X

13 2 0
                                    

Chapter Ten:

Hindi ko inexpect na nandito sina Danica, Winona at Irish sa swimming tournament ko. Matagal ko na silang inaayang manood ng mga laro ko pero ngayon lang sila nagtangkang pumunta. Syempre dahil dito mas na pressured ako. It's bad enough na lahat ng expectations ng mga estudyante at personnel ng school ay binubuhat ko na sa mga balikat ko, dumagdag pa yung mga kaibigan kong pwede na akong itapon kahit saan if I ever disappoint them. Tulad ngayon, kung ma didisappoint ko sila, mahihiya sila at baka tuluyang iwan ako. I assume that was the kind of people they were sa tagal naming pagsasama.

Ayaw nila na napapahiya sila.

Anyway, nag warm up ako sa loob ng locker room area na nakaharap sa mismong salamin. Kanina pa nagsimula yung laban pero mamaya pa yung sakin kaya nagpapadistract na muna ako. Nakasuot na rin ako ng one-piece swimwear, water cap at goggles. Ako lang yung tao dito kaya confident naman ako sa appearance ko kahit hindi naman dapat bigyan ng pansin ito.

Napatalon ako nang may kumatok sa mga pintuan but I managed to stay calm naman ako nang inisip ko na baka si coach lang yun na tinatawag na ako para lumabas. Lumakad ako sa direksyon ng mga pintuan at binuksan ang mga ito nang mabagal.

Pero baka multo rin.

May biglang pumasok na matangkad na tao at isinara ang pintuan sa likod niya. Hindi ako makapag salita dahil nakita ko na kung sino ito.

Kahit na sabihin niya pang gusto niya rin ako o nagjojoke lang siya, umiiwas pa rin ako dahil sa hiya. Pero siya pa rin yung kusang lumalapit. I mean hindi naman mag eeffort yung tao na puntahan ka, kausapin ka, kung pinaglalaruan lang nila yung nararamdaman mo, diba? Then again, Jake cheated on me even though he was exerting effort into our relationship.

That's just the kind of guy he was now that I think about it. Sa una lang magaling.

Nagkatinginan lang kaming dalawa. Ngayon lang ako na conscious sa suot ko at ang lapit pa niya sakin.

"Sabi ko sa'yo pupunta ako ng tournament mo." sabi niya.

Going back, naalala ko ata yung pagkadesperado ko na magkaron ng supporter kaya natanong ko siya sa mga oras na 'yon. He kept his promise.

Napangiti ako sa nangyayari. "S-salamat ha? Nakakataba naman ng puso." nautal kong sabi.

"Galit ka pa rin ba sakin?" tanong niya na naman kapag palagi kaming nagkikita.

Nakaka guilty na rin sa part ko dahil wala naman talaga siyang ginagawang masama. Ewan ko ba. Kung gusto ka rin ng tao diba hindi mo na sila papakawalan pa baka kasi maagaw ng iba? Iba sa sitwasyon ko. At ilang buwan pa lang ang lumipas mula ng break up namin ng ex ko. Bukas pa talaga ang mga sugat at hindi pa ata ako ready sa panibagong relasyon... if ever naman siyang manligaw. I don't think he's the type of guy to court a girl. Kasi feeling ko kapag nagbitaw lang siya ng mga salitang mabulaklakin, kuhang-kuha niya na agad ang puso ko.

Palagi nga akong napapaisip kung nagka girlfriend na 'tong lalakeng 'to.

"Hindi nga kasi ako galit." sagot ko sakanya pagkatapos ng matagal kong pag-iisip ng masasabi sakanya. "Alam mo naman na nahihiya ako sa'yo."

He opened his mouth to say something pero narinig ko na na tinatawag na ang pangalan ko sa labas. Tiningnan ko siya at huminga nang malalim.

"Good luck sakin." motivation ko sa sarili ko at ngumiti lang nang malaki para itago ang nerbyos na nararamdaman ko.

Paalis na sana ako ng mga oras na yun nang naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko at nahila niya ako papunta sakanya. Nakaharap na naman ako at malapit pa talaga sa mukha niya. He had to lower his head down para eye-level ang contact namin.

The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon