Unfortunate Soul
Gabriel
"Hooh, huling araw na ng exam. Sana'y matupad ko ang pangarap kong makapasa." sabi ko sa sarili ko at inihanda ang aking sarili sa pagpasok sa aming silid. Unang nakita ko nang ako'y pumasok ay ang gwapong mukha ni Sir Nathaniel. Nginitian ko siya na siya namang ibinalik sa akin at dumeretso na ako sa aking upuan.
"This is your last day. I wish you all to pass, and to those who failed, know that everything happens for a reason." Bati sa amin ni sir at ibinigay niya na nga ang aming huling test-paper. As he hand me my test-paper he gently pat my hand rested on the armrest as he smiled at me. I can do this. Fighting. I mentally noted to my self.
Sinimulan ko na nga ang pagsasagot. May ilan akong hindi alam na talaga namang nagpahirap sa akin. Sa bawat pagtaas ko naman ng aking ulo para i-excercise ito dahili nangangalay na ang aking leeg, nakikita ko si sir na nakitingin na namn sa akin. Hindi ko na lang siya binigyan ng pansin pa at sumagot na ulit. Hanggang sa natapos na nga ang nakalaan na oras para sumagot. Tamang-tama at katatapos ko lang. Ipinasa ko na ito. "Ah, Gabriel, pwede ba kitang makausap?" tanong ni sir. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin. "I'll wait for you in the bench na lang po." yun lang ang sinabi ko at umalis na para magtungo roon sa bench na inupuan ko kahapon.
"Hi!" bati sa akin ni sir ng maka-upo siya sa aking tabi. "Hello po." "Kumusta ang pakiramdam mo na tapos na ang exam?" tanong niya. "Hindi ko po alam sir eh, I guess I'll wait for a month to know the result and to know what I would feel." "Know that you're feelings are valid, and every professional has been in your position too. You'll only know what' in the end of the tunnel once you get there." Ngumiti nalang ako sa kaniya pagkasabi nya non. "You know what, I got this feeling na hindi ito ang huli nating pagkikita." sabi niya na ikinagulat ko. Tinawanan ko nalang ito. "Baka nga sir." pagsang-ayon ko nalang.
"You're so cute." sabi ni sir na ikinapula naman ng mukha ko. Tinawanan ko nalang para mawala ang pagkahiya ko. Napangiti nalang rin si sir sa naging reaksyon ko. "Sige, I should go, may trabaho pa po kasi ako eh." pagpapaalam ko. Nginitian ko si sir at nagpaalamanan na nga kami.
---
Nagtatrabaho ako ngayon kasama ko si Jenny, day shift kami. This is the day that I'm waiting for. Month after the exam ay lalabas na nga ang results. Hindi magkamayaw ang kaluluwa ko dahil sa kaba, excitement, halo-halo ng pakiramdam. Parang sinilihan ang pwet ko dahil 'di na ko mapirmi. Nag announce sila na mga bandang alas kwatro ng hapon ay ipopost na nila ito doon sa testing center at alas dose naman online, hindi ko din alam kung bahit hindi pa nila isinabay eh. Dahil sa hindi na ako mapirme napagdesisyunan ko na lang na after ng shift ko ay pupunta ako sa testing center para makita ko na ang result.
"Papasa ka beshy, alam ko." pang-aalo sa akin ni Jennyy. "Kaya pumirme ka dyan." Sinikap ko naman na gawing maayos ang pagtatrabaho ko at nakakahiya para sa mga customer ano. Ganoon pa rin ang gawain dito sa kusina, nagluluto at kalat na kalat ang amoy ng mga pagkain.
Mabilis na lumipas ang oras at dumating na ang alas singko ng hapon. Mabilis akong nag-paalam kay Jenny at sumakay na ng jeep. Kabadong-kabado ako habang sakay ng jeep. Para na akong natatae, pinagpapawisan ako ng malamig at parang nanginginig ang mga tuhod ko. Traffic malala ang daan dahil nga rush hour na at uwian na ng mga estudyante at mga empleyado. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe ng biglang huminto ang aming sinakyan, tumirik ang jeep. Una ay naguluhan pa ang mga tao kasama na ako. "Pasensya na kayo at mukhang nasiraan tayo." sabi nung drayber. Naku naman oh ngayon pa talaga kuya. Kaniya-kaniya naman ng reklamo at hinaing ang mga pasahero, ang iba naman ay bumaba na para humanap nalang ng ibang masasakyan. Bumaba nalang rin ako at naghanap ng masasakyan.
May nakita akong bus at pinara ko nga ito. Pagka-akyat ko ng bus ay nagulat ako dahil sa punuan ito, mayroon nang mga nakatayo makauwi lamang sa kanikanilang mga bahay. Tiniis ko na lang basta ay makarating lang ako sa pupuntahan ko. Nakipagsiksikan na nga ako at inilagay na lamang ang aking kamay sa hawakan upang makakapit. Maga-alas sais na ngunit narito pa rin kami sa daan dahil sa sobrang traffic talaga, nakakangalay nang tumayo.
BINABASA MO ANG
Hacienda del Salvador
RomanceIsang binatang pinangarap na umahon sa kahirapan, binatang ginawa ang lahat ng makakaya, pero isang pagsubok ang dumating. Bigo syang makapasa bilang isang agriculturist. Sa hindi ina-asahang pagkakataon, ito pa pala ang mag dadala sa kaniya sa luga...