Chapter Thirty One:
Ilang araw na kami nasa rest house nila Jeremiah. I wouldn't really say that I wasn't enjoying the trip, in fact wala akong sasabihin na ganun kasi in the time that we were here, all I can feel is bliss. Utter bliss. Complete happiness. Kung hindi lang ako masyadong masaya, hindi ako mauubusan ng sasabihin kaso that was the premise right now. I loved every second. Although lagi kaming hiwalay ni Jeremiah kayla mama, my parents don't seem to mind. Yung mga grown-up stuff, yung mga adult things kasi ginagawa nila kasama si tito Julien at makikita mo naman talaga sa kanila na nag-eenjoy sila.
Today is the day we decided na mag swimming naman. Since lahat na ng indoor activities nagawa na naming dalawa dahil indoor person din tong kasama ko. Hindi ko nakakalimutan mag picture.
I admired Jeremiah, since I knew him before na masungit tapos mahiyain, ilang sa ibang tao, when it came to business, he was strict. He did know that much about those sort of things. Parang naka ukit na sa utak niya mismo lahat- kada salita, every terminology, alam niya ipaliwanag nang simple na kahit ako maiintindihan ko. Or kasi marunong lang siyang ihandle ako?
Why I'm saying all of these? Kasi may nakasalubong kami kaninang shareholder ng kumpanya nila ni tito Julien, eh kilala si Jeremiah nun kasi lagi daw nasa meetings dati. Ibang-iba daw sa papa at mama niya. At tama ang turo ng tito niya sa kanya. I didn't get much details about it but all I've just came to a conclusion that it was a good thing he isn't like his deceased parents since positive naman ang reaction nila kay Jeremiah.
He is much better. And I'm glad. Pero sobra niyang unpredictable, akalain mo yun. Kaya niya maging ibang tao. Minsan napapaisip ako kung ano talaga yung totoong ugali ni Jeremiah. Saka wala pa kong masyadong alam pa— kahit nagsabi na siya sakin ng kwento niya noon, I feel like I'm still distant from him. Kahit na matagal-tagal na rin kami magkakilala, who is Jeremiah? I'm still clueless.
Napagpasya ko na mag effort naman sa suot ko sa beach. Minsan na lang ulit ako makakapunta since going to College na kami and I bet we'll be busier. Pero hindi naaalis ang takot sakin.
Kasi maraming mag girlfriend at boyfriend ng high school pero pag dating nila ng College, saka sila maghihiwalay. Ayoko naman mangyari saming dalawa yun. Lalo na kapag magkaiba pa kami diba?
Two piece, two piece bikini ang naisip kong suotin. Hindi pa naman nagrereklamo si Jeremiah sa mga sinusuot ko eh, saka I don't think he would be bothered that much. Since appropriate naman yung susuotin ko ngayong okasyon.
Pinatungan ko na lang manipis na parang dress. Hindi rin ako marunong sa ganitong bagay— dugyot nga ako diba? Sinuggest lang ni mama na suotin ko. Masunurin akong bata kaya sumusunod lang ako sa gusto niya. Tutal 'dalaga' na daw kasi ako. Kailangan ko na talaga mag ayos.
Nahirapan pa kong suotin yung sandals nun bago ako lumabas ng kwarto namin ni mama. Hindi pwede kami magsama ni Je sa iisang kwarto eh, tutol si papa.
Naghihintay na si Jeremiah sa lobby nun kay kinailangan ko na talaga magmadali. "Wait lang po!!" humabol pa ko sa elevator nung pasara na rin sana.
I'm still claustrophobic but I'm getting used to it.
May dalawang lalake pa kong nakasabay na hindi naman malayo sa edad ko.
Isa pa nga nagtanong kung saan ako papunta.
"Uh.. mag siswimming kami ng boyfriend ko." diin ko pa sa salitang 'boyfriend' hindi dahil may gusto ako iparating, kung di dahil proud ako sa kanya.
"Boyfriend? Nasan naman siya?" tanong naman nung isa.
"Nasa lobby na raw siya eh." sagot ko pa na napanguso nang kaunti.
BINABASA MO ANG
The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]
Mystery / Thriller"The quiet ones are always the most mysterious ones." Lyra's life turned around when she decided to speak to the quiet boy at the back of the class. She wouldn't know the things that were coming even if it hits her in the face. 1st Installation i...