XVII

11 2 0
                                    

Chapter Seventeen:

Nagbibiro lang naman ako tungkol sa mga hamburgers pero dinala pa rin ako nitong Andrew sa Jollibee para mag-usap. Buti nga may mga tao pa para sila ang mag witness kung kikidnapin man ako ng tao na 'to. Mabuting loob ang pinapakita niya sakin at kahit asar-asarin ko pa siya papunta rito, tumatawa lang siya at walang bahid ng inis sa kanyang mukha. I'll say this again: he's weird. Hindi naman ako nakakaramdam na kakaiba kapag kasama ko siya. Magaan nga ang loob ko sakanya.

Ramdam ko nga hindi nagagalit ito. Kung magalit man, nakakatakot. Alam mo yung mababait na tao tapos napuno mo sila, ganun.

Pinakuha lang niya ako ng table pagdating namin sa loob at pinaupo. Ewan ko ba at hindi ako makatanggi. Siguro kasi naghihinalo na yung tiyan ko, kanina pa umiiyak- sobrang naiyak na nagutom na ito. At saka ramdam ko na ang biglang pag antok at kinakailangan ko nang makakapag gising sakin dahil galing ko lang sa kakaiyak pero baka bigla akong makatulog. Nasanay na ako na natutulog pagkatapos ng break down. Yun lang naiisip ko para makalimutan. Saka mabigat sa mga mata yung pakiramdam.

I sat quietly on my own, pinaglalaruan ang mga daliri ko- something I always do when I wait or was anxious. Something forced out of a habit.

Bumalik na siya na kasama ang number namin. Umupo siya sa harap ko na para bang may business deal kaming dalawa. Nilapit niya ang katawan niya sa direksyon ko kaya medyo nailang ako.

"So... start? Meron tayong buong hapon." ngumiti siya.

Napanguso ako. Mas gugustuhin ko sigurong mag-open up sa isang taong hindi pa ako ganun kakilala. Naniniwala ako na hindi mo talaga majujudge ang isang tao base sa unang pagkakakita mo lang sakanya. What's good about this was that he doesn't know what kind of background I had or my past, actually. That's a good thing. At magbabase lang siya sa naririnig niya sakin para makapag bigay siya ng advise o kahit ano na dun lang talaga mismo sa topic. Hindi niya biglang ibibring up yung mga negative personality sakin, ganun. Para objective siya.

"Meron kasi akong gustong lalake," sinimulan ko na hindi makatingin sa kasama. "Walang kami. Ligaw pa lang. Getting to know each other phase. Pero gusto naman namin ang isa't-isa. Hindi siya yung tipo na lapitin ng mga babae. Iniiwasan nga siya ng mga tao eh. Ilang buwan na kaming ganito, kaming dalawa lang. Iniwan ko rin mga kaibigan ko para sa kanya which I'm not saying is a bad thing. Tinuring ko naman silang kaibigan pero I don't think they felt the same way about me. Anyway, may isa pa akong kaibigan na bigla lang nagbago. Siya yung pinakatotoo samin at aakalain mo na magkapatid kami sa dami naming pagkakahalintulad. Napili siyang leading role at napili naman yung lalake. Ilang linggo ko na sila pinapanood sa mga practise at rehearsals nila. Pero ngayon ko lang inakala... o ngayon ko lang nakita may namamagitan na pala sa kanila. Nakita ko silang naghahalikan nang susurpresahin ko sana siya sa dressing room niya. Ako talaga yung nasurpresa!"

Napatawa na lang ako sa nangyari at pinipilit na hindi ulit maiyak. It was so ironic. Defense mechanism ko siguro yung ganito. Any human with emotions would do the same. Tinatawanan ko na lang para hindi ko maramdaman ang sakit. Pero kahit papaano gumagaan na ang pakiramdam ko.

Dumating naman ang pagkain na hindi ko mahawak-hawakan dahil nawalan na ako ng gana. Tinitingnan ko lamang ang mga nakahain.

"Hindi ako expert sa mga ganyang bagay pero para sakin lang, hayaan mo siyang i-explain ang side niya bago ka dumating sa isang desisyon na makakapagbago ng takbo ng buhay mo. Para sa peace of mind mo rin. At kausapin mo rin yang kaibigan mo. Baka may dinadalang galit sa'yo." kinuha niya ang tinidor niya at sinumulan kainin ang spaghetti niya. "Kung ako lang sa'yo ah?"

Tumango naman ako, appreciating his concerns. Pero madali lang sabihin kesa gawin. "Sila ang lalapit. Hindi ako. Kung walang mangyari na kibuan at least walang kami na kailangan pa ng closure, hindi ba? Parang tama na hindi ko pa siya sinagot. And I really hate confrontations. Ganito na rin kasi nangyari samin ng ex ko so I really can't trust anyone from this day forward."

The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon