Investor
Gabriel
Normal na araw sa hacienda. Ganyan ko mailalarawan ang araw ngayon. Busy ang mga tao sa kani-kaniyang mga gawain. Ako naman ay ganoon rin, balik sa dating gawi.
Inilabas ko isa isa ang lahat ng mga kabayo. Naisipan naming sa labas sila pakainin para naman maarawan rin sila.
Kay gandang pagmasdan ang sampung kabayo na nasa labas at kumakain ngayon. Iba-ibang mga kulay ng balat at buhok ang makikita, iba't-ibang laki rin ng katawan. "Neigh-h-h-h" rinig kong tunog ni Maximus, ang itim na kabayo ni Sir Al- ay Alejandro.
Lumapit ako sa kaniya at tumunog siya ulit, tinturo ang kaniyang kainan. Nakita ko namang wala na itong laman at tila ba gutom pa siya kaya humihingi pa siya. Nakita naman ito ni Mang Jun at natawa ito. Siya na rin ang kumuha ng dayami at ilang sandali pa inilagay na niya sa pagkainan ni Maximus.
Tumunog muli ang kabayo na tila ba nagpapasalamat ito. Kapwa may ngiti naman kami sa labi ni Mang Jun at tila natatawa. Sa aking tuwa kay Maximus ay hinaplos haplos ko ang kaniyang ulo pagkatapos ay umalis na at bumalik sa pagbabantay sa kanila.
Matapos silang kumain ng mga dayami ay hinayaan muna namin silang maglakad-lakad ng walang tali tutal ay may bakod naman itong lugar nila. Kumakain din sila ng mga damo na para bang nagdi-dessert.
Dahil wala naman akong magawa ay nagpaalam muna ako kay Mang Jun at naisipan kong pumunta ng mansiyon para magliwaliw kay nanay o kaya kay Jelay. Pagdating na pagdating ko sa mansiyon ay maraming tao ang nasa may receiving area. Nakita ko roon ang mga kasambahay na tila busy sa pag-asikaso ng mga bisita. May mga tila bodyguards din akong nakikita sa may labas at pinto ng mansiyon.
Sino ba ang bisita nila at parang ang higpit naman ata? Naroon na rin sina Don Lucio at si Sir Diego. Mukhang busy ata sila ngayon at hindi ito ang oras para manggulo kila nanay. Kaya naman ay naisipan kong umalis na at bumalik na lang sa kwadra.
"Gabriel." Pahakbang na sana ako pabalik sa direksyon ng kwadra nang marinig ang tawag sa akin, boses iyon ni Don Lucio. Pagkalingon ko sa kanila ay halos lahat nasa akin na ang mata. Nako-conscious tuloy ako. Pero dahil amo ko nga ang tumawag sa akin ay wala akong choice kundi lumapit sa kanila.
Ramdam ko ang mga mata sa akin habang lumalapit ako kaya naman ay yumuyuko lang ako. Nang nasa harap na ako nila ay doon ko lang nakita ang Don at ang bisita niya. Parang mga nasa 60 na ata ang edad nito pero maporma pa rin ito at matikas ang dating. Halatang mayaman dahil sa postura nito at ang kalidad ng kaniyang suot.
Pansin ko sa mukha niya, bukod sa bakas dito ang kakisigan ay parang kastila ang mga features nito. Light tanned-skin, contoured high-bridge nose, brown eyes and brown hair. Parang magkasing-hulma ang aming ilong. Hala, baka spanish talaga ako? Natawa nalang ako sa aking sariling biro. Nagbaba-sakali lang naman, hayaan niyo na akong mag ambisyon.
"Gabriel, paki handa naman ng mga kabayo dahil mangangabayo kami nitong kaibigan ko." Naagaw ni Don Lucio ang aking atensyon nang magsalita siya. Mabilis naman akong tumango sa kaniya. Nag-usap na ang dalawa kaya naman cue ko na iyon na umalis na. Mabilis akong bumalik sa kwadra at sinunod ang utos ng amo.
Sinabihan ko agad si Mang Jun sa utos ni Don Lucio na agad rin naming inasikaso. Nilagyan namin ng saddle, lubid at iba pang mga kagamitang sinusuot sa kabayo para sa komportable itong sakyan. "Mang Jun, lalagyan ko rin ba si Malik?" Tanong ko.
"Huwag na siguro Gabriel, alam mo namang hindi nagpapasakay yan kung hindi ikaw eh" sagot nito. Oo nga naman, itinabi ko na lang ang mga essentails ni Malik dahil hindi nga ito nagpapasakay ng iba. Kahit ang mga Salvador nga eh hindi nakakasakay rito, pero na pi-pet naman nila. Kapag pipilitin mo naman siyang sakyan au ihuhulog ka nito, baka manipa pa nga eh.
BINABASA MO ANG
Hacienda del Salvador
RomanceIsang binatang pinangarap na umahon sa kahirapan, binatang ginawa ang lahat ng makakaya, pero isang pagsubok ang dumating. Bigo syang makapasa bilang isang agriculturist. Sa hindi ina-asahang pagkakataon, ito pa pala ang mag dadala sa kaniya sa luga...