SIETE: Nueva Familia

252 18 2
                                    

Bagong Pamilya

Gabriel

Iminulat ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang paligid. Ramdam ng aking likod ang hinihigaan kong manipis na kutson habang may nakatakip na kumot sa ibabang kalahati ng aking katawan. Bubong na pawid ang aking nakita sa taas at parang ako'y nasa isang bahay na kubo. Nagulat ako dahil hindi na gaya ng kahapon ang aking suot marahil ay may nagbihis sa akin.

"Asan ako?" tanong ko sa aking sarili habang ako'y bumabangon mula sa aking kinahihigaan. Ako'y tila nasa isang sala dahil may upuan akong nakikita at maliit na lamesa, sa di naman kalayuan sa aking pwesto ay may nakita akong lutuan at mesang kainan. Sa kabilang banda naman sa akin ay isang pintuan na sa hula ko ay isang kwarto. Hinanap ko ang pintuan palabas habang gumugulo sa aking isipan ko paano akong nakarating dito eh sa naaalala ko ay humiga ako sa isang mahabang upuan malapit sa gate habang iniinda ang lamig ng gabi.

Nakita ko na ang pintuan palabas at pumunta ako rito. Habang papunta roon ay may nakita akong salamin at dito pinagmasdan ang aking repleksyon. Nakasuot ako ng sando at pajama, at may nakabalot na bimpo sa aking ulo at may mga dahon sa loob. Ginamot ba ako ng alburalyo? Ipinagsawalang bahala ko na lang ito as I make my way to the door.

Paglabas ko ng pintuan ay tila ako nasa isang bayan. May mga puno ng mangga at halos magkadikit ang mga bahay kubo pero malaking version nga lang na mga kubo na gawa sa kawayan. Maraming tao sa labas at halos ay may suot na salakot na parang mga farmers. May mga bata rin akong nakikita na masasayang naglalaro.

"Oh gising ka na pala iho." sabi ng isang lalake na medyo may katandaan na, nakasuot rin siya ng salakot gaya ng iba at may hawak siyang tasa ng kape. "Beth! Gising na siya." tawag niya sa isang babae na nasa kabilang bahay at tila may pinag-uusapan, nakita ko itong nagpaalam sa kausap at pumunta sa lalaki. "Iho gising ka na pala." sabi nong Beth. Teka parang kilala ko ito ah. "Ikaw po ba yung ale na nakasabay ko sa bus?" tanong ko rito na siyang ikinangiti at tango nito. "Oo ako nga." sabi nito.

"Halika magkape ka muna." aya nito. Bumaba naman ako sa tatlong baitang ng hagdan nila at sinamahan sila sa lamesa sa labas. Pinagmasdan ko ang paligid nang ako'y nakaupo na. Masaya ang paligid, malinis, puno ng berdeng halaman,at napakapresko, malayong-malayo sa ingay at polusyon ng siyudad. "Ito oh." sabi ni aleng Beth at inilapag ang isang tasa na kape. "Salamat po." Sumipisp naman ako at ramdam ang hagod ng kape sa aking lalamunan, matapang ang kape at halatang organiko.

"Ako nga pala si Beth at ito naman ang asawa kong si Ador." pagpapakilala nito. "Ako naman po si Gabriel. Gabriel Alcantara." "Nakita ka namin sa labas ng hacienda at parang nilalamig, sa katunayan nga nilalagnat ka. Magaling ka na ba?" sabi ni aleng Beth. "Opo, maayos na po ako." sabi ko dahil hindi ko na ramdam ang init ng aking katawan hindi katulad kagabi.

"Paano ka nga pala napunta rito sa San Joaquin iho, at ika'y halatang taga siyudad." sabi ni Manong Ador. Huminga muna ako nilasap ang preskong hangin bago ko siya sinagot. "Galing po akong Maynila. Sumakay po ako ng bus na hindi ko alam saan ao pupunta, nakatabi ko pa nga po si Aleng Beth noon at inabutan niya ako ng panyo dahil umiiyak ako, nakatulog po ako sa bus at ginising nalang ako ng drayber at sabing dito na raw po ang huli niyang pupuntahan." mahabang litanya ko rito.

"Hindi ko po alam saan ako pupunta kaya nang makita kong may mahabang upuan ay dito ako namalagi pansamantala at kalaunan ay nakatulog po ako." "Kung hindi mo sana mamasamain, maari ko bang malaman kung bakit ka umiiyak?" tanong ni aleng Beth.

Uminom ako ng kape at inalala ang mga nangyari, sa aking pag-alala nito ay muling nabuhay ang kirot sa aking puso. "Inilaan ko po ang buhay ko para matupad ang aking pangarap, maging agriculturist, pero hindi po ako nakapasa eh, tsaka idedemolish pa ang bahay na tinitirhan ko." Parang nalungkot naman ang mag-asawa ng marinig nila ang sinabi ko.

Hacienda del SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon