Chapter Twenty Four:
Unang beses ko pa lang makapunta sa bahay ni Je kahit ilang beses na siyang nakapunta samin. Kakagaling lang namin sa sementeryo na buong oras ay tahimik lang kaming dalawa. I never knew how rich he really was until I saw his house. I mean alam ko na na mayaman siya pero parang compound ang pinasukan ko. Nasa kwarto niya kami na halos triple o mahigit pa na ng isang kwarto sa bahay namin at nasa balkonahe mismo na nakaupo nang magkatabi.
"Wala atang Chinese na pamilya dito sa Pilipinas na walang pinapalagong negosyo. Mas kilala naman kami sa ganun, diba? Kaya nga lumipat kami dito dahil gusto pang magkaanak nila papa at mama at strikto ang China sa one child policy na meron. Magsisimula pa lang ako ng high school nang pinatay sila ng isang karibal na kasosyo nila sa negosyo. Pinagkatiwalaan nila yung tao pero ginawa pa rin silang patayin dahil ano? For the money? The Power? Pwede naman kasing magtulungan na lang. Parehong partida naman yung kumikita ng milyon milyon na pera and yet they do something stupid like that. Pagkauwi pa lang namin dito, nasa sinapupunan niya na yung dapat magiging kapatid ko.
"Hindi ko man lang nalaman kung babae o lalake dahil kasamang namatay ito sa insidente. Malakas yung impact nung pagkabundol nila sa isang truck. Tinakasan sila nung driver. Buhay pa si mama nun na nakalabas pa ng kotse bago sumabog pero sumunod na rin siya kay papa pagkatapos pa ng ilang minuto. Nahuli naman yung driver nung truck at sinabi na inutusan siya na sadyaing banggain ang mga magulang ko nung mga taong akala ko rin makakapagtiwalaan. Ang sakit lang isipin. Kaya siguro nawalan na rin ako ng sasabihin sa ibang mga tao. I became mute."
Maigi kong pinakikinggan kung saan nagmula ang storya ni Jeremiah. Nakahawak ako nang mahigpit sa kanyang kamay para alam niyang may karamay siya dito. Napapaisip na rin ako sa sarili ko at nauunawaan na siya nang mabuti. He always seemed like a mystery to me. I had not received a single clue about his background before up until now. At natutuwa naman ako na kaya niya pa akong bigyan ng tiwala pagkatapos ng trahedyang nangyari sa kanya.
"At first the welfare and development department here insisted na ibang pamilya na mag-aalaga sakin, sa mga kapatid ng mga magulang ko pero ayaw nila akong i-take custody. I waited for so long pero wala man lang gustong kumopkop sakin. Dahil hindi naman ako Filipino eh. Hanggat sa tumakas na lang ako. Pagod na ako kakahintay. Bumalik ako sa bahay namin na pinasasalamatan ko naman na hindi pa naibigay sa isang pinagkakatiwalaan ni papa na nagtatrabaho para sa kanya. The will was handed to him. Everything. Parang ganun na, paulit-ulit nila kong binalik sa orphanage at tumatakas ako palagi hanggat sa pinabayaan na lang din nila ako. Hindi ko hinayaan na i-give up yung business ng mga magulang ko sa mga kapatid ni papa kaya inaral ko ang dapat aralin kahit hirap na hirap na ako. Tinulungan ako ni Julien. He adopted me later. Naturally sa mga kapatid napupunta kapag namamatay diba? But the will was handed down to me and to him. Legally, it's ours. Makalipas pa ang panahon, natuto rin naman akong mag Filipino kahit papaano at pinagpatuloy ko lang ang pag-aaral ko. Alam ko naman na proud sila sakin ngayon. And so I want to finish my studies and then I can manage the company more. Hindi sila masasamang tao, Lyra. Kaya nga kung buhay sila, itatrato ka nila na parang anak na rin nila. I would want to introduce you to Julien but he isn't around for the time being. May mga business trips."
Itinapat niya ang likod ng kamay ko sa mga labi niya at hinalikan ito. I looked at him lovingly. I was growing admiration for the person right beside me. He's so strong. At tulad ng sinabi niya, makakasigurado rin ako na proud ang mga magulang niya sa kanya. I know I am. Pinatong ko ang kamay na yun sa balikat niya na hinimas himas ito.
"You are amazing, Jeremiah. Everything you went through. You still chose to stay strong and independent." I breathlessly told to him.
Alam kong nakakapagod din minsan ang umiyak kaya hindi na ako nagulat kung walang tumutulong luha sa mga mata niya. Ngayon ko lang din ulit nakita ang emosyon sa kabilugan ng mga mata niya na bihira kong mapansin dahil palagi itong kulay itim lamang.
I caressed his cheek as he leaned against my hand.
"Kaya kung iiwan mo rin ako, hindi na ako magtataka pa. Siguro ganun lang akong klase ng tao. Yung tipong kaiwan-iwan." nagawa pa nitong mag biro na agad kinainis ko.
Ngumuso ako. "Sa tingin mo iiwanan kita nang ganun-ganun lang? Do you think I'm that kind of person?"
Umiling siya na ngumiti. "Hanggang sa huli?" tanong nito na ipinatong ang kamay sa akin.
"Until the end."
Kahit sandali pa lang panahon ang pagsasama naming dalawa, hindi ko na agad kayang iwanan siya kahit na paulit-ulit niya pa akong saktan. There was a missing piece of my heart before I met him and he was that puzzle piece who fitted the hole perfectly. I can't risk being incomplete as a person again.
"I love you." sambit niya na kinamula ng mga pisngi ko. Nahihiya pa rin ako kapag sinasabi niya..
Hindi ko inaasahan yung sinabi niya kaya nakapagtago pa ako ng mukha sa mga kamay dahil sa hiya. "Don't say it out of nowhere!" pagrereklamo ko na hindi pa siya kayang tingnan.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa mga braso ko para matanggal ang mga kamay sa mukha. Nakapikit lang ang mga mata ko na parang bata. I slowly felt his ragged breathing against my face.
Alam mo yung nagkaboyfriend ka na at dapat sanay ka na sa mga ganitong moment? Hindi pa ako ganun lalo na pag dating sa kanya. Kakaiba talaga ang nararamdaman ko kapag malapit siya sakin. I'm not complaining or anything! I just find it... pleasing.
Naghihintay lang ako sa mga labi niya para mahalikan na siya. But he was teasing me! Umurong siya pabalik sa kinauupuan niya anng mabuksan ko ang mga mata.
"Jeremiah!!" reklamo ko na nag pout. "Ayoko na! Bahala ka!" tumalikod ako sa kanya na umaastang bata.
"Sorry na agad. Ang cute mo kasi eh..." I felt his arms around my waist and his body against mine. Pinatong niya na rin yung baba niya sa balikat ko. "Ikaw yung first love ko, alam mo na ba yun?"
Mas lalo akong naiilang dahil sa kilig na tagong-tago sa loob-looban ko. Umiling ako kahit alam ko na. I felt giddier inside pero medyo nalulungkot na hindi siya ang first everything ko. Except you know... yes that one.
"Ikaw lang talaga ang nakakapagpatibok ng puso ko nang ganito. Kahit sabihan pa nila ako na maraming babae diyan sa paligid, ikaw pa rin hinahanap-hanap ko." halos bulong na lang ang naririnig ko galing sa kanya. "Hindi mo alam kung gaano kalakas ang nararamdaman ko para sa'yo. Kaya nagmamakaawa na ako na wag mo kong iwan. I would do everything and I mean everything to keep you by my side."
"Lahat-lahat?" nilingon ko siya. Hindi ko muna pinansin kung gaano kalapit ang mukha niya sakin.
"Lahat."
"Kiss mo ko?"
Napangiti siya sa sinabi ko at agad akong kinuha sa halik na lumalim kaagad. Sinubukan ko naman siya sabayan dahil sa lakas ng pwersa niya. Si Jake hindi ko gusto yung pagpilit niya sakin pero kay Je, hinayaan ko lang siya na nakikisabay pa ako. Unti-unti akong humarap sa kanya na halos naka upo na sa mismong kandungan niya. Nakabuka ang mga binti niya kaya yung akin ay niyakap ko sa baywang niya.
Dahan-dahan napunta ang kamay ko sa likod ng ulo niya at marahan na hinila-hinila ang buhok niya hanggat sa nakuha ko ang iilan sa kamao.
I wasn't totally inexperienced with intimate things but I felt so much comfortable when I was doing it with him.
What was he doing to me?
BINABASA MO ANG
The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]
Mystery / Thriller"The quiet ones are always the most mysterious ones." Lyra's life turned around when she decided to speak to the quiet boy at the back of the class. She wouldn't know the things that were coming even if it hits her in the face. 1st Installation i...