XIII

206 6 0
                                    

Chapter Thirteen:

Nagpaiwan ako pagkatapos ng training para magkaron ng oras sa sarili ko na makapagisip-isip naman tungkol sa kung ano ba ang gagawin ko kay Jake na nasabi naman kay mama. Hindi naman sa hindi ako makapag-open up sa sarili kong mga magulang dahil kung nalaman nito ni mama, hindi ko na maririnig yung katapusin nito. At baka mapaaga pa yung curfew ko. Saka baka pagbawalan na rin nila akong makipagkaibigan kay Jeremiah. Hindi pwede 'yun!

Mahihirapan naman akong mapatawad siya kahit na matagal ko na siyang napatawad sa nagawa niya sakin pero yung pananakit niya kay Jeremiah na wala namang ginagawa sakanya? Matagal na panahon pa ang dadaan bago ko ito tuluyang makalimutan. Pero sa ngayon, wag siyang makalapit sakin o kung sino man kayla Danica. Tama na yung mga toxic na tao sa buhay ko. Kailangan ko na maging mature.

Kailangan ko na tanggapin ang mga taong kilala ko, na ganun sila. At hindi ko gusting makipagsosyo pa sa kanila kung ipagtutuloy lang nila ang ganitong ugali. Nananakit ng mga tao.

Pero disappointed din ako kay Irish. I don't know her anymore.

Pinalutang ko ang katawan ko sa tubig habang nagbabalanse. Tinaas ko naman ang kamay ko na parang may inaabot sa taas na bituin. Hindi naman problema ang open dome ng natatorium at mas nakakatuwa pa nga na ganito yung architecture design na naisip. Pero kapag mainit at tirik ang araw, ibang usapan yun.

"Kanina pa kita hinahanap." may umalingawngaw na boses sa paligid na naging rason sa pagkamuntikan kong paglunod.

Buti na lang kamo na may training sa breathing at hindi masyadong mataas ang height ng olympic pool na kinaroroonan ko. Napakunot ang noo ko na gustong alamin kung sino ang may intensyong pumatay sakin nang pagkaahon ko sa tubig. Nawala ang pagkainis ko nang makita kung sino ito.

"Paano mo 'ko nahanap?" tanong ko na may pagtataka dahil sinadya ko talagang hindi siya i-contact ngayon o kausapin. Kahit sino naman iniiwasan ko muna ngayon.

Wala ako sa mood makipag-usap. Pero ngayon na nandito na si Jeremiah, parang siya na lang gusto kong kausapin. Gusto ko maglabas ng sama ng loob sa kanya.

Ganun na ba ako kakilala nito na naisip niya na nandito ako ngayon para magpakalma?

Lumakad siya bingit ng swimming pool at humayok na nakatingin sakin. Lumangoy naman ako patungo sakanya at napatingin din sa kanyang mga mata. Nagpatulong ako sakanya na makaalis sa tubig at tinabi niya agad ako sakanya nang nakaupo na. Tinanggal niya yung suot niyang hoodie at sinuot sakin dahil naka swim wear lang ako. Biglang dumapo sakin ang lamig ng hangin. Dumikit naman ako sakanya dahil sa init na binibigay niya sakin.

"Okay ka lang ba?" tanong niya sakin pero ang tingin niya ay nasa tubig.

Tumango na lamang ako kahit hindi naman niya kita. "Eh ikaw? Kamusta na 'yang mata mo? Binobother ka pa rin ba ni Jake?" napasimangot ako.

3-day-suspension lang yung nakuha ni Jake and that was so unfair! Hindi ko alam kung anong klase na school ito. Ngayon at pumasok na ulit siya, he never stops pestering Jeremiah! Ngayon at naisip ko na, dapat pala hindi ko ito iniiwan nang mag-isa. Baka ano na naman ang mangyari tapos wala pa ako.

His eyes met mine and I could swear I saw sadness in them. "Ayaw ka niyang tigilan at naiinis ako na wala akong magawa."

Inilagay ko ang kamay ko sa braso niya. "Ano ka ba! Hindi mo na kailangan. Titigilan ako nun pag nakahanap na siya ng bagong maloloko." I assured him.

"Ewan ko ba. Ang laki kong tao tapos ang duwag naman." bato niya pang mga salita. "I've been through a lot and you would think I know how to fight back- how to stand up for myself or for the people I care about. It's all an act from the beginning. Kaya hindi ko gustong makipag-close sa mga tao. Kasi sooner or later ganito mangyayari, I predicted it na ganito ang mangyayari."

The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon