Chapter Sixteen:
Ilang weeks na akong pabalik-balik sa auditorium ng school dahil sa mga rehearsals at kung meron akong free time at extra money, ako na ang mismong bumibili ng pagkain ng mga staff para makatulong kahit papaano. Hindi ko tinanggap yung pagka production assistant ko dahil marami rin akong priorities at baka hindi ko magampanan ito. Naisip ko rin kung nakuha ko yung role, parang ako yung magbaback out. Pero nasabi ko naman agad sa director dahil nirerepresent ko rin naman ang school sa swimming competitions. Naintindihan naman nila kung gaano ka strict sa training si Coach Gee kaya hinayaan na muna ako. Wala rin naman kasi akong choice noong nag audition kami dahil biglaang decision 'to at hindi naman kami makapag back out dahil members kami.
Nakikita ko naman na medyo gumagaan na ang loob ni Jeremiah sa mga kasama niya at sa ibang tao kapag inaayusan siya o pinagsasabihan. Mas naiipakita niya ang magandang ngiti niya na ikinatutuwa ko kapag nanonood sa audience view.
Ang hindi ko lang ikinatutuwa ay yung paghawak ni Irish sakanya. Halatang nang-iinis siya dahil kada may hawak o lapit ng mukha kay Jeremiah, yung mga mata niya nakatingin sakin. Of course I was being professional. I'm not going to stoop down to her level. Kung magiging immature siya then so be it. Hindi niya nga akong masabihan kung ano ba ang problema niya sakin at hindi rin akong magkukusang lumapit sakanya. Kaibigan ko siya pero bakit ganito ang inaasta niya? I'm not in the wrong here. We both know that.
Ang masaklap pa sa part ko ay yung ilang kissing scenes na meron sila. Buti nga lang at hindi pinapagawa kaagad ni Direk sa kanila dahil alam niya kung ano ang meron samin ni Jeremiah which I was grateful for and embarrassed at the same time. Halata kasi kami ni Je minsan. Naglalambingan kapag break nila.
Ang pinaka ayoko ngayon ay makita silang naghahalikan sa harap ko kahit na ba naga-acting lang sila. Siguro magiging okay ako kung ibang tao pero sa lahat nga ng nag-audition si Irish pa ang napili. The world just wants to play with me.
Meron akong dalang ilang box ng donuts na ikinatuwa ng mga staff nang makita ako. Gusto ata nila ako kasi nagdadala lang ako ng pagkain eh!
Inilagay ko ang mga boxes sa table para pagsaluhan nila mamayang meryenda sa harap ng stage. Tinanong ko kay Nina, ang stage manager, kung nasaan si Jeremiah na gustong supresahin sana. Sinabi naman niya na nasa dressing room, nagpapractise ng mga linya niya. Napagpasya ko na tulungan siya. Hindi ko na rin siya masyadong nakakausap, buti na lang at nakapunta ako na may oras na siya.
Nagpaturo ako kung saan ulit ang dressing room dahil makakalimutin akong tao. Nagpasalamat ako kay Nina at umalis na kaagad siya dahil marami pa atang aasikasuhin. Hindi na ako kumatok para hindi siya asahan na ako ang papasok. Binuksan ko na lang ang pinto na ready ng batiin siya.
Pero ako ata ang nasurpresa nang pag bukas ko ng pinto.
Nakaupo si Irish sa kandungan ni Jeremiah na nakaharap sa kanya. Dikit na dikit ang mga katawan nila sa isa't-isa habang tuloy lang ang lampungan ng dalawa. Naramdaman ko na nahulog ang puso ko mula sa dibdib na hindi makabuo ng salita para tigilan sila. Pinapanood ko lang sila na nahulog na panga. Hindi ko kayang paniwalaan ang nangyayari sa harapan ko at sana nga lang nananginip ako.
Sana nga panaginip na lang pero totoo yung sakit sa dibdib ko ngayon. It hurts so fucking much.
What's worse about this was that... he was kissing her back. Kaya ko pa tanggapin kung si Irish lang pero nakikita ko ang pag galaw din ng mga labi niya at nakahawak pa siya sa baywang niya. Kung saan-saan na rin nakaturo ang buhok niya na agad ko naman inassume na kanina pa nila ginagawa ito.
Kanina pa nila ginagawa at hindi man lang pinipigilan ni Jeremiah. Pagkatapos ko siya sabihan pero ano? May pasabi sabi pa siya na ako lang.
Mas sumakit ang pakiramdam ko nang tumigil sila at tumingin sila pareho sakin. Nanlaki ang mga mata ni Jeremiah na agad pinaalis si Irish mula sa kanya. I didn't let him get the pleasure of explaining himself. Umalis kaagad ako sa lugar na 'yun na tumatakbo. This was Jake all over again. I thought I could trust Jeremiah!
BINABASA MO ANG
The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]
Детектив / Триллер"The quiet ones are always the most mysterious ones." Lyra's life turned around when she decided to speak to the quiet boy at the back of the class. She wouldn't know the things that were coming even if it hits her in the face. 1st Installation i...