Ang Buhay sa Hacienda
Gabriel
Isa na namang panibagong araw sa hacienda. "Anak, Gabriel. Ador! hali na kayo't kakain na." rinig naming sabi ni nanay sa loob. Sabay na kaming tumayo ni itay mula sa pagkakaupo at nagtatabas kasi kami ng damo eh. Sabay rin kaming pumunta sa poso at naghugas ng kamay saka kami dumiretso sa taas.
"Ang sarap naman nito mahal." pa-sweet naman na sabi ni tatay kay nanay na may malawak na ngiti habang humahalik dito. "Hm, bolero." ang naisagot na lang ni nanay at nagpapakipot. Natawa nalang ako sa kanila. Ganito talaga sila palagi, parang 'di nauubusan ng lambing sa isa't-isa.
Umupo na kami saka kami nagdasal. "Ang sasarap naman po nito 'nay." sabi ko matapos kaming magdasal. "Diba anak, ayaw pa kasi maniwala nitong nanay mo eh." komento naman ni tatay. "O sya, kumain na tayo baka lumamig pa ang pagkain." nasabi na lang ni nanay saka kami masayang kumain.
"At talaga namang nag-subuan pa sa harap ko." ang sabi ko sa kanila na ikinatawa lang ng mga ito. "Humanap ka na kasi ng iyo." sabi ni nanay na ikinatawa ko naman. "May girlfriend ka na ba anak, o naging?" tanong ni tatay. "Naku tay, wala po." pagtawa ko naman. "Eh boyfriend?" "Nay, wala din po." sagot ko. "Eh sa gandang lalaki mong iyan, wala?" natawa na lang ako sa itinuran nito na agad namang dinagdagan pa ni tatay. "Oo nga anak."
Bumalik na lang kami sa aming pagkain. Ang ulam namin ngayon ay piniritong manok saka pansit na napakaraming gulay na talaga namang gustong-gusto ko. Napakahilig ko sa gulay, kaya siguro ganito kakinis ang balat ko dahil doon. Masaya lang kaming kumakain at pagkatapos ay nag-ayos na kami para magtrabaho.
"Frenny!" sigaw agad ng kaibigan kong madaldal. "Umaga pa beshy, 'wag kang masiyadong maingay." natatawang ko suway sa kaniya na ikinatawa lang niya. Palagi kong sinusuway ang pagiging maingay niya pero hindi naman talaga ako na iimbyerna sa kaniya kasi okay naman siya, maingay lang talaga pero tanggap ko naman iyon.
Agad na kaming dimeretso doon sa pwesto kung saan naghihintay ang mga katrabaho namin sa may truck. "Hi Gabriel." bati naman nilang lahat sa akin, na nginitian ko naman saka ako bumati rin pabalik. "Ang ganda mo naman ngayon Gabriel." komento kaagad ni Andong. "Ano ka ba pare, araw-araw kayang maganda si Gabriel." dugtong pa ni Tonyo. "Naku talaga kayong dalawa." ang nasabi ko na lang.
"Eh ako, hindi niyo ba ako sasabihang maganda?" tanong naman ni Jelay habang sinasabit sa likod ng kaniyang taenga ang buhok nito. "Hindi masiyado." "Malabong mangyari." sabi nung dalawa na kinainis naman ni Jelay at ikinatawa naman namin. "Tse, akala niyo naman mga gwapo kayo." pagalit nitong sabi sa dalawang kolokoy. "Gwapo kaya kami, diba pare?" sagot naman ni Tonyo saka tinanguan naman ni Andong saka kapwa sila nag pogi sign saka nag lip bite.
"Mukha kayong pwet na tinubuan ng mukha." komento ko na ikinagulat naman nila at malakas na tinawanan naman ni Jelay. "Hahahahaha, galling na kay Gabiel yun ah." sabi ni Jelay. "Grabe ka naman samin Gabriel." si Andong. "Matapos ka naming puriin." sabi ni Tonyo sabay hawak sa kaniyang dibdib na aktong nasasaktan. Tinawanan ko nalang sila saka ako nagsorry. "Sor'na hahaha."
"Gabriel, dito ka samin sa likod sumakay para makapag-kwentuhan naman tayo." si Tonyo. "Oo nga Gabriel." dagdag naman ni Andong. "Naku sayang kaputian niyang Si Gabriel ano kung maiinitan lang." pagsaway pa sa kanila ni Jelay. Tumingin naman sa akin sila Tonyo. "Okay lang, nakalongsleeve naman ako eh." sabi ko nalang na ikinangiti naman nila. "Pahiram nalang ako niyang salakot niyo." dagdag ko pa saka sila sabay na nag-abot sa akin ng kanilang mga salakot.
Mukhang nag-aagawan pa sila kung kaninong salakot ang gagamitin ko ah. Kinuha ko na lang ang kay Andong para matapos na, binelatan naman ni Andong si Tonyo. "Akin nalang iyang sa iyo Tonyo." sabi ni Jelay. "Hindi mo na kailangan ito no." sabi bigla ni Tonyo saka niya ibinalik sa pagkakapatong sa kaniyang ulo ang kaniyang salakot. "Nakakainis ka talaga arrggh." ang nasabi na lang ni Jelay at turn naman ni Tonyo para bumelat sa kaniya saka sila nag apir ni Andong saka nagtawanan.
BINABASA MO ANG
Hacienda del Salvador
RomanceIsang binatang pinangarap na umahon sa kahirapan, binatang ginawa ang lahat ng makakaya, pero isang pagsubok ang dumating. Bigo syang makapasa bilang isang agriculturist. Sa hindi ina-asahang pagkakataon, ito pa pala ang mag dadala sa kaniya sa luga...