VEINTISIETE: Preparación de la Celebración

156 10 3
                                    

Preparation of Celebration

Gabriel

Isang mapagpalang araw, masaya ang gising ko ngayon at talagang magaan lang ang aking loob. Lumabas ako ng aking kwarto at dumiretso na sa banyo upang maligo saka naman ako lumabas ng bahay pagkatapos kong magbihis. "Mukhang maganda ang gising mo ngayon anak ah" bati ni tatay, "magandang umaga tay, syempre naman po dahil isang araw na naman ang ipinagkaloob sa atin ni God kaya dapat lang na masaya tayo" sabi ko naman sabay lapit sa kaniya para yumakap.

"Nay" tawag ko naman kay nanay ng makita ko sya sa aming gate na may dala-dala tsaka ako lumapit. "Akin na po" sabay kuha ko ng dala niya. "Naku, salamat anak. Galing iyan kina Lydia, saging" saad niya naman. Tumango lang ako saka ko inilagay sa taas ng mesa sa labas ang saging. "Ang ganda mo ngayon anak ah" papuri ni nanay saka ako tinignan, "Naku nay, matagal naman na akong maganda ah hahahahahaha" biro ko naman sa kaniya saka kami nag si tawanan. "O sya, tara na't mag sikain na tayo, ako ang nagluto ng ulam ngayon kaya siguradong masarap" tawag naman sa min ni tatay. "Talaga bang masarap yan?" biro ni nanay na siya namang sinagot agad ni tatay, "Syempre, mas masarap pa sa luto mo" tumakbo naman siya agad dahil hinabol siya ni nanay. Natawa nalang ako sa ginawa nila.

Humawi naman sa aking katawan ang malamig na umagang hangin. Masarap din sa balat ang hindi gaanong mainit na sinag na araw at sa tuwing tinatamaan nito ang balat ko ay para na akong salamin sa kinang. Bakit parang mas pumuti pa ako, tanong ko naman sa sarili ko. Siguro ay dahil hiyang talaga ako dito sa hacienda dahil sa sariwa ang hangin at walang polusyon.

Nagpasya na akong pumasok sa loob at dumiretso sa kusina. Masaya kaming kumakain ng almusal ng may sinabi si itay "Malapit na pala ang piyesta ng San Joaquin no" "Ay oo nga, alam mo anak masaya iyon, tsaka masaya rin kami na masusubukan mo iyon ngayon at kasama ka namin" sagot naman ni inay. "Kailan po ba nay?" " Sa makalawa anak, bale dalawang araw iyon at maraming mga aktibidad" sagot niya naman sa tanong ko. "Ah ganoon po ba" ngiti ko naman saka bumalik na sa aming pag kain.

-

Nang makarating kami sa Mansyon ay agad na kaming pumasok, nauna na si inay samantalang ako naman ay inienjoy muna ang paglalakad at sinasariwa ko muna ang paligid. Nang mapagpasyahan ko ng pumasok ay umakyat na ako sa konting hagdan nang may nakasabay akong mama na tila humahangos at naghahabol ng hininga. "Iho, nandiyan ba si Don Lucio Salvador?" tanong nito sa akin, "Ay hindi ko po alam eh, pero titignan ko po kung nariyan siya" sabi ko naman rito. "Ah iho, maaari bang makisuyo sa iyo at pakibigay ito kay Don Lucio, nagmamadali na kasi ako at kailangan na ako sa bayan" ang sabi naman nito sabay abot sa akin ng isang puting sobre. "Sige po, ano po palang pangalan nila para masabi ko po kay Don?" tanong ko rito. "Ako nga pala si Manuel, ang kapitan ng San Joaquin" tinanguan ko naman ito at nginitian na ganoon rin naman sya saka ito umalis at pumunta sa kaniyang naghihintay na sasakyan.

Pumasok naman ako sa loob at agad na hinanap si Don Lucio at natagpuan ko sa loob si Kuya Diego kaya sa kaniya ko na lang ibinigay ang sobre. "Kanino galing to?" "Ah kay Manuel daw po, Kapitan Manuel" "Ah ganoon ba, sige" sagot lang niya na akin lang tinanguan tsaka naman ako naglakad patungong kwadra.

Halos mag iisang buwan na din pala ako dito sa Hacienda at sa loob ng isang buwan ay nakasanayan ko na ang buhay probinsya. Masaya ako dito at magaan ang aking loob. Napakasariwa lang ng paligid at masiyahin at masisipag ang mga tao kaya napakadaling makihalubilo sa kanila. Nae-enjoy ko rin ang aking trabaho at kakaibang saya ang ibinibigay sa akin ng pag-aalaga ng mga kabayo. Isa siguro ito sa mga rason kung bakit ako napadpad dito sa hacienda, ang ma enjoy ko ang simpleng buhay at malayo sa siyudad. Nang makarating ako sa kwadra ay agad ko ng sinimulan ang aking trabaho.

"Magandang araw Gabriel, lalo tayong gumaganda ah" bati naman sa akin ni Mang Ador na kasalukuyan ay hawak si Magnum. "Naku kayo talaga Mang Jun, bolero kahit minsan" natatawang sagot ko rito saka kami tumawa. Pumasok na ako sa loob ng kwadra saka ko kinamusta ang mga alaga ko. Agad akong dumiretso kay Malik. "Malik!" tawag ko dito saka ko hinaplos-haplos ang kaniyang ulo na kaniya naman kinagiliwan sabay ng kaniyang pag ney. Parang excited ito "Maliligo tayo ngayon Malik okay" sabi ko rito na tinanguan naman nito na para naiintindihan ang sinasabi ko. Tumawa naman ako saka ko siya hinila palabas na para siya ay paliguan.

Hacienda del SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon