Crash at First Sight
Gabriel
Alas otso nang ako ay umalis ng aking bahay, ganoon pa rin, palaging sinasalubong ng mga kapit-bahay ko. Nang makarating ako sa aming kanto ay agad akong sinalubong ng mausok na kalsada, sumakay ako ng jeep patungog eskwelahan, may aayusin kasi akong mga papers para sa paga-apply ko sa board exam.
Nang huminto ang aking sinasakyang jeep sa harapan ng aming paaralan ay bumaba na ako. Tumingala ako at binasa ang pangalan ng paaralan. Unibersidad ng Pilipinas, ang aking naging tahanan sa loob ng apat na taon ko sa kolehiyo. Dito ko natutunan ang lahat ng hirap ng pag-aaral, puyat, gutom, pagod, lahat lahat na. Pero hindi ko maitatanggi na ito rin ang humulma ng aking pagkatao at kung paano ako gumalaw sa mundong ito. Sinubok ako nito at pinatatag.
Papasok na sana ako sa loob ng gate habang ina-alala ang aking mga naging karanasan sa paaralang ito ng may bumangga sa akin mula sa likod dahilan ng aking pagkakahulog sa kalsada. "Ouch, tang*na naman!" pagkasabi ko habang dinadamdam ang sakit ng aking katawan na lumagapak sa sementong kalsada. Masakit talaga lalo na yung kamay ko na ginamit kong pangtukod para saluin ang aking bigat.
"Hala sorry!" sabi nung lalaking nakabangga sa akin sabay alalay sa akin na makatayo. "Sorry, sorry talaga." Tumayo naman ako at pinagpag ang aking nadumihang damit.
Tumingala ako at dito ko nasilayan ang mukha ng taong nakabangga sa akin. Napatigil ako at matagal na pinagmasdan ang napaka-gwapo nyang mukha, lumakas ang tibok ng dibdib ko at parang umiinit ang aking pisngi. Para siyang isang modelo, napaka-tapang ng mukha, yung masungit na may pagka-badboy yung datingan, ang ganda ng mga kulay tsokolate nyang mata, bagay na bagay sa kaniyang golden tanned skin, matangkad din siya at malaki ang katawan.
Nang rumihestro sa akin na parang nag-iiba ang kaniyang emosyon at napalitan ito ng pagtataka marahil sa aking pagtitig ng matagal sa kaniya ay inayos ko na ang aking sarili. Umubo pa ako para maibsan ang medyo akward na atmosperang nakapalibot sa amin. "Sorry." paghingi ng tawad ulit nung lalake. Dito ay naalala ko na naman ang ginawa niyang pagbangga sa akin. Agad na tumapang ang itsura ng mukha ko. "Sa susunod kasi, tumingin ka naman sa dinadaanan mo." May inis akong lumayas sa harap ng lalaki at dumiretso na ng pasok sa gate.
Nasira na tuloy ang pagmumuni ko, hays magdadrama pa naman sana ako. Nang makapasok na ako sa loob ay sinalubong ako ng malamig na hangin, mapuno kasi dito banda kaya malamig ang hangin at may silong. Dito ako madalas na tumatambay, minsan sa bench minsan naman sa damuhan sa ilalim ng puno. Madalas akong mag-isa kasi nga hindi ako mahilig makipag-kaibigan, may sumusubok naman na makipag-kaibigan sa akin pero 'di na rin nila pinipilit kapag nararamdaman nila na ayaw ko talaga. Binabati na lang nila ako sa tuwing magkikita kami, halos lahat ng mga kaklase ko ganoon, binabati ko na lang rin sila pabalik.
Apat na taon kaming nagsasama ng mga kaklase ko pero sa loob ng apat na taong iyon ay hindi ko talaga sinubukang makipag-kaibigan, ewan ko ba, 'di ko rin alam kung bakit ako ganito, 'di ko na lang rin pinipilit ang sarili ko, at nakikipag-usap lang ako sa kanila kapag kailangan. Sa apat na taong rin iyon ay hindi lamang ang nakikipagkaibigan ang sumubok sa akin kundi pati na rin ang pakikipag-ibigan, kesyo ang ganda ko raw, ang sarap titigan ng mata ko, ang kinis ko, tahimik lang daw ako, matapang, pero lahat sila basted. Para sa akin kasi ay pag-aaral ang pinunta ko dito sa UP at hindi ang makipag date. Yun ang naging buhay ko dito sa loob, oo masasabi ng iba na boring ng buhay ko, walang kulay, eh sa ganoon na talaga ako eh, wala na silang magagawa doon.
Lumakad na nga ako at dumiretso na sa administration building. Pagkapasok ko ay inalam nung guard ang kukunin ko saka niya ako binigyan ng number at pinapasok sa loob para pumila na. Weekdays ngayon kaya naman ay maraming mga estuduyante dito na kumukuha rin ng mga papers nila.
BINABASA MO ANG
Hacienda del Salvador
RomanceIsang binatang pinangarap na umahon sa kahirapan, binatang ginawa ang lahat ng makakaya, pero isang pagsubok ang dumating. Bigo syang makapasa bilang isang agriculturist. Sa hindi ina-asahang pagkakataon, ito pa pala ang mag dadala sa kaniya sa luga...