XXXV

10 2 0
                                    

Chapter Thirty Five:

Sobrang clingy ko na kay Jeremiah nung pauwi na kami. Ako siguro yung sobrang naoobsess na sa kanya. Natatakot din ako na baka sa sobrang pagka obsess ko sa kanya, masakal siya sakin. I guess that's always been a toxic trait of mine.

Madali akong maattach and I tend to be too much for the person. Yung tipong ginagago na ako, nakikita ko na ng mata ko, pero pinapatawad pa rin sila. I give them another chance kasi hindi ko ngang gusto na mawala sila sa buhay ko. But slowly and surely, I've learnt from my past mistakes.

Kind of.

Kahit na parehong-pareho ginawa ni Jake at Jeremiah sakin.. makikita mo naman ngayon na hindi na ako masyadong tanga.

Hindi ba?

Napansin ko nang nakatingin si mama sakin nun kaya sandalling humiwlay kay Jeremiah. "Bakit, ma?"

"Ngayon daw kasi trial ni Jake. Gusto mo bang pumunta?" tanong pa niya sakin.

Huminga ako nang malalim na nakaligtaan na ang mga nangyayari simula nung nagbakasyon. Gusto ko lang naman talaga magpakadistract, maalis ang iniisip sa mga pangyayari, and it worked, pero ngayon at bumalik na ako sa realidad, nag-aalala ulit ako. Parang hindi na nga nangyari yung bakasyon kahit ilang linggo rin kaming nawala. Ilang linggo ring umaagos ang isip ko kasama ang agos ng dagat.

Sana pala'y tumagal pa kami dun pero gusto ko rin malaman ang totoo. Sino ba hindi gusto malaman ang totoo tungkol dito? Nandun ang mga magulang ni Irish at Winona. They need closure for their daughters. Hindi ko gusto na maging selfish.

Sa loob-looban ko rin, alam kong hindi si Jake ang gagawa ng mga yun. Malaki paniniwala ko na hindi siya ang pumatay sa mga kaibigan ko. Kahit papaano naman kasi may pinagsmahan ang mga 'yun, at witness ako na maayos yung pagiging magkakaibigan nila. He protected them like a brother should so I don't see how he could hurt them like that.

Over Jake's aggressive personality, he's sweet when it comes to people he cares about. Ayun lang naman ang saakin pero kung lumabas ng ana siya ang may kagagawan.. wala na akong magagawa. Natatakot din kasi ako na ako pala talaga puno't dulo ng lahat. I'm going to have that in my conscience and take it to my grave.

If my friends died because of me, what kind of a person am I really?

To let that happen right in front of my eyes and I didn't do anything about it. Sinusubukan ko na wag masyadong grabe sa sarili ko kasi hindi ko naman talaga alam na nangyayari yun. O kung ako nga talaga ang dahilan.

"May balita ka, ma, kung anong verdict nung korte?" tanong ko pa nun na napaguso nang kaunti na wala naman alam sa ganyan ganyan.

"Iniimbestiga pa si Jake, ilalahad na mga ebidensya sa Huwebes. Nakakuha na naman siya ng attorney." sagot pa ni mama na nilagay ang kamay sa balikat ko. "Sabi naman ng mama ni Jake na maraming ebidensya na nagpapatunay din na walang kinalaman si Jake."

"Talaga??"

Natuwa ako. Natutuwa ako na tama ang kutob ko na hindi talaga magagawa ni Jake yun. Pero hindi ko alam kasi yung mga hawak ng pulis laban sa kanya. I shouldn't get too ahead of myself. But I'm glad.

Meron man akong bad experience kay Jake ayokong naman na ma accuse siya with something na hindi naman talaga niya ginawa. Tapos makukulong siya, ilang taon mawawala sa buhay niya. Worse, it's his whole life.

"Mhm, malakas din yung defense attorney niya. Sana nga lang wala talagang ginawa si Jake. They're going to get served with fake justice kapag nahantungan si Jake nang walang ginagawa." hinila lang ako ni mama para yumakap kaya niyakap ko na lang din ang magulang. "Just pray to God we get the truth out."

The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon