May the best man win
Gabriel
I was once showered with love by people because of my looks. Every places I go to, people are fazed with my beauty. I have a lot of suitor back then at UP and I never answered or even entertained one of them. It made me question my self if they only liked me because of my looks, all of them, they were just blinded by the shine of owning me, possessing me.
I made my self boring, I rarely talk and socialize, and I made my self look intimidating just to get rid of the people restricting me with their presence. I lack in terms of love that I received especially from m parents, but I did not let my self to look for love in all the wrong places. The love I am yearning, I provide it myself. I resort to loving myself so that I wouldn't feel alone and unwanted.
Sa aking pamamalagi dito sa Hacienda ang nagpamulat sa akin na mayroon naman pala talagang tao ang tunay na nagmamahal, sila nanay at tatay, ang mga bago kong kaibigan, at ang tatlo kong manliligaw, shocks may suitor na si bakla. Natutuhan ko na hindi panatilihing sarado ang aking puso kaya naman ay tinanggap ko ang kanilang pag-ibig at hayaan na tumibok muli ang aking puso.
Gaya na lamang ng tibok ng aking puso ngayon. Kasabay ng indayog at padyak ng kabayo ay ang tibok ng laman ng aking dibdib. Hindi ko nalang pinansin pa ang makisig na katawan na nakadikit sa aking likod at sa halip ay itinuon nalang sa harap ang aking atensyon kahit mahirap na hindi iyon mapansin.
Nililipad ng hangin ang aking buhok at ganoon na rin ang mga pag-aalala sa aking isip. Mahangin, magaan, at masarap sa mata ang aking nakikita ngayon. A vast field of greeneries and hints of vibrant wild flowers. Ang lamig sa mata ng natural na kulay ng mundo. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito at mapapangiti ka nalang talaga sa sobrang ganda ng paligid.
"Enjoying the view?" rinig kong tanong ng isang mababang tinig sa aking tenga. Ramdam ko ang init ng kaniyang hininga. "Oo ang ganda kasi talaga, walang wala dito ang Maynila" pag-sang ayon ko sa kaniya. "Mas masaya dahil kasama kita" "Ha? May sinasabi po kayo sir?" tanong ko sa kaniya nang hindi ko nakuha ang bulong niya. Tumingin ako sa kaniya at nakita ko siyang napangisi at umiling. May sinabi talaga siya kanina eh, siguro nahihiya lang.
"Namimiss mo ba ang Manila?" tanong nito sa akin. "Ah medyo, nakakamiss rin ang mga nakasama ko doon, pero ayos lang naman ako at masaya dito kaya hindi ko gaanong namimiss ang polusyon doon" tawa ko. Natawa din siya kaya na palingon ako sa kaniya. Ang ganda ng ngiti niya. Ang puti at tila be perpekto ang kaniyang mga ngiti, at kumikinang ang kaniyang mga mata. Nakakahawa kaya'y napangiti na rin ako. Napakakisig nito at lalong nagpapapogi sa kaniya ang kaniya golden tanned skin.
Single kaya to si Sir Alejandro? Sa gandang lalaki nito parang biro naman kung wala itong kasintahan. "Single po ba kayo sir?" napatampal nalang ako sa aking bibig sa gulat nang naisaboses ko pa talaga ang aking katanungan. "Hala sorry po" paghini ko nang tawad. Nakakahiya ka Gabriel.
"Hahahaha" lalaking lalaki ang tawa niya, ang baba ng timbre ng boses. Ang sarap lang pakinggan. "It's okay don't worry, It's a harmless question naman eh" dagdag pa niya. "Uhm yes, single ako ngayon" imporma niya. Talaga ba? Sa gwapo niyang to, single? "Gusto mo tayo nalang?" "Ano yun sir?" tanong ko sa kaniya nang hindi ko ulit narinig ang bulong niya. Kanina pa to ah, bulong ng bulong, papansin ka sir?
"Sabi ko, ikaw, ikaw ba single ka rin?" pagkaklaro naman nito. "Ah oo po sir, sa katunayan nga po niyan eh, no boyfriend since birth po ako" sagot ko sa tanong niya. "Talaga ba, with that face of yours?" balik na tanong nito. I was taken aback with what he said, so nagagandahan siya sa akin? tanong ko sa sarili ko. Ay wait may sinabi ba siyang ganun?
"Bakit po?" tanong ko. "I mean, you're beautiful, heck you're even more beautiful than the girls I dated before" casual na sabi ni Sir. Namula naman ako sa compliment niya. Hindi kasi ako sanay na sa kaniya manggaling iyon eh. "Naku sir, marunong din po pala kayong mambola?" tawa ko dito. Napangiti lang siya. "That's not a joke though." "Okay sige, sabi niyo eh" pagsawalang bahala ko nalang sa sinabi niya. May konting kilig oo, bakit ba hahaha.
BINABASA MO ANG
Hacienda del Salvador
RomanceIsang binatang pinangarap na umahon sa kahirapan, binatang ginawa ang lahat ng makakaya, pero isang pagsubok ang dumating. Bigo syang makapasa bilang isang agriculturist. Sa hindi ina-asahang pagkakataon, ito pa pala ang mag dadala sa kaniya sa luga...