Chapter Twenty Six:
I couldn't possibly calm down now after the commotion happening a whilst ago. Kahit na inaassure na ako ni Jeremiah na okay na—na nahuli na yung pumatay sa mga kaibigan ko, iba pa rin ang pakiramdam ko; na siguro hindi pa tapos ang lahat. Gusto kong malaman kung paano napunta sa ganung punto na kailangan pang gumawa ng ganitong bagay si Jake. Sa tagal pa naman naming magkaibigan at magkakilala, hindi ko naisip na maakagawa siya ng ikakapahamak niya at ng ibang tao.
Ano ba kasi ang rason niya, out of all the people in the school, those I hold close to pa? Sabihin na natin na minsan hindi talaga maganda ang pakikitungo nila Winona at Irish sakin pero ni isang beses sinaktan ba nila ako? Kung tutuusin nga, sila ang sinadya kong iwanan dahil nakahanap ako ng mas maayos na kasama kaysa sa kanila. I do regret leaving them behind, with all my heart and soul but I'm really curious. Parang gusto ko na ngang magprisinta na pumunta sa mismong prisinto para lang malaman kung ano ba ang tumatakbo sa utak ng lalake na yun.
Like I said before, the university president has something going on mentally and it's really odd kaya patuloy pa rin yung graduation dance kahit ano pang sagabal ang mangyari. Wala na ako sa wisyo, tuliro, na kung ano-ano ang pumapasok sa isip. No matter how much Jeremiah attempted to talk to me, kung hindi tango, maiigsing sagot lang ang nabibigay sa kanya. I felt bad that he was giving this much effort and I wasn't even trying.
"Magbabanyo lang muna ako," paalam niya sakin na tumayo mula sa upuan sa tabi ko. Nilapit niya ang labi niya sakin na akala ko hahalikan na ako pero dumampi lang sa noo ko bago ngumiti sakin at lumakad palayo.
Sinabayan ko lang siya ng tingin habang paalis siya. I let out a sigh, really feeling guilty. Pero sana maintindihan din naman niya na kung ano yung pinagdadaanan ko. Call me self-centred but right now, I didn't care. Malakas pa rin ang takot sa dibdib ko. As much as I want this to go away, it just won't.
"Iniwan ka ng date mo, Lyra?"
Agad akong napatingala kung saan narinig ang boses na napalakas dahil sa tunog sa paligid.Nginitian ko naman si Andrew na hindi inakala na makakapunta dahil sinabi sakin nito nung isang araw na hindi siya aattend pero heto siya ngayon na mukhang pinaghandaan talaga dahil sa porma niya. Bumagay sa kanya ang sinuot niyang amerikana na bukas ang butones at naka blue siyang polo sa loob. Nakatuck-in ito sa fitted slacks na naemphasize ang tangkad niya kaya naging kapansin-pansin pa ito.
Umiling ako pagkatapos pa ng ilang sandali na baka magtaka na siya kung bakit hindi ako sumasagot. "Nagbanyo lang si Je. Akala ko ba hindi ka makakapunta?" tanong ko naman na nakatingin pa rin sa kausap.
Nagkibit balikat siya bago nagkusang umupo kung nasaan si Jeremiah kanina, sa tabi ko. "Hindi ba pwedeng mag-iba ng isip?" sinagot naman ako na patanong din na medyo nainis ako.
Wala lang siguro ako sa mood kaya ang bilis kong mainis ngayon at nalalabas ko sa mga taong wala naman ginagawa.
"Pwede naman," sagot ko. "Wala kang date?"
"Wala eh," saad niya. "May boyfriend na."
Saglit lang ang lumipas nang mainitindihan ko kaagad ang ibig niyang sabihin sa sagot niya. Tumawa lang ako na nerbyoso pa dahil naawkward-an ang feeling ko ngayon. I've never had these many guys like me before and it's all new to me, so tell me how to act? What should I say to that? O ako nga ba ang tinutukoy niya? Baka mamaya nag-aassume lang pala ako na ako yung gusto niya.
Sandali.
Bakit ko nga pala iniisip 'to, making this a big deal, kung may boyfriend na ako?
"Ah ganun, buti naman dumating ka kahit papaano." sabi ko na lang. "Ang boring nga eh."
"Hindi ka naman kasi tumatayo, 'di ka naman sumasayaw." saad niya sakin bago ulit tumayo na nakaabot na ang kamay sakin. "May I have this dance?"
"S-sorry, Andrew, wala talaga ako sa mood." nakasimangot na ako ngayon na tinatamad din tumayo dahil nanakit na ang paa sa heels.
Tumingin lang siya sakin. Nagulat naman ako na bigla niya akong hatakin patayo so I ended up bumping into him. Napalagay ang mga kamay ko sa dibdib niya na ramdam ko pa ang pagkatigas nito. Nanlaki ang mga mata ko na agad humiwalay sa kanya pero ang higpit ng suporta niya sa likod ko kaya kahit kembot hindi ko nagawa.
"Andrew!" agad akong tumingin sa kanya na nakasimangot. "Bitawan mo nga ako!"
"Ayoko nga," nakangisi nitong sagot na lalo lang akong hinila papunta sa kanya. "Not until I have my dance with you. O' yan, in-english ko na para reach sa level mo."
"Anong reach sa level ko?" I asked, just letting him whatever he was going to do since I didn't have the energy to argue or pull away from him.
"Englishera ka kasi." sagot niya. Ramdam ko naman na gumalaw ang kamay niya na napunta sa bawyang ko. Kinuha pa niya ang braso ko na pinatong sa balikat niya habang ang isang kamay ay nakakabit sa kanya.
Hindi naman nawala ang simangot ko sa mukha. My eyebrow raised at the music suddenly changing into a slow one at lahat ng mga tao sa paligid ay biglaan din huminto. Some asked for a dance and it couldn't be any more accurate than it already was. Bumalik na rin ang tingin ko kay Andrew.
"Ano naman kung nag i-english ako?" nakakunot na ang noo ko nun habang sumusunod sa galaw niya at ng kanta para na rin pagbigyan siya.
"Wala, ang cute kasi sa'yo."
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "You do know na kami na ni Je, diba?"
"Oo naman. Kaya nga hindi na ako makalapit sa'yo dahil palagi kayong magkasama."
Tumango naman ako sa naging sagot ni Andrew. "Si Jake pala may kagagawan ng lahat..." malungkot kong sabi na iniba na lang ang pinag-uusapan.
I said it before and I'll say it again: hindi ko talaga inexpect na makakapatay ng tao si Jake. Alam ko naman na may pagka violent siyang trait pero over the years, natutunan naman niyang i-control ang galit.
"Ex mo, diba?" tanong niya na gusto atang makasigurado kaya tumango lang ulit ako. "Anong nararadaman mo ngayon, Lyra?"
"Ewan, nagtataka... disappointed, ashamed." Bumuntong hininga ako. "I never knew he was that kind of guy."
"Hindi mo rin naman masasabi kung ano talaga ang isang tao; maraming sikretong hindi mo lang talaga pwedeng malaman pero lalabas at lalabas din. Hindi man pinakita ni Jake na ganitong klaseng tao pala siya, pero nababago ng panahon ang isang tao, ng mga pinagdaanan niya." sagot ni Andrew na may kaunting ngiti pa sa labi.
"Ayun nga eh. I feel worthless." napalayo na ang tingin ko dahil nakakahiya, hiyang-hiya ang pakiramdam ko ngayon. "Akala ko talaga kilala ko siya. Marami siyang tinatago sakin. Pati si Irish. Malay ko bang may iba na pala siyang napatay before tapos he got away with it?""Ano sa tingin mo kung bakit siya nagkaganito?" tanong pa niya.
I paused for a bit to really contemplate about it. I really didn't want to jump to conclusions yet but there was one thing in my mind that bothered me a lot. Dahil ba sakin 'to? Namatay sila Winona at Irish dahil sakin? Dinaan ni Jake sa kanila ang galit niya sakin, para maghiganti? To make me feel guiltier than I already was?
"Pero bakit ganun? Wala naman siyang karapatan para magalit sakin. Kung tutuosin nga, ako ang galit sa kanya dahil sa ginawa niya saking panloloko. He had no right and yet he's the one playing the victim here. Baka sabihin niya sa mga pulis na ako pala dahilan, baka ano pa mangyari sakin and I don't want any of that. I just want a normal life. Gusto ko lang makagraduate ng high school nang walang issue na ganito kalaki but I spoke too soon."
"Oh... umiiyak ka na naman. Sayang make-up." naramdaman ko na lang din ang paghaplos ng kamay ni Andrew sa pisngi ko. "Ang maganda ngayon, Lyra, tapos na. Wala ka nang iisipin pa, ha?"
"Anong nangyayari dito?"
Standing there was none other than Jeremiah. And I gulped.
BINABASA MO ANG
The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]
Mystery / Thriller"The quiet ones are always the most mysterious ones." Lyra's life turned around when she decided to speak to the quiet boy at the back of the class. She wouldn't know the things that were coming even if it hits her in the face. 1st Installation i...