XXXIX

175 4 0
                                    

Chapter Thirty Nine:

"Thank you, mama." nginitian ko pa si mama habang sinusubuan niya ako ng pagkain para kahit papaano maglaman na ang tiyan ko. Puro liquid food lang daw cinoconsume ko nung nacomatose ako at ngayon kailangan na ng solid food.

"Dalawa na papakainin mo. Kaya kumain ka nang marami," bilin niya pa sakin.

Hindi ko naman naisip na sila mama ang tipo na kaya akong itakwil even with what I did, got myself pregnant. Alam kong mabuting mga tao ang mga magulang ko and I really don't deserve the treatment they were giving me now. I betrayed their trust. I betrayed myself, kasi akala ko magiging okay lang ang lahat kapag hinayaan ko si Jeremiah.

Hindi dapat ako kumakampi sa sarili ko when truly trusting people. Sa huli, ako yung mas humaharap sa mga responsibilities na naiwan sakin, all alone. But I'm glad my parents still loved and accepted me in spite my mistakes.

'Bata ka pa,' ani ni mama nung kinakausap na ako nang masinsinan. 'Mabait ka namang bata, pero sana ito na maging gabay sa'yo, maging reminder sa'yo, na hindi ka dapat masyadong nagiging mabait. Don't be too trusting, alam mo naman ang mga tao, dapat matatag ka. Lalo na magkakaanak ka na.'

Magkakaanak. Hindi ko alam talaga ang dapat kong maramdaman. Masaya? Malungkot?

Halo-halo ang emosyon ko ngayon and nothing's making sense to me no matter how hard I try to think about it. Hindi ko pa nais magkaanak nang ganito kaaga. Now that I think about it, I'm barely able to keep up with myself, let alone take care of an actual child. Kahit sabihin sakin ni mama na tutulungan niya ako, I still can't help but to feel really bad. Hindi pa nga ako tapos sa pag-aaral ko, tapos naging pabigat na agad ako.

Palamunin.

It can get worse, right? My situation. Everything's been overwhelming but that's still an understatement. I feel numb, actually. Someone has yet to tell me how to feel.

"Tita, ako na ho magpapakain muna kay Lyra."

Nahuli ko si Andrew na nasa pinto kaya ramdam ko ring nakatingin si mama sakin bago na tumango na sinigurado si mama na ayos lang na kasama ang kaibigan nun. Sabi ni mama na wag maging too trusting pero this is Andrew we're talking about. He may look like he might fight you to death, wala pang bagay na kinagagalit niya o kasi hindi ko pa siya nakikitang magalit.

Sinundan ko ng tingin ang kaibigan na ngumiti nang kaunti.

"Kamusta ka na, Lyra?"

"Could be better."

Kinuha lang ni Andrew yung pagkain bago na rin ako subuan na hindi inaalis ang tingin sakin.

"Natakot ako na hindi ka na magigising."

Napangiti ako sa sinabi niya. "It's just a blow to the head—"

"Anong blow to the head! Pwede kang mamatay noh! Okay lang kung binti mo yung tumama o tagiliran mo man lang pero yung ulo! Concussion.. mabuti nga na lang nakakaalala ka pa." malungkot na sabi ni Andrew

"Sana ganun na lang, Andrew. Makalimot ako kaso.. parang ang selfish ko naman nun. I'm oblivious to what happened tapos kayo lang nakakaalam." Nagkibit balikat ako na kinakain pa rin ang sinusubo niyang pagkain.

He nodded his head as if understanding what I had just uttered. "Sana nga ganun na lang, parang mas gugustuhin naming lahat na makalimutan mo kahit sandalling panahon lang. Sobra sobra na rin yung pinagdadaanan mo."

"Sabi ni mama kapag nandito ka pa, kinakaya mo lahat ng binabato ng mundo sa'yo," I responded with a light smile. "Bakit pa ko susuko ngayon kung kinaya ko naman all this time, diba?~ Kailangan ko lang na mas maging matatag pa."

The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon