DEICESIETE: Los Jefes y Gabriel

179 15 4
                                    

Ang mga Amo at si Gabriel

Gabriel

Linggo ng umaga sa Hacienda del Salvador.

Sa mansion ay masaya at kumpletong nag-aalmusal ang mga Salvador sa kanilang garden. Nakaupo sa kabisera ng lamesa ang kanilang ama. Sa kanan nito ay si Alejandro, katabi nito ay si Nathaniel. Sa kanan ng padre de pamilya ay nakaupo si Juancho at sa tabi nito ay ang bunso na si Javier.

7 ng umaga, hindi pa gaanong mataas ang sikat ng araw. Masarap na kumakain ng almusal at preskong-presko ang lugar. Sa 'di kalayuan naman ay may tatlong kasambahay na nakaabang sa bawat galaw ng mga amo nila at nagaabang ng mga utos mula rito.

Masayang nagkukwentuhan ang pamilya sa gitna ng mga kain nito. "Kamusta ang lakad niyo kahapon Nathaniel?" tanong ni Don Lucio tapos ay sumubo ito ng isang piraso ng tapa. Si Nathaniel naman ay nilunok muna ang kinakain at nagpunas ng kaniyang mga labi bago sagutin ang ama. "Okay naman dad, since hindi na magrerenew ng contract ang Coco Ph, we closed the deal with Mr. Danilo La Torre as our new partner for our coconuts. Sa kaniya na direstso ang production natin, and actually mas malaki ang offer nila." "That's good to hear." sabi naman ng panganay nila.

"Ako dad, after I came with kuya, we did shopping." pagsingit naman ni Javier at binibida nito ang kaniyang pagiging laki sa luho. "Ano pa ba ang ibang alam mong gawin ha?" pagbibiro naman ni Juancho sa bunso nito na ikinatawa lang naman ng Dad nila. Bumalik muli sila sa pagkain hanggang sa may naisipang i-open si Don Lucio sa mga anak.

"Ah nga pala mga anak. Naglibot kami ng Kuya Alejandro niyo kahapon and also with Juancho pero umalis na siya ng makarating kami sa fruit crops areas natin. We found a problem, nagsumbong ang mga magsasaka natin tungkol sa problem sa mga langka." panimula ng tatay nila. "What happened dad?" tanong ni Nathaniel. "Apparently may mga pumapalibot na mga white with pink powdery sa mga sanga. Sabi ko pa nga sa kanila na wala ka noong araw na iyon kaya baka hindi namin malaman kung ano ang problema." dagdag ni Don Lucio.

"Good thing ay nandoon si Gabriel." si Don Lucio. "Gabriel?" pagsingit naman ni Juancho. "Yes, he founds out na the problem is pink disease, with symptoms of die back, that eventually causes fruit rot." kwento naman ni Alejandro. "Good thing Gabriel is there, he knows that stuff, I've always believed na he is really great with agriculture. What he saud was true. The pink are signs of profuse conidial production of fungus."sabi naman ni Nathaniel. "Those are the exact words he said." Sagot ng dad nila.

Makikita naman sa muka ng apat ang kanilang pagiging proud kay Gabriel. "I just knew na he took pala Agri-business Management. I offered him a job pa nga dito sa hacienda kaso lang he respectfully declined." turan ni Alejandro. "He's really great, beautiful, at the same time kind, and intelligent." singit naman ni Javier na pinupuri si Gabriel. Matapos ay bumalik sa kanilang pag-kain ang pamilya.

"Guys why don't we go swimming sa falls?" out of the blue na sabi ni Gabriel sa kalagitnaan ng kanilang pagkain. Nagliwanag naman ang mukha ng apat sa naisip nilang gawin. "sama natin si Gabriel." dagdag pa ni Nathaniel. Ang maliwanag na emosyon sa kanilang mukha ay mas nagliwanag pa sa ideyang isasama nila sa falls si Gabriel. "Tanungin muna natin siya, baka naman may ginagawa yung tao." si Alejandro. Tumango naman ang tatlo sa tinuran ng kanilang Kuya.

"Ako na mag tatanong. Pupunta na lang ako sa kanila." pagpresinta naman ni Juancho sa mga kapatid.

Sa kabilang dulo ng hacienda, kung saan may maraming bahay at nakatira ang mga empleyado ay may Gabriel na hanggang ngayon ay tulog pa rin sa sala ng kanilang bahay.

Juancho Amos

Bumaba ako ng aking kabayong si Machete ng makarating ako sa harap ng bahay nila Gabriel. Nakita ko naman sa kanilang bakuran si Mang Ador. "Mang Ador!" tawag ko naman rito. "Boss Juancho, kayo po pala." sabi nito saka ako pinagbuksan ng kanilang tarangkahan. "Naparito po kayo?" tanong nito sa akin. "Susunduin ko po sana si Gabriel at maliligo po kami sa falls."sabi ko rito ng makapasok na ako.

Hacienda del SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon