Ako si Gabriel, bente uno anyos, may taas na 5'5, may katamtamang kapayatan ang katawan, maputi at makinis, may itsura din naman, well- sabi ng mga tao, naniniwala nalang ako sa sinasabi nila tungkol sa akin. Kung makikita mo ako, iyan ang mga masasabi mo. Isa pa sa higit na pinupuna ng mga tao sa akin ay ang aking mga mata, sabi nila ang aking mga mata ay sumasalamin ng katapangan, walang inuurungan, ngunit sa kabila nito ay mapapansin mo rin na parang may isang anghel na nakakulong rito sapagkat napakabait ng mga ito, basta- ang hirap ipaliwanag, in-short matapang pero mabait, yun na yun.
Kung ano ang makikita mo sa aking mga mata ay yun rin ang aking personalidad, matapang, minsan nga sobra pa eh, pero mabait din naman ako, minsan haha. Mabait ako sa mga taong mabait rin sa akin. Naniniwala kasi ako na ang kabutihan ay hindi para sa lahat, kundi para lamang sa mga taong deserving nito.
Nang ma-satisfy na ako sa aking pag-aayos ng sarili at konting ayos na lamang ng aking buhok ay umalis na ako sa harap ng salamin. Lumabas na ako ng inuupahan kong apartment at siniguradong naka-lock ito. Pagkalabas ko ay bumungd sa akin ang mga kapitbahay ko, halo-halong amoy ang aking nalanghap, usok na sigarilyo, kape, at alikabok galing sa nagwawalis ng kanilang mg bakuran. Medyo magulo lang itong lugar namin, medyo maingay rin pero sanay naman na ako eh. Lumakad na ako papuntang kanto, medyo malayo pa naman iyon kapag nilalakad lang, mga limang minutong lakaran din. Makikita rin dito ay mga batang naglalaro, wala na kasing pasok at sumemr na ng mga bata.
Ako ay papunta na sa aking trabaho bilang tagaluto slash tindera slash barista ng isang food cart. Ito ang bumubuhay sa akin simula nung naging 18 ako at pwede ng magtrabaho.
"Ang ganda naman ng bungad ng umaga ko; si Gabriel"
"Hi Gabriel!"
"Oh, Gabriel! Ang aga aga eh nag susungit na naman yang mukha mo"
"Oo nga, hindi bagay sa magandang mukha mo yung sungit, pero minsan bagay rin naman hahaha"
Bati ng mga tambay sa akin dito sa aming lugar, medyo masikip dito, magkalapit lang kasi ang mga bahay, at magkakilala lahat ng tao. "Tse! Tigilan nyo nga ako. Hindi ako nag susungit, sadyang ganito lang talaga mukha ko, nakakapagod kayang ngumiti no, lalo pa't kayo ang kaharap ko" sabi ko saka ako napangisi.
"Ouch naman." sabi pa ni Kuya Robert sabay hawak sa dibdib at umaaktong nasaktan talaga, isa siya sa mga tambay rin na sa labas ng bahay nila nag kakape, ginawa na ata nalang hobby ang pagbati sa akin tuwing umaga. Ayos naman sila, mukhang tambay talaga pero maaasahan naman yang mga iyan.
"Ingat ka Gabriel!" sabi ni Kuya Kadong, yung nagsabing hindi bagay sa akin ang mag sungit. Tinanguan ko lang sila at pinagpatuloy na ang aking paglalakad. Habang naglalakad ako ay napansin ko ang mga nagkukumpulang mga nanay sa isang tabi, malamang may tsismis na naman. Naku talaga tong mga kapit-bahay ko ano.
"Pst pst. Ano na naman yang pinag-tsitsismisan ninyo? Ginawa nyo talagang agahan iyang mga tsismis nyo no" sabi ko at lumapit sa mga ito para makinig sa bago at mainit-init pang balita. "Hay nako Gabriel, alam mo na ba, si Aling Chona, yung sa kabilang kalye?" sabi ni te Jona, dakilang marites sa aming lugar. "Oh bakit? Anong nangyari?" panguusisa ko pa. "Yung anak nya, naku! Buntis!" sabi naman ni Lisa with matching emotions at actions pa. "Talaga? Eh ang bata pa nun ah, ilang taon pa nga yun, 18?" "16 kamo" sabi naman ni Aleng Gina, isang dakilang tsismosa rin, may tuwalya pa sa harapan, halatang wala pang suot na bra at lumabas talaga para lang makipag tsismisan. "Ganun ba, kawawa naman yung nanay." "Naku, sinabi mo pa Gabriel." Yun lang at nagpaalam na ako. "Sige dito na po ako."
Lakad na naman ang ginawa ko ng may busina akong naririnig sa likod ko, hindi ako lumingon syempre, ilang sandali pa ay nasa tabi ko na ang motorsiklo na pinaggalingan ng busina, "Gabriel, tara hatid na kita sa kanto, papunta na din naman ako dun." Si Pako pala. "Okay" saka ako sumakay sa motorsiklo niyang DT, yung parang pang trail. Napakaingay nga lang nito at masakit sa tenga, pero hindi na ako nagreklamo pa at nakikisakay lang naman ako.
BINABASA MO ANG
Hacienda del Salvador
Любовные романыIsang binatang pinangarap na umahon sa kahirapan, binatang ginawa ang lahat ng makakaya, pero isang pagsubok ang dumating. Bigo syang makapasa bilang isang agriculturist. Sa hindi ina-asahang pagkakataon, ito pa pala ang mag dadala sa kaniya sa luga...