TREINTA y DOS: Latidos del Corazon

155 10 5
                                    

Tibok ng mga Puso

Gabriel

"Handa na ba ang ating mga kalahok? Handa na bang mahuli ang pinaka-aasam na premyo? Biik na gagawing cochinillo?" Sigawan ang mariring sa lugar kung saan mangyayari ang agawang biik. Isa ito sa mga tradisyunal na laro na ginagawa tuwing may piyesta. Alam naman na siguro nating lahat kung ano ang ginagawa rito ano.

Ang lugar na pinag-dausan nito ay madamo na nabasa ng tubig at meron ding harang na nakapalibot na pormang kahon nang sa gayon ay doon lang talaga makakapunta ang biik at mga manghuhuli nito. Sa paligid naman ng harang ay naroroon ang mga manonood na kahit hindi naman manlalaro ay excited parin para sa magaganap.

Excited at malawak ang ngiti ng mga manlalaro, kumikinang din ang kanilang mga katawan dahil sa langis na ipinahid dito para mas maging challenging ang panghuhuli ng biik. Dalawa nga sa mga ito ang kilala ko. Yes, you get it right, dalawang Salvador. I guess they're here for the fun. Malawak ang ngiti ng dalawa.

Nagsabi nga sa akin si Sir Nathaniel na sasali siya, para lang daw sa fun. Ang hindi ko naman inaakala ay ang pagsali rin ni Sir Javier. Natawa pa ng ako nung sinabi niya pero kalaunan ay nalaman ko ring seryoso talaga siya. "Don't laugh at me, c'mon I'm serious" sabi niya pa.

Kaya ngayon, litaw na litaw ang dalawa, sa lahat ng manlalaro, kitang kita mo na talaga sila. Kayumanggi at itim ang makikita mo sa mga manlalaro, kulay ng mga taong babad sa init ng araw, at buong araw na nagtatrabaho para may pangkain sa pamilya, dahil dito, litaw na litaw ang kaputian nina Sir Nathan at Sir Javier na nagtatrabaho rin naman, sa lilong nga lang.

Kaya hindi rin natin masisi iyong mga taong may kulay or people with colors, dahil aside sa kulay na talaga ito ng kanilang mga ninuno, meron ding kontribusyon ang kanilang pamumuhay at trabaho. Sila yung mga taong nagbabanat ng buto at maghapong nakatayo sa ilalim ng init ng araw para lamang masiguradong may pagkain sa kanilang lamesa para sa buong pamilya. Kaya naman walang karapatan ang kahit na sino para kutyain ang mga taong may kulay. Dahil kulay ito ng kanilang lahi at kulay ng kanilang buhay.

These days, colorism is very rampant and evident, and I am one of those people who are strongly against this. We shouldn't be seen solely about our colors, rather, we should be seen that color is part of our identities. Our colors are part of who we are, whether we are as white as snow or as black as carabao. Let's accept everybody's colors.

Hindi rin nag papahuli sa pagpapalakihan ng katawan ang dalawa, batak na batak ang mga muscles. Si Sir Nathan ay bulk type, malaki talaga ang kaniyang katawan kumpara kay Sir Javier na lean ang muscle na nagpapanatili ng kaniyang youthful look. Enjoyment and eagerness are both displayd on their faces, ready to experience one of a lifetime joy and challenge.

Kasunod ng anunsyo ng pagsisimula ng laro ay ang paglagay ng biik sa loob ng ring. Ang mga manlalaro naman ay nakapwesto sa isang banda habang ang biik ay masayang tumatakbo sa loob. "1...2...3, Go!" hudyat ng announcer saka naman malakas na nagsigawan ang mga tao at kaniya-kaniyang cheer sa kanilang pambato.

"Go Sir Javier! Go Sir Nathan!" cheer naman nitong kasama ko na kanina pa ang ingay at halata ang pagkakasabik, sa ingay nga nito kanina pa malapit ko ng ihagis sa loob at palaruin na rin. "Jelay, what if papasukin kita diyan at ipahuli sa iyo ang biik?" wika ko, "Ay wag naman besy, ito talagang si Gabriel, joker ka" wika niya at medyo tumahimik na. Natawa naman ako rito saka ko itinuon ang atensyon sa naglalaro.

Nag-uunahan ang mga tao sa paghuli ng biik. "Hala, nahuli ni Sir Nathan, ay hala" wika ni Jelay nang mahuli at mayakap ni Sir Nathan ang biik na talaga namang napaka-competitive dahil nung malapit na iyong biik sa kaniya ay nag-dive talaga siya para makuha ito kaso nga lang sa dulas ay nakawala rin ang biik. He looked defeated. Napatingin siya sa amin saglit saka naman ako nag thumbs up sa kaniya para i cheer siya. Agad nanumbalik ang ngiti sa labi niya saka siya tumayo at sinubukang muli ang panghuhuli.

Hacienda del SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon