XXIII

11 2 0
                                    

Chapter Twenty Three:

Ako na naman. Ako na naman ang nakita at sinisisi sa hindi pangkaraniwang pagkamatay din ni Winona na nangyari muli sa kaloob-looban pa ng eskwelahan. Ni wala nga ako dun nung mangyari, they just wanted to put the blame on someone's head. At dahil nga ako na yung sinisisi nung una, siempre ako ulit

Pinatawag kaagad kami ng mga pulis na mismo sa prisinto na para kwestyunin kami sa nangyari. I still can't grasp on to the fact that both of my friends are gone in just a blink of an eye. Sa tingin ko na hindi lang ito random kasi magkakilala ang dalawang biktima. Siguro lang na baka may hinanakit sa kanila ang taong walang awang pinatay sila. Personal na ang pinag-uuspaan at lalo lang akong nangamba dahil baka sa susunod na ako...

The fact that ito na yung pangalawang beses na bumalik ako, the pulis will surely be more suspicious of me now. I shouldn't fear anything kung wala naman talaga akong ginagawa pero hindi mo talaga maaalis sakin yung takot. Baka nga konektado sakin and whoever is oing this will put the blame on me in the end tapos ano magagawa ko?

Baka ako yung makulongg

Sino ba kilala kong may galit sakin? Lahat naman ng tao na nakakasalamuha ko sa araw-araw ay ni kailan ay sinungitan ko o hindi pinansin. Sisiguraduhin ko na kahit anong bara pa nila sakin ay mag-iiwan ako sa kanila ng positibong vibe kahit papaano. Pero ayun nga eh. Baka naiinis sila sakin tapos ako pala target nila kaya iniisa-isa na nila yung mga kaibigan ko. Dinadamay ko pa si Jeremiah na ngayon ay sinagot ko na. Hindi naman ako makikipaghiwalay kaagad. I just have to make sure that I can protect him from the killer.

If I can, of course. I just need to have him around me more.

Wait—si Jake. Hindi ba ang sama ng loob niya sakin? Nagawa niya ngang saktan yung taong hindi makalaban-laban sa kanya, hindi na ako magtataka o magugulat kung siya nga ang maaaring pumatay kay Irish at Winona. Wala silang laban sa laki ng katawan ni Jake. And if he was the one doing this, I can't beat how his mind works. Pero ayoko rin naman siyang sisihin tulad ng pagsisisi sakin ng ibang mga tao. Everyone is innocent until proven guilty.

"Je..." napatayo naman ako sa kinauupuan nang makita siyang pinalabas na sa interrogation room.

Nakaramdam ako ng lungkot sa pagkakita sa mukha niya. Hindi ko maisalin sa mga salita o mailarawan ito basta hindi ko gusto ang nakikita ko. Para bang ngayon ko lang siya nakita ng ganito kasindak. Hindi maayos ang kanyang postura at yung mga mata niya na parang nakadikit na ang tingin niya sa lapag.

He looked traumatised.

Alam ko kung paano manggisa yung mga pulis. Lalo na pag dating sakin kasi lahat daw ng ebidensya na meron sila, they're all connected to me. Pero wala pa silang malaking ebidensya na magpapatunay na ako talaga ang salarin. And they will never get me behind bars because I know for a fact that I did nothing wrong to put me in one. That's what I really like to think right now. But I know.. they could get me there.

Ako na mismo ang lumapit sa kanya at niyakap nang maigting ang kanyang baywang. Ipinwesto ko ang ulo ko sa kanyang dibdib habang naririnig ko ang nangingilong pagtibok ng kanyang puso.

"Okay ka lang ba?" tanong ko na nag-aalala sa kalagayan niya ngayon lalo na halatang-halata talaga.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya nilingon ko siya para makita ang mukha niya. Hindi man lang din siya tumugon sa yakap ko sa kanya. Parang naisip ko yung sarili ko nang malaman kong namatay si Irish nang mailapag ko ang tingin ko sa hitsura niya.

Nakasunod pala ang pulis na ngayon ko lang napansin dahil sa alapap na nararamdaman ko kaya ay humiwalay muna ako sa kanya pero hinawakan ko ang kamay niya.

"Pwede na kayong umuwi, ma'am." sabi nito na ikinagulat ko. Ganun-ganun lang??

"Babalik pa ho ba kami?" tanong ko dito sa pulis na nagaalanganin kung kakailanganin pa kami dito.

"Kung gusto niyo ng update tungkol dito, kayo na ang bahala."

Update? Hindi pwede yun diba?

--

"Okay ka lang ba, Je?" ulit kong tanong sa kanya out of worry and care for the boy. He looked so pale than he already was. Nanlalamig nga ang kamay niya.

Nakahawak ako nang mariin sa kamay niya ngunit hindi niya ito hinahawakan pabalik. Nakahanap kami sa labas ng bench na mapag-uupuan.

Ang direksyon nito ay nakaharap sa mga gusali sa distansya na kasama ng paglubog ng araw. Buong maghapon kaming kinulong sa loob nung kwarto na yun na kahit ano pang itanong samin, wala naman kaming masagot dahil wala kaming kinalaman dito. I can only really imagine what Jeremiah feels right now.

Ang magagawa ko na lang ay damayan siya at i-comfort kasi yun lamang talaga ang makakaya ng isip ko na gawin. Ni hindi nga tinawag mga magulang namin. What kind of police were they? Menor de edad pa lang kami. Malapit na mag legal but it's still saying something!

Siguro akala talaga nila na kami yung gumawa. Or that they have a flawed system. There's nothing really in between.

"W-wala naman tayong kasalanan eh..." sabi ko.

"L-Lyra? Pwedeng puntahan natin sina mama at papa?" parang batang tanong niya.

I couldn't resist him. If he wanted to see his parents now, then hindi ko talaga siya mapipigilan. At naiintindihan ko rin naman. Kailangan ko rin si mama ngayon para umiyak.

Hindi ko lang nahanap yung oras na tama at convenient dahil hindi man lang ako nakapag-ayos. Baka pagtakahan nila ang anak nila na nangshota ng bruha at walang kaayos ayos sa katawan na babae. Nagpahiram lamang si Danica ng pamalit sakin at hindi naman ito kanais-nais tingnan kaya kailangan pa ako pasuotin ni Jeremiah ng jacket niya.

Balita ko kasi sobrang kritikal nila pag dating sa mga nakakarelasyon ng mga anak nila. Hindi ko naman sinasabi na totoo ang mga nahahagilap ko pero nandun pa rin ang pangamba ko na baka hindi nila ako magustuhan.

Binigay niya sakin yung helmet niya pero tinanggihan ko ito nang makapunta kami sa parking. Siya yung magmamaneho at masama sa isang tao na magdrive ng galit. Mas gugustuhin ko pa na ako yung masaktan kesa sa kanya kung madidisgrasya man kami. That's how much I care for this boy.

Pinilit pa rin niyang suotin yung helmet sa ulo ko na wala na rin akong nagawa. Sumakay naman ako sa likod niya na nakapatong ang mga kamay sa balikat niya. Tulad nang gawain niya, iniyakap niya ang mga braso ko sa baywang niya kaya napaurong ako patungo sa kanya. Ngumuso naman ang mga labi ko sa nangyayari pero hinayaan na lang din dahil natatakot ako na baka may masabi o magawa dala na rin ng kuryosidad at pagiging makulit ko sa mga bagay-bagay.

"Malapit ka lang ba? Sabi mo malapit lang samin diba?" tanong ko na sinusubukang abutin ang balikat niya para maipataong ang ulo.

"Hindi tayo pupunta sa bahay." sagot niya sakin. "Pupunta tayo sa kanila."

"H-heh??" sambit ko na hindi agad naunawaan ang narinig mula sa kanya.

Huminto muna kami sa harap ng isang bilihan na mukhang puro pang Chinese lang ang loob. Halata sa mga patterns sa labas at kung ano-ano rin na nakikita ko sa mismong bahay namin na pang good-luck charms daw. Hindi ko na sinundan si Je sa loob dahil baka makasagabal lang ako at pagtinginan pa ako sa loob kaya naghintay na lamang ako na tinanggal ko muna ang helmet na nakasuot sa ulo at niyakap lang ito sa mga braso ko.

Inikot ko lang ang tingin sa paligid ko dahil hindi pamilyar sakin yung lugar na kinaroroonan namin. Pero pinagkakatiwalaan ko naman siya na hindi niya ako dadalhin sa isang lugar na ikapapahamak ko. I know Je wouldn't do that pero nag-aalangan na ko sa mga tao sa paligid ko. I can't help it!

Nang narinig ko ang bell na pinahiwatig na may luambas, tiningnan ko si Jeremiah na may dalang plastic at mga bulaklak.

"Ako na." sabi ko sa kanya na kinuha ang mga ito para ako na magbitbit.

Tumango siya at sumakay na lamang muli sa motor niya at pinaandar ang makina nito. Sumunod naman ako sa kanya at sumakay sa likod na iniingatan na hindi magulo ang pagkaakayos sa bouqette ng bulaklak. Inilagay ko na rin ang plastic sa iisang kamay na lang para makakapit pa ako sa likod.

"Nasaan ba sila, Je?" tanong ko sakanya nang makaalis na.

Matagal niya akong pinaghintay para sa sagot.

"Sa sementeryo."

The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon