Chapter Twenty Eight:
Hindi ko naman alam kung anong biglang pumasok sa kokote ni mama o kung may kakaiba bang nakain ang sikmura at nakumbinse si papa na patuluyin si Je sa bahay dahil dis oras na ng gabi. Kahit na nangatwiran na siya na may narentahan na kotse sa labas at sa malapit lang ang bahay niya samin, nagpumilit pa rin si mama kaya wala rin naman nagawa si Jeremiah kung hindi pumayag.
On one condition though, of course hindi nawawala yun. My parents trust me and so do they with him surprisingly, kaya hanggat sa pagtulog ko sa kama kasama siya which I really don't mind. Nakakatuwa nga kasi kumpara sa dati na tagong-tago kami ni Jake at nung malaman nila, galit na galit sila. Pero pag dating kay Jeremiah, they were happy.
And it's not like we haven't slept together before, hindi katulad ng iniisip mo, in one bed yung sa kwarto niya. At sinasabi ko na, mas mahimbing ang tulog ko kapag siya ang katabi.
Papa specifically said to have a pile of pillows in between us pero hindi naman ganun kalaki ang kama ko kaya pinilit din siya ni mama na hayaan na lang kaming dalawa. They're acting weird. Halos ipagsiksik na talaga ako ni mama kay Jeremiah. Hindi naman sa hindi ko gusto, pero parang may plano yung dalawa and I was a part of their objective, I don't like it whatever it was. They weren't like this. Naniniwla pa ako kay papa pero si mama, she was acting rather odd.
Medyo natawa lang naman ako sa nakitang reaksyon mula sa kanya nang makita ko kung gaano kalaki sa kanya ang t-shirt ni papa. He was petite, with a lanky figure whilst papa has a dad bod. Malapad ang likod niya pero pagdating sa abdomen, waist and hip areas, he's thin as hell. But I didn't mind much kasi wala naman sa hitsura matatantya kung gusto ko ang isang tao. He'd be obese and I'd still love him the same. It's a matter of preference, really. Pero alam mo yung naiisip ko kapag nakikita siya, he really looks like a model.
"Dito ka na," aya ko sa kanya bago umurong nang kaunti para mabigyan siya ng space sa kama. "Bagay sa'yo yung damit."
"Shut up.. kailangan ko na mas mag exercise ngayon." sagot naman niya na ginawang komportable ang sarili sa tabi ko. "Nakakahiya na ipakilala ko ang sarili na boyfriend mo pero mukhang ising pitik lang sakin, tumba kaagad."
Agad nahanap ng mga braso ko ang baywang niya na nilagay pa ang sariling ulo sa dibdib niya. "Wala naman akong pake dun eh. Nakakahurt ba sa feelings mo na pwedeng ako yung maging dominante satin? Kasi diba, kapag lalake may mga reputasyon na kailangan hawakan yun na akala ikakacool nila yung ganun? I'm not someone na idedepende sa'yo lahat kaya 'wag kang mag worry. And in order to make this relationship work, hindi lang ikaw yung gagalaw. Siempre, I'll do my part too."
"Pero kumpara mo naman ako kay Jake, mas maayos tingnan kung mas malaki yung katawan ng boyfriend mo sa'yo pero that's different for us.. at anong dominante pinagsasabi mo diyan?" halata ang pagkapula ng mga pisngi niya.
Akala mo walang ginawa 'to kanina eh. Diba, sinasabi ko na. Ang unpredictable niya. Kanina napaka confident niya ngayon sobrang mahiyain.
Napatingin na ang mga mata ko sa kanya nang marinig sa kanya yun. "So? You're not Jake. At hindi ka ganun kapayat noh. Saka alam mo ba bihira lang pumayag nang ganito si mama kay Jake kaya sinasabi ko na sa'yo na mas gusto ka nila. Di rin naman sila yung tipo na nanghuhusga ng hitsura."
Tumango siya at mabagal na inilapad ang palad sa pisngi ko.
"...pwede ba maglabas ng sama ng loob sa'yo, Je?" natanong ko bigla bago ipatong ang kamay ko sa kanya.
"Oo naman. You can tell me anything."
"I really feel bad.. yung nangyari sa mga kaibigan ko," panimula ko na napabuntong hininga. "Parang kasalanan ko kasi eh. Lalo na na nahuli si Jake. They're not bad people. Oo, ang judgmental nila pero yun lang. Pero hindi nila deserve yung nangyari. Tapos intensyon pala talaga ni Jake dahil galit siya sakin. Nandadamay pa ng mga kaibigan ko. Si Irish, I know what she did—alam ko yung ginawa niyong dalawa at hinding-hindi ko makakalimutan yun pero nang malaman ko yung dahilan, I- I really can't blame her anymore. When you love someone, you go through a certain extent na gagawin mo yung lahat para mapa sa'yo sila even if it means breaking friendships."
Tiningnan lang ako ni Jeremiah and I swear his eyes. It wasn't the lighting of the room. Pero hindi ko naisip na posible pa palang dumilim ang itim niyang mga mata.
"Jakes deserves to be put in jail for what he did." sagot niya sakin pagkatapos pa ng ilang sandali. "Pero I do have to agree with you on that... hindi nila deserve yung nangyari. Pero ngayon deserve nila ng hustisya, hindi ba? Dapat lang makulong si Jake."
Tumango ako sa sinabi niya at napabuntong hininga. "Alam ko rin naman kung anong katauhan ni Jake eh. Ilang taon din kami magkakilala, magkasama, never once I thought he'd do something like this. I'm really disappointed."
"People turn out the way you don't expect them to be as time goes by," ang sagot niya sakin. "Lilipas pa ang mahabang panahon bago mo sila ma tanggap. At matanggap sa sarili mo na hindi ka nagkulang kung bakit sila nagbago. It's their choice in the first place."
I know I have said this countless of times before already pero he never fails to amaze me with whatever he does. Simpleng mga salita lang mula sa kanya, I'm already swooning. Especially when he wants to be mature, that's sexy as hell for a man.
"Masamang tao ba ako kung hinahangad ko na walang kasalanan si Jake?" tanong ko na inalis ang tingin sa kanya. "A-ang lakas kasi ng kutob ko na hindi siya yung gumawa ng lahat nang ito."
"Anong ibig sabihin mo? Marami ng ebidensya na kontektado lahat sa kanya."
"Alam ko..." bumuntong hininga ako. "Pero hindi ko talaga matanggap sa sarili ko na maling tao yung kinilala ko. I don't want to be proven wrong."
"Then you're taking sides. Is that what you're saying?"
"Hindi!" agad ko lang siyang tiningnan. "Hindi yun yung gusto kong ipahiwatig, Je. Siguro nagiging selfish lang ako. I refuse to believe the person I've known for years is a killer."
Bumuntong hininga lang siya na nilapit pa ang mukha niya. He gently pressed his lips against mine and not a moment passed, I responded, kissing him back softly. Palaging malambot ang mga labi niya kaya hindi nakakasawang humalik at humalik. He gives me some sense of security too and a feeling of home-- like I truly belong in his arms.
Ramdam kong umalis siya sa pwesto at bago pa siya humiwalay, nakapatong na ang katawan niya sakin. He wasn't anything heavy nor did he want to squish the life out of me, he was being gentle to say the least. Bumuka nang kaunti ang mga binti ko para sa pagitan siya papwestuhin na parang ni isa samin hindi gugustuhin na humiwalay sa halik.
I've never craved for someone like this. At hindi sa overconfident ako or I assumed too much, but he wants me just as bad as I do with him.
Halos natakpan na ako ng katawan niya nang humiwalay kami para habulin ang hininga namin.
"I love you so much," bulong niya sakin na nakadikit na ang noo sa kanya.
Hindi ko inasahan na hahalik siya sa leeg ko kaya ginilid ko nang kaunti ang mukha to give him better access whilst a moan left my lips. Pumikit ang mga mata ko nang maramdaman ko na ang ginagawa niyang pagsipsip ulit sa balat ko. Agad yumakap ang mga braso ko sa leeg niya na hindi siya mapigilan lalo na't nagbibigay ito ng kasiyahan sa nararamdaman.
"Jeremiah~"
"I need you right now."
Napatigil ako sa sinabi niya. I felt the heat on my neck rise up to my cheeks. "H-ha? J-Je h-hindi pa pwede.."
"I'll take responsibility kung may magbunga.. I just need you."
The huskiness in his tone was unexpected lalo na hindi niya ito usual na tono ng boses niya. It was as if he was showing his desire. He was a whole different person.
"Hindi p-pa ako h-handa- I--"
"It's okay.. it's okay. I'm sorry for forcing you." tumingin lang siya nang diretso sakin.
Umiling kaagad ako na humawak sa magkabila niyang pisngi. "Hindi lang ngayon, okay? I love you too. Pero ayokong mawala.. kinaingat ingatan ko nang ganito kaaga."
Ngumiti siya at mabagal na tumango. "I can wait until you're ready."
BINABASA MO ANG
The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]
Misterio / Suspenso"The quiet ones are always the most mysterious ones." Lyra's life turned around when she decided to speak to the quiet boy at the back of the class. She wouldn't know the things that were coming even if it hits her in the face. 1st Installation i...