XXV

11 2 0
                                    

Chapter Twenty Five:

Pagkaharap ko sa salamin, bumungad sakin ang isang surpresang hindi ko talaga inaakala. Isang magandang babae ang nasa repleksyon na hindi ko ulit inakala na maiilabas ko sa kabila ng lahat ng nangyari sakin nung makalipas na mga buwan.

The dark bags under my eyes due to sleepless nights and endless thinking and wondering were concealed and it's as if I've gained a lot of miraculous slumber in a course of an hour of readying me. Hindi naman masyadong cakey ang make-up dahil sabi sakin nung kakilala ni mama na may-ari ng isang beauty salon sa kanto lang namin na hindi ko na raw kinailangan dahil may kaaya-ayang features naman ang mukha ko. Kailangan lang daw talaga itago yung mga pimples na tumubo.

Nahiya naman ako sa sinabi kasi sino ba naman ako para manumbat eh hindi ko talaga ramdam yung ganda ko. Ngayon lang. Kinulot din yung buhok ko na humaba ulit overtime. Sa taas lang ng dibdib ko ang tigil nito at medyo nilayered pa para magkaroon naman ng volume yung kabuuan ng buhok ko. May ngiti naman na nakaimprinta sa mga labi ko na biglang naisip na graduation dance na pala ang aattendan ko ngayon.

I am finally graduating.

It has been such a journey for me the past school year dahil sa mga trahedyang nangyari wherein dalawang kaibigan ko ang nasawi at nadamay. Hindi pa rin makakuha ng kahit anong lead ang mga pulis. Magaling daw, magaling daw yung pumatay.

Iba ang paraan kung paano namatay sina Irish at Winona pero isang bagay ang nakakasigurado ang mga nag-iimbestiga at ayun yung iisang tao lang talaga ang pumatay. Natatakot ang buong school na baka may masunod pa kahit ilang buwan na ang nakalipas pagkatapos ng murder kay Winona. Pero dahil nga may pagkasira din sa ulo ang University President, pinagpatuloy lamang ang mga activities pagtapos ng dalawang insidente.

Pinagpasya ng school board na i-distract ang mga estudyante at ang mga teachers mismo sa pabonggang event nila na ito. Siempre naman, alam niyo naman ang mga Filipinos na madaling makalimot basta makakuha lang ng bago. The killings were old news, sabi nila. Lumipas na nga ibabalik mo pa, aniya.

Akala kasi sila yung namatayan.

They won't care unless it happens to someone they are close to.

Huminga ako nang malalim na binigyan ng nerbyosong ngiti si mama na kanina pa chinichismis yung nag-aayos sakin. Pinatayo na rin ako mula sa kinauupuan ko at pinaikot ako para makita ang kabuuan ng ayos ulo hanggat sa paa.

Kulay lavender ang biniling gown ni mama na nagcocompliment daw sa skin colour ko at mga 5 inch heels lang naman ang pinasuot sakin. My mother had to practically beg on her knees para lang maisuot ko ito. Kahit anong pagkukumbinse na naisip niya sinabi na, pero kung ano talaga yun nakapagpapapayag sakin ay maaabot ko na raw si Jeremiah.

Yes, Jeremiah is my date. And it makes me really happy.

Kasi nung una napilitan lang siyang pumunta dahil club activity yung una namin encounter talaga pero ngayon! Ngayon, siya pa nag-insist sakin na pumunta kahit wala akong balak dahil hindi naman talaga required. Dahil nga hindi ko rin matiis si Jeremiah, pumayag na lang din ako.

Pagkatapos ng ilang kuha ni mama sakin, pinababa na rin ako mula sa kwarto. Sakto rin ang pagdating ni Je na naghihintay na raw sa salas.

"Ma, hindi naman ako pangit diba? Magugustuhan niya kaya?" tanong ko na napanguso na tinitingnan ang sarili kada salamin na nakikita ko sa taas.

"Pangit ka diyan? Sakin ka kaya nagmana." pinahinto ako sandali ni mama at pinatingin ako sa kanya. "Tingnan mo, hindi maaalis yung tingin niya sa'yo buong gabi. Nak, kahit na ba hindi ganun ang maging tingin niya sa'yo, para sakin ikaw pa rin yung pinakamaganda. Nanggaling ka sakin, siempre."

"Ma naman!!" reklamo ko pero natawa na lang din.

Kay mama ko talaga namana yung may pagloka.

May inayos pa sa buhok ko si mama bago na ako pababain na. Natatawa lang ako kasi feel ko matitisod ako pagkababa ko talaga tapos nakatingin pa sakin si Je.

Nang makababa na talaga ako, tama ang hinala kong natisod. Buti na lang at malapit na ako kay Je na kausap si papa. Mukhang pinapagalitan siya at pinagbabalaan pa. Kitang kita ko pa sa mukha niya how flustered he was.

"Ay nako, anak." saad ni papa na mukhang natatawa lang sa pagkaclumsy ko.

Pagkaclumsy ko ba talaga o sinasadya ko? Hehe.

Nakita ko naman kinuha ni mama si papa at ngayon ko lang napansin yung hitsura ni Je na kamuntikan nang mahulog yung panty ko. Kung dati akala ko may hitsura lang siya, ngayon I was praising the heavens sa pag-aakala na mismong Diyos ang humubog sa katawan at mukha niya. He bothered to dress up nicely at nakakatulo ito ng laway.

His almost long hair was combed up to perfection kaya mas nakikita na ang mukha niya.

Kung seswertehin nga ba naman sa boyfriend.

-

Hindi ako makapaniwala na nagrenta pa si Je ng kotse para lang maihatid kami sa mismong school. Agaw pansin tuloy sa mga taong nasa labas pa ng venue na hindi pa pinapapasok sa loob lalo na nung lumabas na siya. Mula pa lang sa loob ng kotse, napansin ko na yung mga kakaibang tingin ng mga tao sa kanya. He was a little weird at hindi na bago sa kanya na minsan pagtinginan siya ng mga tao pero yung ganito na halos hulog na yung mga panga nila—this was really different. And I felt a little possessive over him.

'Ni hindi niyo nga siya kinakasuap! Tingnan niyo ngayon, magdusa kayo.' parang bata ko naman sinabi sa isip na hindi naman kayang isambit sa kanila.

Binuksan niya yung pinto para sakin at inuna kong ilabas ang isang paa na siansanay pa rin ang saliri sa taas nung heels na suot. Pagkalabas ko, hinawakan niya na agas ako sa baywang para masuportahan ako incase I fall... again.

Kakabukas nga lang ng gate ng bahay nun, natisod na naman ako.

Worth it naman siguro dahil halos kasing tangkad ko na yung balikat niya- well a little over. Ganun pa rin siya katangkad kahit ilang inches pa ng heels ang isuot ko! At hindi na ako mahihirapan kung meron man slow dance mamaya. Hehe.

Naglakad kami ni Je papunta sa registration na hinayaan ko na lang din siya yung magsulat ng mga pangalan namin habang nakatingin lang ako sa kanya. Baligtad ata yung sinabi ni mama. Imbes na siya yung hindi maalis yung tingin sakin, ako yung nakatingin sa kanya na halata pa sakin na bantay sarado ako.

"Ang gwapo mo, nakakainis ka." sambit ko habang papunta kami sa photo booth.

"Ha? Ganun pa rin naman hitsura ko ah?" Tanong niya na napatingin sa suot niya. "Natagalan ako sa pagpili ng suit na baka hindi tumerno sa'yo. Buti naman magkapareho tayo ng kulay."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Yung inaasta niya sakin palagi parang bata pero sa ibang tao naman hindi siya ganito. He was so cold to other people; he's basically ice to them pero sakin he was my sunshine. Natutuwa ako na comfortable na talaga siya sakin.

"Basta ang gwapo mo."

Nakailang pictures naman kami na mamaya pa raw madedevelop kaya mamaya ko pa makukuha kahit gustong-gusto ko na makita. Next to him, I feel like a potato. Ang pangit tingnan noh? Ang gwapo ng boyfriend pero yung girlfriend, dugyot.

"Hindi nga ako yung pumatay!!!!"

May eksenang nangyari biglaan. May isang lalakeng mukhang estudyante rin ang hila-hila ng ilang mga security guards. He was already wearing his suit.

"Lyra! Lyra! Sabihin mo nga sa mga gagong 'to na wala akong ginagawang masama! Na hindi ako yung pumatay kay Winona at Irish!!"

Nagulat ako at napunta sakin yung pessure dahil lahat nakatingin na sakin na naghihintay ng kasagutan.

Si Jake. Si Jake yung mga hawak ng mga guard na pinipilit sigurong paalisin sa mismong lugar. I had a hunch on what's going on and I felt sick to my stomach.

'How could he kill his friends?' tanong ko sa isip na hindi na nakasagot kay Jake dahil sa takot. Parang bumaligtad na rin yung sikmura ko.

"Tama na! Sa prisinto ka na magpaliwanag!"

Everything felt like a blur after that. But everything made sense now.

The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon