XXI

11 2 0
                                    

Chapter Twenty One:

"Condolence sa kaibigan mo, Lyra." ang bungad sakin ni Andrew pagkaupo na pagkaupo pa lang niya sa tabi ko sa table kung nasaan ako sa canteen.

Napatingin naman ako sa kanya dahil wala man lang siyang dala-dalang pagkain o kahit ano. At sa inakala ko naman na lulubayan na rin niya ako dahil sa nangyari—dahil sa mga naririnig niya sa mga tao sa paligid, heto siya kinakausap ako na parang binalewala lang niya ang balita. But I guess I had read him wrong. Or.. because he felt sorry for me?

That made me really feel warm inside. Minsan lang ako makaramdam ng ganito at hindi ko alam kung sasamantalahin ko.

Meron pa rin palang mga tao na katulad niya hindi siguro agad bumabase ang impresyon sa isang tao sa mga maririnig nila. It's good, that's always good. Pero on the other hand, he could just be here to get some information out of me.

Hindi lang naman siya yung ang lumapit at nagsabi ng condolence. Yung iba gusto lang naman siguro na kumuha ng ilang salita mula sakin at balugtutin ito para ako pa rin ang lumabas na masama. Ganun mga tao, they really need someone to blame for something they can't explain para lang magkaron sila ng peace of mind, not knowing it hurts the people that are actually innocent. Kahit na anong anggulo pa siguro nila ilagay ang sitwasyon, ako pa rin ang titingnan na masama, na mamamatay tao ako.

I don't even have a chance to defend myself.

"Bakit sakin ka nagsasabi niyan?" malungkot kong sabi na pinagpatuloy ang paglalaro sa pagkain. Sinayang ko lang ang pera ko dahil hindi ko rin naman nagalaw ito. "Dapat kayla.. Winona. Hindi naman ata ako kaibigan ni Irish.

"Naisip ko na kahit papaano naging magkaibigan naman kayo. Alam mo naman na makakapagsabi ka sakin ng nararamdaman mo." parang sinabi lang ni Andrew yung naiisip ko.

Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa isipan ko pero nainis ako sa sinabi niya na tinatanong pa nararamdaman ko imbes na macomfort ako dun. I looked back at him but this time I was furious. I was actually glaring at him.

"Natutuwa ka na ganito kalagayan ko noh? Ganito gusto mo kasi sa hilig mo diyan na psychology na yan! Natutuwa ka kasi may pageexperimentan ka na? Ha??" buo na ang simangot na nakaimprinta sa mga labi ko.

Nagkasalubong ang mga kilay niya. It seemed he was confused and surprised at my sudden outburst—I was, too, which I never can fully understand much to what my brain could only carry. My ability to comprehend unexpected situations is beyond my understanding. Saka hindi naman ako madaling magalit. Siguro hindi ko na kayang ikimkim pa yung nararamdaman ko. Kaya hindi na ako nagbobother na intindihin ang sarili ko minsan.

I felt bad though because I'm putting my frustrations out at him and if he was here to be a friend I can lean on, then that makes it worse.

"No," takang sabi niya. "Hindi pa ba tayo mag kaibigan? Masama na binubuo mo yang mga emosyon mo na yan sa puso mo tapos hindi mo mailabas. Kaya bigla kang sumasabog niyan eh."

See? He knows what he's talking about.

Nakonsensya naman ako sa biglaan ko rin paglalabas ng sama ng loob. Hindi naman nga talaga kasi ako isang tao na marunong magtanim ng galit kahit kaninong tao kahit ano pa talaga ang gawin sakin. Sumakto lang talaga si Andrew na marami akong iniisip.

"Gusto mo lumabas? Sa labas na lang tayo kumain para makapag-usap din tayo." iminungkahi niya.

Napatingin lang ako sa kanya nang sandali bago na rin tumango, iniwan ang pagkain at tumayo para mauna na sa paglalakad.

Nakakasakal dito if I'm going to be honest.

I kept my head hung low whilst merely avoding all the judgmental stares and low whispers of all those around me. Nahihiya ako kay Andrew na pati siya na siguro ngayon ay nababad mouth na rin dahil sakin. Kaya wala talagang naglalakas loob na dikitan ako. Parang tingnan nga lang ako parang nakagawa ka na ng malaking krimen eh. May krimen na nangyari pero I didn't do anything! But I was thankful to him to say the least.

The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon