Chapter Twenty Seven:
"Je, galit ka?"
"Hindi."
"Mukha ka kang galit eh.."
"Hindi ako galit."
"Bakit hindi mo ko tingnan?"
"Is there a reason to look at you?"
By this rate, I was merely pouting like a child. Hindi raw siya galit pero halata naman sa pakikipag-usap niya, sa tono ng boses at sa mga pinapakitang kilos.
Nasa labas na kami habang hinihintay yung driver niya na nirentahan lang din. Buong event mismo, hindi niya ako kinausap habang nakaupo lang sa tabi ko. Kahit ilang beses kong tinangkang kausapin siya, natakot lang ako sa hitsura niya na parang occupied na yung utak niya na kung ano-ano na lang din naiisip... na masama.
Ganun lang naman ang inaassume ko pero I don't think that's the case. If I were him too, I'd get upset at what I saw. Pero mas masakit naman kung masaksihan niya na may iba akong intensyon kay Andrew, pero wala naman talaga kahit na ba sinabi na rin sakin nito na may ibang nararamdaman para sakin, I won't ever think of cheating on my boyfriend because I know how it feels like to be betrayed by someone you love and care for.
It reminded me of the time I caught him with another woman.
Alam kong hindi naman kami nun and I shouldn't get that upset at what I've saw with my own eyes at that time kasi kung wala naman daw kayong label o kung ano, wala dapat talaga akong karapatan kung tutuosin. But that really hurt and in the end, I let him explain his side. Why can't he do the same for me?
Umupo na lang din ako sa may bangketa para tanggalin ang heels. Kanina pa kumikirot yung talampakan ko at feel ko magkakapaltos na ako sa paa. Minamasa-masahe ko ang sakong ng kanan kong paa habang nakatingin sa daanan kung nakabalik na yung kotse dahil gustong-gusto ko na umuwi at matulog.
Hindi ko ata nakagat yung gilid.
Mabuti na lang at walang klase bukas kasi kung meron, walang awa yung school. Anong oras na nga nag end, may pasok pa rin bukas?
"Masakit na?" rinig kong tanong ni Jeremiah.
Tumingin naman ako sa kanya at tumango. "Ang taas kasi..." sabi ko lang bago ibalik ang atensyon sa paghilot ng paa. "Hindi rin naman kasi ako pala-heels na tao. Mas gugustuhin ko talaga yung nakasapatos or better yet, tsinelas. Minsan masaya rin na nakayapak. I think I'll go home barefooted." paliwanag ko na parang walang samang loob sa pagitan naming dalawa.
"I'm sorry, Lyra." ramdam ko naman ang pag-upo niya sa tabi ko.
"For what? Diba dapat ako magsorry sa'yo?" tumingin na ako sa kanya na feeling ko rin na wala akong masyadong mabigay na reaksyon sa kanya. "Since you saw us dancing and all... so I'm sorry."
"Nagtampo lang ako kasi siya pinayagan mong makipagsayaw sa'yo pero buong gabi kita kinukumbinse at sinusuyo na sumayaw pero wala naman akong makuhang sagot sa'yo." napabuntong hininga siya kaya napasiksik ako sa kanya.
"Sorry kung sinusungitan kita pero wala lang talaga ako sa mood kanina, kahit naman nung kasayaw ko na si Andrew." inabot ko ang kamay niya at pinagkabit ang mga daliri namin.
"Ayoko rin kung paano ka niya tingnan. It's the same way I look at you and I dislike sharing what's mine."
My mouth fell slightly agape at his uttered words which I did expect at all.
Inassume ko na nung umipsa na parang wala siyang pakeng mabibigay pero palagi naman niya akong ginugulat sa mga sumusunod niyang salita at gawa.
Kasi pansin ko na kahit papaano ako yung nasusunod saming dalawa dala na rin siguro nung nangyari dun kay Irish. I'm at least a little above him but the minute I heard the possessiveness in his tone, I felt small. Feeling ko pa nga na namumula ang mukha ko dahil nakita ko sa mukha kung gaano siya kaseryoso.
BINABASA MO ANG
The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]
Mystery / Thriller"The quiet ones are always the most mysterious ones." Lyra's life turned around when she decided to speak to the quiet boy at the back of the class. She wouldn't know the things that were coming even if it hits her in the face. 1st Installation i...