DOCE: Juancho Amos

206 14 4
                                    

Gabriel

"Tayo'y magsikain na." paanyaya naman ni Don Lucio. Nahati naman ang mga tao, ang iba ay dumiretso na sa lamesa at ang iba naman ay lumapit kay Pako. Sa raming gustong makausap si Pako ay natulak na ako at napalayo. May naramdaman naman akong humawak sa aking braso at hinila ako, pagtingin ko naman ay si Jelay pala.

"Naku Gabriel, hindi mo naman sinabi sa akin na magkakilala pala kayo ni Sir Juancho." Sabi nito. "Eh hindi ko naman alam na siya pala yung tinutukoy niyo eh." sabi ko naman. "Sabagay. Naku, kalimutan mo na iyong sinabi ko sa iyo tungkol sa kaniya kanina ah." sabi nito. "Ayoko nga, sasabihin ko sa kaniya na sabi mo na ang hot na hot ng abs niya." "Nakuuu Gabriel, waggg. Nakakahiya." pagmamakaawa nito. "Bala ka diyan." sabi ko nalang saka ako dumiretso sa table para sana kumuha ng pagkain.

Nang makarating ako sa table ay kumuha muna ako ng plato sa gilid saka naman tumabi sa akin si Jelay at kumuha na rin ng plato. Dumiretso kami agad sa lechon at kumuha ng malutong na balat. Nang matapos akong makakuha ng mga gusto kong pagkain which is kanin, lechon, fried chicken, at adobo.

Naghanap kami ni Jelay ng bakanteng upuan at nakakita naman kami sa may dulo na part at dito kami ay dumiretso na. Mayroong anim na upuan sa bawat mesa, wala pang nakaupo rito dahil ang unang mesang napuno ay iyong mga nasa malapit sa long table.

"Ganito ba talaga ka bongga rito kapag may handaan?" "Ay naku, oo naman, kapag may birthday nga eh mas bongga pa." sagot naman ni Jelay saka sumubo ng lechon. Sumubo na lang rin ako at tahimik kaming kumain, o ako lang pala kasi kahit na kumakain ang daldal pa rin ni Jelay.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsubo ng may tumabi sa akin, medyo nagulat naman ako sa presensya niya. "Oy Pako." May dala siyang platong puno rin ng pagkain. "Gutom na gutom ka ano." sabi ko rito sabay tingin sa kaniyang plato, tinignan niya ito saka siya nagkamot ng kaniyang batok, isang sign na nahihiya siya.

"Oo, nagutom ako sa biyahe eh. Eh ikaw, ba't ang liit naman ata niyang laman ng plato mo, diet ka ba?" sabi niya sabay tingin rin sa aking plato. "Oo, nagpapasexy kasi ako." pagbibiro ko naman sa kaniya. "Joke! hahahaha" "Di mo naman na kailangang magpasexy pa eh." "May sinasabi ka?" tanong ko rito ng marinig kong may binubulong ito. Umiling naman siya at tinuloy na ang pagkain, ganoon rin ako.

Nilingon ko si Jelay sa aking tabi at natawa naman ako sa mukha nito, sobrang pula na kasi, nahihiya, akala niya siguro sasabihin ko talaga kay Pako iyong sinabi niya kanina. "Hoy!" pagkuha ko sa pansin niya. Tumingin naman ito sa akin na parang nagmamakaawa. "Hindi ko sasabihin sa kaniya." bulong ko sa kaniya, natawa naman ako sa reaksyon niya dahil parang nabunutan siya ng tinik.

"Pako, si Jelay pala" pagpapakilala ko naman sa kaniya. "Oo, kilala ko siya, nanay mo si aleng Milagros diba?" tanong ni Pako dito na ikinatango lang naman ni Jelay at parang kinikilig pa talaga. Ilang sandali pa ay natapos na kaming kumain. "Pwede mo ba akong samahan?" tanong ni Pako. "Saan naman?" tanong ko. "Diyan lang, gusto lang kitang masolo." sabi nito na ikinapula naman ng pisngi niya. "Wow, dahil andito ka na sa teritoryo mo hindi ka na nahihiya ah." sabi ko naman na pareho naming tinawanan.

"Jelay, kung hanapin ako, paki-sabi na magkasama kami ni Sir Juancho ah." tumango naman si Jelay saka kami tumayo ni Pako at papunta sa 'di ko alam kung saan. "Kamusta ka naman? Hindi ko akalain na dito pa pala tayo magkikitang muli." sabi nito. "Okay naman ako dito, I felt welcome here. Hindi ko nga rin alam eh at dito pa ako napunta." sabi ko naman. "Paano ka nga pala napunta rito?" tanong nito at sinagot ko naman siya kung paano ako napunta rito sa kanila.

"Ganoon ba, mabuti naman at safe kang nakarating dito." "oo nga eh." sagot ko. Lakad lang kami ng lakad ni Pako at medyo nakakalayo na kami sa mga tao. "Ikaw pala si Juancho, haciendero ka naman pala eh, libre naman diyan." pagbibiro ko rito. "Naku, sagutin mo lang ako sayo na ang buong mana ko." "May sinasabi ka ba?" tanong ko rito ng parang may binubulong na naman na hindi ko naman marinig. Naging bubuyog na ba"tong si Pako? Kanina pa kasi bulong ng bulong eh.

Hacienda del SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon