Chapter Twenty Two:
Nakakagat ako sa dila ko nang mariin habang inaabala ang sarili ko sa pag-gunting ng papel para sa isang project na kailangan na kaagad mapasa. Dahil na rin sa hindi inaasahang nangyaring trahedya, maagang ipapabakasyon ng eskwelehan ang mga estudyante nito habang mananatili ang masuring pagiimbestiga sa biglaang pagkamatay ni Irish. Wala pa rin lead ang mga pulis o mga witness na nagpaparamdam at mailagay na mga suspects patungkol sa krimen na nangyari. Kaya mabuti na rin siguro sa panig ng school na hayaan munang makalayo ang mga taong pwede pang maapektuhan balang araw.
Siempre hindi naman nawala ang takot saking isip dahil wala naman din kasiguraduhan na konektado ang insidente sakin.
Pwede rin akong ma rule out as a suspect kahit alam ko naman sa sarili ko at sa mga tao na nakakakilala sa pagkatao ko nang lubusan na kahit kailanman ay hindi ako makabasag pinggan. Tulad ng sabi ko noong una na kung takot ako humawak ng kutsilyo at naaawa sa mga gulay na hinihiwa ko, paano pa kaya sa tao? Sa tingin niyo na makakapatay ako?
Tinawag din naman ako sa presinto nun for questioning and I answered all their questions, passed their tests and wala na pressing concerns after that. Siguro walang masyadong ebidensya na nagtuturo sakin kaya pinagpapatuloy na lang nila ang imbestigasyon.
Hindi pa rin nawawala ang hinala ng mga ibang tao sa school sakin—still, I can't blame them for it. They keep sending flaming daggers at my direction which I somehow manage to block off one by one by ignoring them and dahil hindi na ako nakikihalubilo sa iba para lang hindi sila madamay. Ang nasa isip ko na lang ngayon ay sana mahanap na ang pumatay kay Irish at tapusin na lang ang school year na 'to tutal last year ko na ng high school at excited na rin akong mag College.
Excited na para sa panibagong buhay. Which I still doubt I'll have kasi natatakot na ako sa ibang mga indibidwal na makakasagap ng balita mula dito. That will only make my life more miserable than it already is. Masama sa reputasyon na alam nila nab aka may kinalaman ako.
At ikinababahala ko lang naman, walang updates na binnibigay yung school which is understandable pero yung patuloy pa nilang iisipin na kagagawan koi to, that will not work well for me.
Ininom ko naman yung milo na binili ko nang makaramdam ng uhaw. Pinagmasdan ko ang nagawa ko pa lang bago mag-isip kung paano ito mapapabuti pa.
"Lyra? Saan ka nagpunta kahapon?"
Agad akong lumingon kung saan ko narinig ang pamilyar na boses. Kailangan ko pa talagang tumingala pa para lang makita nang maayos ang ekspresyon sa mukha ni Jeremiah.
"Ikaw nga dapat tanungin ko niyan eh." sumimangot ako.
Kung kanina maayos-ayos pa ang mood ko, ngayon ramdam ko na hinigop na naman lahat ng enerhiya sa katawan ko nang makita siya. Binalik ko naman ang atensyon ko muli sa project nung wala akong narinig na iba pang sasabihan niya mula sa kanya.
Of course it was a bad thing, he makes me weak. He makes me feel vulnerable.
Siya ay humuyok sa harap ko at inilagay ang kamay niya sa baba ko. Pilit naman niya akong pinatingin sa kanya kaya wala na akong ginawa at tinitigan ko siya nang diretso sa kanyang mga mata. Wala pa rin akong makita ni isang emosyon galing sa kanya.
"Magkasama kayo." hindi ko naman agad nakuha kung sino ang tinutukoy niya kay ay napagilid lamang ang ulo ko. I gazed upon him curiously.
"Bakit may sugat ka na naman?" tanong ko na ngayon lang napansin ang kabago-bago niyang laslas sa gilid ng kanyang mata.
Sariwa pa ito at mukhang ngayon-ngayon lang din siya nasugatan. I broke eye contact and took some tissues from the side. Dahan dahan kong dinampi ito sa ibabaw ng sugat niya na maingat na baka masaktan ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/344840279-288-k556956.jpg)
BINABASA MO ANG
The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]
Misterio / Suspenso"The quiet ones are always the most mysterious ones." Lyra's life turned around when she decided to speak to the quiet boy at the back of the class. She wouldn't know the things that were coming even if it hits her in the face. 1st Installation i...