VEINTICINCO: Compromiso con el Centro Comercial

159 13 1
                                    

Mall Engagement

Gabreil

"Sir Javier" lumingon siya saka ako lumapit at tumabi ng upo sa kaniya. Pinakiramdaman ko lang siya at nanahimik lang ako. Hahayaan ko na siya ang magsabi ng kung ano man ang nararamdaman niya. Kapwa kami tahimik lang, sa umpisa, eme. Komportable ang katahimikan na pumapalibot sa amin pati ang tahimik at malamig na gabi. May maririnig nga lang na musika sa background dahil malapit lang naman ito. Ilang sandaling katahimikan pa ay nakarinig ako ng buntong hininga mula sa kaniya, mukhang malalim ang pinanghuhugutan.

"Am I really a kid? Like a baby you need to guard 24/7?" sabi niya sa akin sa tonong pinaghalong frustration at pagkalungkot. "I know they said it as a joke, but I know they just don't want to hurt me with their words by making it a joke. I just think that they really meant what hey said deep inside. Am I a baby Gabriel?" tumingin ito sa akin. "Well, para sa akin naman hindi. Makulit ka lang talaga minsan at energetic pa, laging nakangiti, mga bagay na hindi minamasama ang pagiging bata. Pero iba ang nakikita ng mga kuya mo sa'yo. Bunso ka nila, kaya sa tingin nila ay napakalaki ng responsibilidad nila sa iyo dahil ganoon ka nila kamahal" mahabang pagpapaliwanag ko naman rito.

"Even my dad, he treated me like a baby. He don't even give me any works dito sa hacienda, it's just making me feel like I am useless, someone who's not trustworthy enough to do what responsible people does" madamdaming saad nito tungkol sa ama. "Prove yourself to him" ang tanging alam kong advice rito. "What do you mean?" lumingon ito sa akin ng nagtataka. "Kung hindi mo gusto ang tingin ng mga tao sa iyo, ibahin mo. Patunayan mong nagkamali sila. Na hindi ka baby, at mapagkakatiwalaan ka naman ng mga responsibilidad" sabi ko rito. "And how do I do that?" tanong pa nito. "First, stop thinking like a baby, just like now, instead of asking me what to do, how about find the answers yourself. Minsan ang mga tanong natin ay tayo lang rin ang makakasagot" madamdaming sabi ko rito.

Tumango lang ito saka malayo ang tanaw na tumititig sa itaas. Tila naghahanap ng kasagutan sa likod ng mga tala at ulap. Kapwa kami muli natahimik. Nakatingin na rin ako sa itaas at pinagmasdan ang madilim na kalangitan at sumasabog na liwanag na dala ng mga bato na kumikinang. Kahit ako rin ay may mga tanong sa sarili ko na alam kong ako lang rin ang makakasagot. Hindi ko pa nga lang nakikita iyon at nasa gitna pa ako ng paghahanap ng mga kasagutan.

"Gabriel. I'm sad. Bigay mo na sa akin ang birthday kiss ko para hindi na ako malungkot" sabi nito saka ito nag pout. "Akala ko ba hindi ka na baby?" tanong ko naman rito saka siya tinawanan. "Sige na isa lang naman eh" pangungulit pa nito. "Virgin pa ang mga labi ko. Gusto kong ibigay ang aking first kiss sa taong mahal ko. Hopeless romantic man kung sabihin at napaka Maria Clara ko pero iyon ang simbolo ng first kiss sa akin eh. Dapat espesyal" pag-amin ko naman rito.

"Okay I understand. I won't make pilit na" ang nasabi lang nito. Natawa naman ako sa aking isipan. Nilingon ko siya, nang makita niya ako ay lumingon na rin siya. Inihawak ko ang aking dalawang kamay sa magkabila niyang pisngi habang nakatingin lang sa gwapo niyang mukha. Singkit ang mga mata nito, mapula ang mga pisngi dahil sa alak, tsaka nakaawang ang napaka gandang labi nito. Ibinalik ko ang tingin sa kaniyang mga mata, nakatitig na rin siya sa sa akin. Dahan dahan kong inilapit ang aking mukha sa kaniya. Nang malapit na ang aming mga ilong ay ipinikit niya ang kaniyang mga mata at dahan dahan na ring lumapit sa akin. Nang tuluyan na siyang makapikit at hinihintay na lang ang gagawin ko ay hinalikan ko siya... sa kaniyang pisngi. Hinalikan ko rin sa kabila. Napamulat naman siya ng kaniyang mga mata saka tumingin sa akin. Hinalikan ko naman ang kaniyang noo, ilong, baba, at balik muli sa pisngi, na para bang humahalik ng mga baby, halik na may kasamang amoy.

Napangiti na lang siya at malimit na natawa. Ang akala niya siguro ay hahalikan ko siya sa mga labi. Binawi ko na ang aking kamay saka kapwa kami nagtawanan. "Yun ah, marami na iyon, baka manghingi ka pa" sabi ko naman rito. "Okay na po" pagsusumamo naman nito.

Hacienda del SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon