Chapter Eight:
Katatapos lang ng pinaka awaited na audition namin ni Jeremiah. Maraming member kaya medyo natagalan kami at kaya napanood namin ang mga nauna habang naghihintay, together with the audience and the judges. Ako yung comment nang comment sa mga nakikita ko kay Jeremiah; wala ata akong negatibong nasabi. Alam ko naman na naiinis na siya sakin kasi wala talagang tigil yung bunganga ko. That or kasi masyado ko atang kinukumpara yung sarili ko sa ibang mga babaeng who were also taking the lead role. Malakas naman kasi confidence ko na makukuha niya yung role ng sa lalake pero sakin kasi, ang raming mas magaling talaga sakin at magaganda pa.
Kaya pag tapos talaga, I gave myself a comforting pat on the back. At least I tried and I gave my best pero sana okay lang yung performance ko kay Jeremiah. I didn't really give that much attention sa mga pinagsasabi ng mga judges kanina kasi iba talaga yung feeling ng nasa mismong stage ka na talaga at lahat ng ilaw nakatapat sa'yo- yung mga taong nakatingin sa'yo. Mawawalan ka na lang talaga ng bait. Hindi naman sa nanantsing pero habang binibigay ng mga judges yung criticism nila, nakahawak lang ako sa kamay niya nang mahigpit dahil sa nerbyos ko. Hindi ko 'to napansin, na realise ko na lang nang tapos na and I was still holding onto him.
But I was glad that hindi naman siya nagreklamo or binrought up nang matapos kasi mapapahiya talaga ako sakanya. Kahit napakaliit na bagay lang nun, ginagawa ko ulit na big deal. Why am I like this?
I was still pouting habang kumakain kami sa Mang Inasal. Hindi ako nagdesisyon, much to your surprise, kung hindi si Jeremiah na dito raw kami kumain for a little celebration. After every practise, mga laway na tumalsik, yung pagod ng katawan- ngayon lang talaga kami nakapagpahinga. Dumagdag pa kamo yung schoolworks namin. Buti nga namamanage namin kahit papaano. Natutulungan niya ako sa mga hindi ko alam at vice versa. Kung sa baga tulungan lang kami.
"Nandun pa rin ba isip mo?" tinanong bigla ni Jeremiah, breaking my train of thoughts. "Tapos na, Lyra. Let it go."
Siguro napansin niya na hindi ko pa nagagalaw yung pagkain ko sa sobrang pag-iisip ko sa nangyari kanina.
Kahit siya, he's yet to touch his food. Naabala ko pa yung tao.
"Oo eh." maikling sagot ko. "Kumain ka na kaya? Masamang tinititigan lang yung pagkain."
I was scolding him yet again. Parang ako nga yung nanay niya na palagi siyang pinapagalitan kasi ang raming inuuna na hindi naman dapat talaga unahin. And this is one scenario once more. Mas inuuna pa yung daldal kaysa sa kain.
"Bakit ikaw na pinaglalaruan mo lang yung sa'yo?" binalik lang din niya yung sinabi ko.
At least siya yung nag initiate ng usap. I was happy that he did kasi palaging ako na lang dapat ang nag-iisip ng pwedeng pag-usapan. I was also happy at the fact na kapag kinakausap ko siya, sumasagot na siya sakin, hindi puro katahimikan lang niya. He actually exerts effort into making conversations with me. And I really appreciate that.
"Tatanungin na kita, Jeremiah." I looked at him with a hopeful look. "Okay ba yung performance ko kanina? Feel ko I was the worst."
Kumunot yung noo niya sa sinabi ko. "Hindi ka ba nakikinig sa judges kanina?" Tinanong niya sakin like I was somewhat losing my mind.
Umiling ako sa kanyang tanong. "No. Nakakaoverwhelm kasi na tumayo sa ganun kalaki na stage."
Huminga siya nang malalim. Mukhang asar na naman siya sakin. "They did not see any flaw in your performance."
"Weh? Baka nagjojoke ka lang?" Napahawak ako sa dibdib ko kasi bigla naman akong kinabahan.
Weird din ako kasi compliment narinig ko pero kinabahan lang?
BINABASA MO ANG
The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]
Детектив / Триллер"The quiet ones are always the most mysterious ones." Lyra's life turned around when she decided to speak to the quiet boy at the back of the class. She wouldn't know the things that were coming even if it hits her in the face. 1st Installation i...