Chapter Nineteen:
Nang pumatak ang Lunch time, nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko para makalabas na kaagad. Usually hinihintay ko pang maubos ang mga tao sa loob at sabay kami ni Jeremiah kumain. But today's different. Walang sakit sa puso ko noon. Feeling ko ang manhid ko ngayon. I have to get out of what I was used to.
Iwas na iwas ako sa mga tao dahil alam na nila siguro ang nangyari kahapon at magtatanong 'yan panigurado and I don't want to have to explain myself. Wala akong oras para sa kanila o kanino man. Pinapakita ko lang na normal ang araw ko kahit hindi-kahit na maraming pumapasok sa isipan ko, kahit na gusto ko lang sa bahay na magmukmok at kumain ng ice cream at manood ng mga nakakatawang pelikula because I really deserve that. Yung mga tingin nila sakin, hindi ko maintindihan.
Kaso nagawa ko nay un dati nung sinusubukan kong mag move on kay Jake. Kumain, nanood ng movies, magmukmok, tingnan ang mga pictures naming at matulog. Saka na lang naman ako naka move on nung nilabas ako nila mama nun. I feel so thankful for them.
Bakit sila maaawa? I'm not some kind of child who needed to be tended all the time. Kaya ko naman na bumangon nang ako lang.
Inilagay ko ang mga natirang gamit sa loob ng desk kasi hindi sila magkasya sa bag ko. Sinigurado ko na lock ito nang maigi para walang mangialam na ibang tao bago ako umalis ng kwarto na mabilis ang lakad. Dire-diretso lang ako sa canteen na hindi pinapansin ang mga bumabati sakin. They were the same people who saw me running away yesterday and I wasn't in the mood to entertain their curiosity. I'm not an entertainment. Mag chismis na sila kung mag chichismis.
Sorry, I'm overreacting.
Mabilis naman akong nakakuha ng pagkain at nakahanap ng table na ako lang mag-isa ang nakaupo. Napatingin ako sa harap ko na dapat nandun si Jeremiah. Dapat nagdadaldal na ako tungkol sa mga hinanakit ko sa school o kahit anong kwento lang na maisip ko na nangyari sa buhay ko sakanya pero wala siya rito. He can go make-out with Irish for all I care! Tulad nga ng sinabi ko sakanya: dapat inisip muna niya ako bago siya makipaglaplapan sa ibang babae, na alam niya na may masasaktan. Pero nagawa niya ba 'yun? Pare-pareho lang silang mga lalake. Kapag na bored na, tatapon ka lang na parang basura at ang masaklap pa, hindi ka sa tapunan itatapon, diyan lang sa gilid-gilid. It makes me feel more worthless than I already do.
Pero kahit papaano, sa loob-looban ko, inaasahan ko pa rin na pumunta siya rito at suyoin pa rin ako. Tama nga nang pagkataas ko ng ulo na may nakatingin saakin at si Jeremiah ito. Hindi naman alam ang gagawin kung ngingitian ba siya o hindi kaya ang nagawa ko na lamang ay tumingin sa kinakain.
"Nakapag-usap na kayo?" nagulat ako nang iba ang naupo sa harap ko kesa sakanya.
Kumunot naman ang noo ko sa kinaroroonan ni Andrew. May dala-dala rin siya tray ng pagkain. Napunta ulit ang tingin ko kay Jeremiah na nakatayo lang kahit maraming nagdadaan na tao sa gilid at harap niya. I hesitantly looked away and gave my attention to the one who bothered to come and sit with me.
"Oo," sagot ko sa kausap. "Practise lang daw yun, can you believe that?" I scoffed, finding the excuse too shitty.
Tumango siya na halatang nagpipigil din ng tawa. "Malay mo nga practise lang talaga."
Tiningnan ko siya nang masama. "Practise na nakaupo sa kandungan? I don't think so. Tapos silang dalawa lang?"
Ininom niya ang bote ng tubig niya. Natetempt akong pisilin yung bote para sumabog yung tubig sa mukha niya. I would find that hilarious. Eh sa mabait na tao nga ako, madali ko naman napigilan ang sarili ko. Siguro sa susunod kapag kaming dalawa lang para hindi kami pagtinginan.
"Tapos anong nangyari?" tanong niya pa na mukha talagang nag-aalala siya sakin pero alam kong all he was doing was pitying me at para sa sarili niyang pakinabang.
Nagkibit ako ng balikat. "Sinundo niya ako kaninang umaga. Pagpapatuloy pa rin daw niya yung panliligaw niya."
Hindi ko maintindihan at mabilis akong nakapag open up kay Andrew kahit kakakilala ko pa lang sakanya. Meron kasi siyang vibe na mahirap ikabahala. Para siyang kuya na hindi ako magkakaroon dahil iisang anak lang ako. Bago yung feeling sakin at hindi ko alam kung magugustuhan ko ba ito o hindi. I think that's why it's easy to warm up. And he wasn't judging me at all. He gives helpful advises.
"Hindi ka makaiwas noh?" ngumiti siya nang kaunti.
Napailing ako bilang sagot sa tanong niya. Napalit na naman ang atensyon ko nang makita si Irish. Hinawak-hawakan niya si Jeremiah sa braso, sa dibdib na parang bang nang-aakit. Hindi ko maalis ang tingin ko sakanila na gustong malaman kung ano ang gagawin ng lalake. Nasapo ko ang tingin niya na parang nanghihingi ng tulong. Umalis ang mga mata ko sakanya at ibinalik kay Andrew na neutral lang ang eskpresyon sa mukha.
Uwian na nun and I've never been this excited to go home already. Pero sinusulat ko muna yung mga reminders na sinulat ng homeroom teacher namin sa pisara. Hindi ako tumulad sa iba na pinicturan na lang ito dahil mas prefer ko yung nakasulat sa notebook para mas maalala ko ang mga nakalagay. Saka mas effective naman talaga yung sinusulat.
Hindi ko napansin na nakaalis na pala yung iba dahil sa pagsusulat ko. I realised that when Jeremiah came out of nowhere. He blocked my view of the board which already pissed me off.
"Umalis ka diyan. Please I want to go home, already." ang sabi ko sakanya na wala sa mood at sinubukan gumilid para mas makita ito.
"Kausapin mo 'ko..." mahinang sabi niya.
"Kinakausap naman kita ah?" napatingin ako sakanya as I tilted my head to the side.
"Gusto mo ba siya?" natanong niya na ikinabigla ko.
"Si Andrew?" tinaasan ko siya ng kilay. Si Andrew lang naman ang tinutukoy niya, diba? Wala na naman akong ibang nakakasama maliban sa kanya.
Tumango siya.
"I like him." sagot ko. "Not in that way though."
Huminga siya nang malalim na para bang siya yung biktima. At kinainis ko ito. Bakit siya may gana pang magselos? Ako yung sinaktan niya!
"Okay lang sakin na magkagusto ka sakanya. Magpaparaya ako."
And now he's guilt-tripping me?
Natawa ako nang malakas sa sinabi niya. "Ahh! Magpaparaya!!" yumango-tango ako. "O excuse mo lang dahil gusto mo na rin si Irish? Okay lang din naman sakin eh! Buti nga hindi pa kita sinasagot. That's one less problem for me to handle. Bakit hindi ka na lang maging honest sakin kaysa sa naglolokohan tayo? Sabihin mo na nagugustuhan mo na rin si Irish para tapos na 'to, para hindi na ako umasa na hahabulin mo 'ko. Hindi ako magagalit. Promise."
Hindi ako galit sakanya. In fact, I was angry at myself for being so... worthless. I can't make them stay. Dun lang naman ako magaling, bugawin yung mga taong nagkakagusto sakin. I don't understand myself why I'm always being let down. Kaya hindi na ako aasa sa mga salita niya.
"Ilang beses ko bang sasabihin na ikaw gusto ko!" napatayo siya na pinagtaasan ako ng boses.
Tumayo rin ako na mas panatag ang loob. "Hindi ako pinagtataasan ng boses ng mga magulang ko! Wala kang karapatan!"
Natauhan siya sa sinabi ko.
I was too shocked to even comprehend my situation when he pulled me away from my chair and into his body. Wala na akong oras na magkaron ng reaksyon nang ilagay niya ang mga labi niya sakin. Hawak-hawak niya nang mahigpit yung braso ko. I would've gave in-I would've melt pero mas nangingibabaw ang galit ko sa kanya.
Inurong ko kaagad ang ulo ko nang bumalik ako sa realidad at napagbuhatan ko siya ng kamay. Umalingawngaw ang tunog ng pagkasampal ko sakanya sa kabuuan ng kwarto.
Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko bago ako umalis sa harap niya.
BINABASA MO ANG
The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]
Mystery / Thriller"The quiet ones are always the most mysterious ones." Lyra's life turned around when she decided to speak to the quiet boy at the back of the class. She wouldn't know the things that were coming even if it hits her in the face. 1st Installation i...