Sweet kiss as a Sweet Prize
Gabriel
From not passing the board exam to peacefully living here in hacienda del Salvador to having it's 4 heirs as my suitor. Oh, how fast time goes by. It's so amusing how life moves silently and unexpectedly. 4 suitors? Who would expect that? Masyado na ba talaga akong maganda?
Natawa ako sa sarili kong biro. Heto ako ngayon, nakatingin na naman sa harap ng salamin gaya ng palagi kong ginagawa tuwing umaga, actually bago lumabas ng kwarto, ginagawa bago lumabas ng kwarto. Tanghali na kasi ako ngayon nagising dahil linggo naman ngayon at araw pahinga ng mga manggagawa ng hacienda.
So ayun na nga, nakaharap ako sa salamin at pilit isinasaisip kung bakit ako nagkaroon ng apat na gwapong manliligaw. Is it my fair skin? Is it my charming smile? Is it my soulful eyes? O baka naman lahat? "Hahaha grabe ka na talaga Gabriel, pati ba naman sarili mo niloloko mo." Natawa nalang ako at sinermonan ang sarili na tila isang baliw.
Alas otso na ng umaga, at para nga sa amin dito eh tanghali na iyon. Hindi na din ako ginising nila tatay kasi alam nilang pagod ako kagabi. Katatapos lang ng idinaos na piyesta kaya naman pagod ang lahat. Dahil nga wala namang trabaho at wala rin akong pupuntahan ngayon, hindi na ako nag-abalang magbihis pa.
Lumabas ako ng aking kwarto ng naka sando at short lamang. Hays, ang presko. Malamig na hangin ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng aming bahay. Mabango at maaliwalas ang simoy ng hangin. Ang mga kapit-bahay naman namin ay abala sa kanilang ginagawa, may nagwawalis, nagtatanggal ng mga damo, at may pumipitas ng kaniya-kaniyang mga pananim.
Sa labas ng aming bahay kung saan nakapwesto ang aming lamesa ay naroon ang aking mga magulang. "Oh gising ka na pala Gabriel" wika ni tatay Ador. Ngumiti ako sa kanila, saka ako lumapit para yumakap. "Nakapagpahinga ka ba ng maayos anak?" Tanong ni nanay matapos ko siyang yakapin at umupo na.
"Uminom ka ng gatas anak, fresh yan galing sa dede ng baka. Mainit-init pa ito dahil ininit ko para matanggal ang bacteria at para painitin na rin ang iyong sikmura" wika naman ni tatay sabay salin sa akin ng gatas. Lumaki naman ang aking mata dahil first time ko lang makatikim nito. "Uhmm ang presko nga 'tay, ang sarap!" Puri ko. Ang sarap kasi talaga.
"Mabuti naman at nagustuhan mo. Si tatay mo mismo ang gumatas sa baka para lang ipatikim sa iyo." Imporma naman ni nanay. Agad naman akong nagpasalamat sa kanila at humigop muli sa gatas. "Nakapag-pahinga ka ba ng mayos anak?" Tanong muli ni nanay sabay hagod ng aking ulo at inaayos ang aking magulong buhok.
"Opo 'nay, medyo marami rin kasi ang ganap kahapon kaya pagkarating ko rito, bagsak agad ang katawan ko." Sagot ko naman. Inalala ko ang nangyari kahapon. Matapos kasi nung pag-amin eme ni Sir Alejandro ay wala lang akong nasagot sa kaniya dahil na rin sa gulat. Bigla nalang nangibabaw ang pagod sa aking katawan kaya naman niyaya ko na silang umuwi.
Si sir Alejandro lang sana ang maghahatid sa akin kaso ay sumama na rin yung tatlo, kaya ayun sabay sabay na kaming nagsi-uwian. Pagkarating ko rito sa bahay ay naligo ako saglit, nagbihis, at diretso tulog. Sa dami ba naman ng mga kaganapan.
Si Jelay lang ata ang hindi alam ang salitang pagod, grabe yung sayaw niya kahapon. Hula ko nga eh uminom pa yun kasama ng mga kaibigan niya. Malamang sa malamang, tulog pa iyon hanggang ngayon. Humihilik pa ata yun sa higaan niya at mamaya pa magigising.
Yun ang akala ko. "Gabriellll!" Mas mataas pa sa sikat ng araw ang energy ni Jelay. Parang aabot na nga sa mansiyon ang lakas ng sigaw niya. Natawa nalang sina nanay at tatay sa kaniya habang ako naman ay napahilamos sa aking mukha. Andito na naman ang babaeng walang salitang pagod sa kaniyang bokabularyo. Guguluhin na naman ako nito.
BINABASA MO ANG
Hacienda del Salvador
RomanceIsang binatang pinangarap na umahon sa kahirapan, binatang ginawa ang lahat ng makakaya, pero isang pagsubok ang dumating. Bigo syang makapasa bilang isang agriculturist. Sa hindi ina-asahang pagkakataon, ito pa pala ang mag dadala sa kaniya sa luga...