Chapter Twenty Nine:
Dumating na rin ang Biyernes and you know what that means? It's Graduation! Sa wakas! Ilang taon din ang nagdaan at marami-rami na rin ang nangyari pero alam kong mas marami pa akong mararanasan sa mga susunod. Umpisa pa lang talaga ng lahat ng struggles. Highschool was just my first step. Iba ang atmosphere sa College, I was told so.
Pero ibig saihin din, bakasyon na! Almost 3 months na walang pasok din, puro puyat at kung posible, gala-gala kapag may pera. And going to that area, Jeremiah actually proposed a vacation na isasama sila mama kung gusto nila sa rest house ng family niya dati sa Cebu. Pumayag na rin daw ang guardian niya na si sir Julien dahil in the course of those weeks, he has business matters to attend to.
Siempre sino naman hindi papayag, diba? Saka sasabay sila mama, it's not like we're the only two on vacation. At hindi ko rin sinasabi na kaya na namin ang sarili pero sino makapagsabi kung anong mangyayari diba? It's best if we have patronage in the trip itself.
If I'd be alone with Jeremiah for so many days without my parents' counseling, then I don't know what will happen to me. Imaginin mo kasama mo yung ganung klase ng lalake- maginoo na ang lakas pa ng appeal to both parties, mapababae man o kasing kasarian niya, and if I was careless enough then I might give him something I would regret later on. He has his way with words and his stare goes through your very soul.
Ganun ako nag-aalala para sa sarili dahil mahina ako sa ganyan. Well pag dating lang kay Jeremiah because truthfully, walang ibang lalake ang nagawang interesado ako sa kanila. No one but Jeremiah himself.. Nag-aalala ako na baka madali lang akong sumuko sa simpleng haplos lang niya. I love him but I really am not ready for that sort of thing. At alam kong hindi niya ako pepwersahin. That's not the kind of guy he is- like I said from the very moment I've met him, meron sakin na nagsasabi na ibang-iba siya.
At ayokong mawala sakin ang tiwala ng mga magulang. Diba nga may kasabihan na ibilog o punitin mo ang papel at subukan mong ibalik yun sa dating anyo. The paper is trust. And once you do something to tear it apart, it can never be the way it used to be. Binigyan na nila ako ng laya ngayon at dapat ganun lang.
I don't want to be trapped.
"Nak, nandito na si Jeremiah." ang bungad ni mama nang pumasok siya sa kwarto habang nakangiti.
Handang-handa rin si mama. Ngayon lang 'to nag make-up.
May nakuha rin naman akong iilang awards at medals but most of them are not academically. Kung hindi dahil sa mga pinasukan na organisations, wala siguro akong matatanggap kung hindi diploma lang. Hindi ko naman sinasabi rin na hindi maganda yun, but it'll be my pride when I take my accomplishments.
But Jeremiah on the other hand.
Tumayo ako mula sa kinauupuan na sinuri nang maigi ang porma kung maayos ang pagkakasuot ng uniporme. Tiningnan ko naman ang mukha kung may dumi o ano bago kunin ang toga na nakalatad sa mismong kama at sinundan si mama palabas ng kwarto.
Agad akong kumapit sa braso ni mama na hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman pero siguro naipapakita naman sa hitsura ko. Mukha siguro akong tanga dahil ang laki ng ngiti ko sa pisngi.
"May nakahanda hong kotse sa labas, tita." saad ni Jeremiah na napangiti nang kaunti. "Nandito panandalian si tito Julien para sa graduation ceremony. Sabay-sabay na raw ho tayong pupunta sa Cebu."
"Talaga?" tanong ni mama. "Nako 'nak, salamat ha? Minsan na lang kami makalabas ng bahay nang sama-sama."
"Walang anuman ho."
Agad akong humawak sa kamay ni Jeremiah at pinagkabit ang mga daliri namin. "Are you ready to graduate?"
"Simula pa nung mag start high school, yes." biro niyang sagot sakin bago ko maramdaman ang paghigpit pa ng hawak ng kamay niya sakin. "Are you, love?"

BINABASA MO ANG
The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]
Misterio / Suspenso"The quiet ones are always the most mysterious ones." Lyra's life turned around when she decided to speak to the quiet boy at the back of the class. She wouldn't know the things that were coming even if it hits her in the face. 1st Installation i...