Chapter Fifteen:
I was browsing through the list of the confirmed cast and members of the Theatre Club's major play for the school whole year on the bulletin board. Nakita ko naman ang pangalan ko sa production staff na hindi ko ikinatuwa pero wala na rin naman akong nagawa dahil hindi ako napili ng mga judge para makuha ang role ng bidang babae.
Ramdam ko nga lang na parang nadisappoint si Jeremiah sakin kasi hindi ako nakapasok despite all of what he said to me before. Para kasing wala lang yung napractise naming kung hindi ko naman makukuha yung role.
Pero agad naman bumaligtad ang simangot ko sa isang malaking ngiti nang mapansin si Jeremiah na nakatitig lang sa affirmation na siya ang magiging leading role na lalake. Iba nga lang ang inaasahan kong reaksyon sakanya- naghangad ako ng kahit hindi obvious na ngiti pero alam mong nandun. Akala mo siya nga yung hindi nakapasok kesa sakin na pinagtakahan ko naman.
"Bakit ganyan mukha mo?" tanong ko na humarap din sakanya na nakapamaywang. "Para kang nalugi eh!"
Tiningnan lang din niya ako nang matagal bago ako nakakuha ng sagot mula sakanya. "Sumali lang naman ako dahil ikaw yung kapartner ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko na iba kaharap ko na hindi naman ikaw."
Napanguso na lamang ako sa naging sagot niya. Dahil dito, pinisil ko nang mariin ang kanyang mga pinsgi na kinailangan ko pang tumingkayad para lang maabot siya kahit papaano.
"Ang korny mo naman, Je." ngumisi lamang ako. "Kaya mo 'yan! Hindi ko masisigurado na makakapunta ako sa mga rehearsals mo kapag marami na ang mga gagawin pero promise susubukan ko."
"Pwede mag back-out?" tanong niya na pinipilit pa rin ang kanyang gusto.
"Hindi!" umiling ako na may kasama pang pag senyas ng kamay. "Hindi! Kailangan mong magpatuloy. Iba lang naman magiging leading lady mo eh. Yiee baka takot ka lang na magustuhan mo rin siya?" asar ko na sinusubukan ikabahala ito pero nagsimula rin na isipin.
Hindi naman imposible diba? Mas makakasama na niya yung babae ngayon.
Kumunot ang noo niya na pinanliitan ako ng mga mata. "Hindi naman 'yun. H-hindi ako sanay sa ibang t-tao."
Dito ko lang naalala kung anong klaseng tao nga pala siya- na hindi siya pangkaraniwang lalake na nakikita o nakikilala mo sa tabi-tabi lang. Isa siyang tao na dapat alagaan. Yung tipong kailangan mong ilayo sa mga tao na bad influences para hindi madaling macorrupt ang pag-iisip niya. Napakainosente ng persona niya at gusto kong ganito lang siya palagi. Hindi ko papayagan na may makakapagbago sakanya. If there is, then I hope it's good change. Gusto ko rin naman siyang lumabas sa comfort zone niya para makasubok siya sa mga ganito o kahit anong mang ibang bagay na kakailanganin niyang makipagsabak sa ibang tao.
Pero baka napepwersa ko na naman siya. Ibang Jeremiah na naman ang kasama ko ngayon kaya nag-aalala rin para sa lagay niya.
"I'll be cheering for you." sinabi ko pa rin na hindawakan ang mga kamy niya para masiguro siya. "Exercise na sa'yo 'to saka para makapag sosyo ka naman. 'Wag lang lalaki 'yang ulo mo o puputukin ko kaagad kapag mas naging kilala ka na ha! Subukan mo tapos tutugtugin kita."
Nakita ko na mas lumalim ang simangot niya sa mukha. "Magbaback-out pa rin ako."
Pinalo ko naman siya pero hindi malakas. "Subukan mo talaga hindi na kita kakausapin."
"Kaya mong hindi ako kausapin?"
Tumango ako na nakacross arms na pinagsusungitan siya. Nagiguilty naman ako dahil madali siyang utuin pag dating sa pagtatampo ko. Madali siyang maniwala na galit nga ako kaya hindi naman ako nahihirapan na magpalambing sakanya so most of the time he's forced against his will to oblige whatever I want him to do. Pero minsan mukhang iiyak na siya at dinadamdam ang hindi ko pakikipagusap sakanya. Ito ang isa sa mga panahon na seryoso ako na susubukan na hindi maawa sakanya dahil kailangan niya talaga.
"Lyra?" nagsisimula na siyang lumapit sakin.
Tapos ipapakita niya yang mukha niyang parang aso na mahirap iresist tapos pagbibigyan ko na naman siya. Hindi ako marupok. Hindi ngayon.
"Lyra, h-hindi mo talaga ako kakausapin?" utal niyang tanong but I kept my chin up at hindi siya matingnan sa mga mata.
Kapag ako tumingin sa mga mata niya, ako na naman ang talo. He surely had captivating eyes once you see the beauty in them. Kung sa ibang tao they're just black holes but for me, they tell me a lot about him.
Naramdaman ko ang mga kamay niya na nasa pisngi ko na nakapagpainit ng nararamdaman ko. He forced me to look at him at napalunok na lang ako. Tiningnan ko siya at ganun din ang ginawa niya sakin.
"Lyra." pinaulit ulit niya yung pangalan ko pero nagpapakatatag pa rin ako. Para siyang bata na kinukumbinse ang nanay na bilhan siya ng laruan.
"Sige na. Pagpapatuloy ko na. Wag ka lang magalit sakin." agad naman niyang paggigive-in pero hindi ko pa rin siya kinibo.
"Lyra..." kinuha niya yung kamay ko at pinipisil-pisil ito. "Wag ka na magalit. Please. Gagawin ko naman gusto mo."
"Talaga?" umimik na ako na pinipigilan ngumiti.
Tumango siya. Para talaga siyang bata na pinagsasabihan at ako yung nanay niya. Nahihirapan akong ikontrol ang hindi pagtawa sa mukha at inaasta niya ngayon.
"Hindi ka magbaback out ha. Promise mo." utos ko sakanya.
Tumango na lamang siya ulit na mukhang nakanguso na.
Mabuti na lang at kaming dalawa lang ang nandito kung hindi kanina pa ako nabansagang pambansang pabebe. Totoo naman. Pabebe ako. Pero pagdating lang kay Jeremiah.
"Hmm.." nagulat naman ako nang makita si Irish na tinitingnan din ang nakapaskil. "Too bad hindi ikaw ang napili."
Parang hindi kami naging magkaibigan ni Irish sa tono ng boses niya. Siya kasi ang nakakuha ng lead role kaya ang lakas manambat. Nawala na rin ang dati kong kaibigan. Ibang tao ang kaharap ko ngayon na ikinalungkot ko naman. She was once a great person. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari at bigla siyang napaganto- sobrang nag-iba ang kanyang ugali. Irish knew better pagdating kay Jake pero this tine hinayaan lang niya itong saktan ako.
"That's fine." sabi ko naman sakanya na napalapit ako sakanya na para bang pinoprotektahan si Jeremiah sa likod. "Congrats, Irish. You deserve it."
"Siempre deserve ko." bigla niyang sabi. "Ikaw ano ba? P.A.? Nakakaawa ka naman."
"Production assistant ako pero mas mataas authority ko kesa sa'yo!" nainis kong sabi sakanya.
Tinasaan niya ako ng kilay. "Talaga ba? Walang play kung wala ang actors niyo. Tingnan na lang natin?"
"Madaling makahanap ng iba wag kang mayabang diyan!"
Naramdaman ko naman ang kamay ni Jeremiah sa likod ko na palaging nakakapagkalma sakin. Umalis naman si Irish nang nakangisi. Hahabol pa sana ako ng sipa pero hangin lang ang nasipa ko nang pigilan ako ni Jeremiah mula sa likod.
"Ikaw!" tinuro ko siya. Nakita ko ang pagkagulat ng mukha niya. "Kapag ikaw nagkagusto ka sakanya!"
"H-h-hindi!" utal niyang sagot na tinaas ang mga kamay niya.
Binaba ko ang kamay ko at nagkasalubong ang mga kilay ko. "Okay lang. Wala pa naman tayo."
"I-Ikaw lang L-Lyra... w-wag ka na m-magalit.." Hinawakan niya ang mga braso ko.
Ramdam ko rin ang pagkanginig ng katawan niya. I felt bad that I was making him feel this way pero sa ganito ako nakasigurado sa nararamdaman niya.
"B-bili k-kita ng kwek-kwek. Hi-hindi ba nakakapagpasaya sa'yo 'y-yun?" tanong niya na ingat na ingat sa mga pinagsasabi niya sakin.
Nagbuntong hininga naman ako at ngumiti na lang. "Hindi mo na kailangan, Je. Basta wag ka lang magpapauto sakanya. Please. Magseselos ako. Magagalit ako. Malulungkot ako." mas direkta na ang mga nasasabi ko sakanya ngayon hindi tulad ng dati.
Tumango siya. "P-promise, Lyra. Walang mangyayari, ikaw lamang."
BINABASA MO ANG
The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]
Mystery / Thriller"The quiet ones are always the most mysterious ones." Lyra's life turned around when she decided to speak to the quiet boy at the back of the class. She wouldn't know the things that were coming even if it hits her in the face. 1st Installation i...