Gabriel
Tamang-tama at tanghalian na ng makarating kami ni tatay Ador sa bahay kaya naisipan naming mananghalian na lamang dito. Ako naman ay nagbihis muna ng damit.
"Tay? matanong ko lang po, sino-sino po ba ang mga tagapagmana ni Don Lucio?" tanong ko sa kaniya ng hindi ko na mapigilan ang aking kyuryusidad, "Ahh ang ibig mo bang sabihin ay iyong mga anak niya?" Tumango naman ako.
"Mayroon siyang apat na anak na lalake. Bawat isa sa kanila ay nirerespeto dito sa hacienda, 'di lang dahil sa mga amo namin sila, ngunit lahat sila ay mababait at magagalang sa aming mga empleyado nila." kwento ni itay habang ako naman ay sumusubo ng pagkain. "Ang panganay ay si Boss Alejandro, mabait naman siya at siya ang aming pangalawang amo kasi sa kaniya pinapapagkatiwala ang hacienda sa tuwing wala si Don Lucio. Ang pangalawa naman ay si Boss Nathaniel, hindi siya masiyadong nangingialam sa kuya niya tungkol sa negosyo pero isa siyang agriculturist kaya siya ang aming kinokunsulta pag tungkol sa mga pananim."
Sumubo muna si tatay at uminom ng pagkain saka niya pinagpatuloy ang kaniyang pagkukwento. "Ang pangatlo naman ay si Boss Juancho. Sa lahat siya ang pinakapaborito namin dahil siya lang ang mabilis malapitan at talagang naiintindihan niya kami. Kaso nga lang ay naglayas ito." Bigla namang nalungkot si itay nung ikinuwento niya ang tungkol kay Jauncho. "Bakit naman po siya naglayas 'tay?" "Nagka-away ata sila ng kaniyang ama, mga nasa isang taon na siguro ang nakalipas."
"Ang bunso naman nila ay si Sir Javier. Makulit na bata, palaging gala ng gala, laging nakaporma at mahilig sa chiks." natatawang paglalarawan naman ni tatay sa bunso ng mga Salvador. "Makikilala mo pa naman sila anak kapag makakasama mo na sila ng matagal. Sino na ba sa kanila ang nakita mo na?" "Ah si Sir Nathan po, nagkakilala na po kami noon sa Maynila, siya po kasi yung naging proctor po namin sa exam." "Ay ganoon ba, mabuti naman, mabait naman yang si Boss Nathan makakasundo mo iyan." Sabi pa ni itay saka namin ipinagpatuloy ang aming pagkain.
Nang matapos kaming managhalian ay nagpasiya kaming bumalik na sa mansiyon.
Nakarating na nga kami sa mansion at sa harap ako dumaan. Dideretso na sana ako sa likod ngunit ay napansin ko ang lalaking nakita ko kaninang may kalampungan na naka-upo at tumatambay sa sala. Nagulat ako at nagmadaling umalis upang 'di niya ako mapansin. "Hey you!" pagtawag nito ng pansin. Ako ba tinatawag nito? Hindi ko ito pinansin at ipinagpatuloy ang aking paglalakad. "Hey stop!"
Baka ako nga. Naririnig ko ang yapak nito na papalapit na sa akin, mas lalo akong kinabahan. Mas bibilisan ko pa sana ang aking paglalakad ngunit naramdaman ko ang paglapat ng kamay nito sa aking nanginginig na balikat. Pinilit ako nitong ipinaharap sa kaniya, magmamatigas pa sana ako pero mas malakas siya sa akin kaya madali niya lang akong napaharap sa kaniya.
"Do I know you?" takang tanong nito. Hindi ba niya ako nakilala na ako ang nakapansin sa kanila kanina. "P-po?" tanong ko rito. "You look familiar." sabi nito. "A-ako po yung nakahuli sa inyo kanina?" "Yeah I know that silly." he smirks. Hindi ko pa ma appreciate ang kapogian nito sa ngayon kasi kinakabahan pa ako baka mapagalitan ako nito. "I was about to confront you about what happened earlier but I am more intrigued as to where do I know you from."
Teka oo nga, parang familiar siya. Tinitigan ko ng mabuti ang kaniyang mukha. He's fair-skinned, looks expensive, his brown eyes full of excitement and fun, he looks like a jerk, like a party-goer personality. He's handsome, very. And then it hits me, the glimpse memory of him, looking summery under the sun, the one who ordered ice tea!
"Yah.. you're the waiter right?" "yes po." sagot ko. "It's Gabriel right?" tumango ako. "I am Javier Liam Salvador. What are you doin' here?" "Nagtatrabaho na po ako dito sir." sabi ko. "Oh is that so?" tanong nito na ikinatango ko naman.
BINABASA MO ANG
Hacienda del Salvador
RomanceIsang binatang pinangarap na umahon sa kahirapan, binatang ginawa ang lahat ng makakaya, pero isang pagsubok ang dumating. Bigo syang makapasa bilang isang agriculturist. Sa hindi ina-asahang pagkakataon, ito pa pala ang mag dadala sa kaniya sa luga...