga mata niya.
Kung may makikita ako kung totoo ang sinasabi niya.
"Hindi ko magagawa yun kayla Winona. Parang mga kapatid ko na spoiled yun." he exclaimed as his voice broke.
My heart broke as well. He was like this before I met him at naaalala ko lang mga pinagdaanan niya noon.
"I can never hurt a person to that extent."
"Muntikan mo na nga mapatay si Jeremiah noon."
"It's not like I was really going to kill him!"
"Eh alam mo namang napakapayat nun papatulan mo!"
"Lyra.."
"Hindi pa kita napapatawad sa ginawa mo kay Je, Jake. Hinding hindi ko makakalimutan yun." I crossed my arms against my chest.
I wanted to look intimidating, for once. He was always over me and I wanted to get that upper step for once.
"I'm sorry.. I'm sorry, okay? Aminado naman ako na may anger issues ako. Pero sinusubukan ko pa ring ayusin yun. Inaayos ko sarili ko, Lyra, diba?" sabi pa rin niya na sinusubukan kunin ang kamay ko na nakaposas naman ang mga braso niya sa harap kaya lumayo lang ako.
"Wala.. nasira yang pag-aayos mo. Pinangako mo sakin but you turned to a person I don't know anymore." I sighed in frustration.
"Nawala ka kasi sakin. You turned your back on us when you met him. Sino hindi masasaktan?"
"Kasi naramdaman ko yung mas tanggap ako kaysa sainyo na sobrang tagal ko na kasama." sabi ko pa nun na napakunot ang noo. "He made me feel loved more than you did."
"Kahit na madaling natempt ni Irish?? Kalat na yun!"
"At least he changed!"
Nainis na rin ako bago na lang din umalis na sakto na bumalik na rin ang mga jury at judge nun kaya umupo na lang sa tabi ulit ni Danica.
"Pagkatapos ng masinsinang diskurso, hinahantungan namin ang defense.. NOT GUILTY."
Not guilty.. not guilty.
Hindi guilty si Jake.
I should be happy, I should be.. pero ibig sabihin hindi pa talaga nahuhuli yung pumatay?
BINABASA MO ANG
The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]
Misteri / Thriller"The quiet ones are always the most mysterious ones." Lyra's life turned around when she decided to speak to the quiet boy at the back of the class. She wouldn't know the things that were coming even if it hits her in the face. 1st Installation i...