Si Pako at ang kaniyang Pag-ibig
Gabriel
Tunog ng kabayo sa aking tenga. Sinag ng araw sa aking balat. Alikabok sa aking ilong. Tanawing pumupukaw sa aking damdamin. Haciendang kaygandang pagmasdan.
Magaan. Sobrang gaan. Para akong isang balahibong dinadala ng hangin sa kung saan nito gusto. Literally speaking, I am now lightweight, kasi bitbit ang bigat ng aking katawan ay ang kabayong aking sinasakyan. Puro 'ney' at 'tugudog' lang ng kabayo ang aking naririnig habang kami ngayon ay lumalakbay papunta sa talon.
Kasabay ko ang apat na Salvador. Tahimik lang ako habang sila ay nagdadaldalan at nagtatawanan. Sa 'di kalayuan ay tanaw ko na ang kagubatan na kung saan nakatago ang paraisong bibihag ng iyong puso.
"We're heeree." excited na sabi ni Sir Javier. Nandito na nga kami. Bumaba ako sa aking kabayo at ganoon rin ang apat. Rinig na rinig ko na ang bawat patak, ang bawat agos ng tubig, na nagpapaigting ng aking excitement. Naunang pumasok rito si Sir Alejandro na sinundan ng kaniyang mga kapatid in their birth order and I was last to enter.
Paghawi ko ng mga dahon na parang kurtina at tanaw ko na ang talon ay hindi pa rin maalis sa aking mukha ang pagkamangha rito. Talaga naman biniyayaan ng kagandahan ang talon na ito. Napangiti lamang ako habang nararamdaman kong muli ang mist ng tubig sa na dumadaplis sa aking buong mukha.
Nang makarating kami sa gilid kung saan ay may parang pavement, inilagay namin doon ang aming mga dala. Oo, dala. Pinilit ko sila na magdala kami ng pagkain dahil nakakagutom kaya no. Nagdala kami ng mga tinapay, palaman, kanin, ulam na itlog na sunnyside-up at hardboiled, longganisa, at fried chicken. May dala rin kaming tubig at juice. Para na tuloy kaming magbabarkada na walang budget para mag outing kaya kung ano na lang ang makita sa bahay ay yun ang dala.
Inilatag ko muna ang sapin na aking dala bago ko pinalagay sa kanila ang aming mga dalang tupperwares. "Let's swim!" parang batang sabi naman ni Sir Javier. Minsan talaga naiisip ko na mas matanda ako sa kaniya dahil ganiyan siya. Well, he grew up spoiled, tsaka bunso siya, kaya siguro ganoon. "Tara guys." pag-aaya din ni Pako saka ito tumalon sa tubig kasama si Sir Javier, kapwa sila naka topless at board short lang ang suot.
"Tara Gabriel." aya sa akin ni Sir Nathaniel saka ito naghubad na rin ng kaniyang polo. "Sige po." nasabi ko na lang rito bago ito sumunod sa tubig. Hanggang sa apat na silang nasa tubig. Hinubad ko ang aking longsleeve at pajama, dahil prepared ako ngayon, hindi na ako magpapabasa pa ng damit dahil mabilis akong lamigin. Tumalikod naman ako habang ginagawa ko ito hanggang sa sandong puti na fit sa aking pangangatawan tsaka cycling shorts na parang boxer shorts lang ang length ang natira sa akin saka ako humarap.
Sa aking pagharap ay dito ko nakita ang apat na inilihis ang kanilang paningin mula sa akin at parang tumitingin na lang kung saan maliban sa akin. Huli sa akto, mga loko. Iniayos ko muna ang aking mga damit saka ako patakbong tumalon sa tubig na nagcreate ng malaking splash at natalsikan ang lahat.
"Ahhh lamig." sabi ko ng umahon ako mula sa tubog saka ko iniayos ang aking bangs na bumagsak sa aking mga mata. Nakatingin lang sila sa akin na para akong specimen sa ilalim ng microscope. "What?" tanong ko sa kanila na naka taas slight ang aking mga kilay. Minsan talaga nakakalimutan kong mga amo ko itong kasama ko eh kaya lumalabas ang aking pagkamasungit talaga. Baka masitante naman ako nito.
Kaniya kaniya na kaming lumangoy at ibinusy ang aming sarili sa paglasap ng tubig sa aming mga katawan. "Ang sarap ng tubig, nakakarelax." sabi ni Sir Nathan saka ito lumusong sa tubig. Naisipan ko namang mag float kaya parang humiga ako sa tubig saka ko kinontrol ang aking bigat para hindi naman ako lumubog, float nga. Nakapikit lang ang aking mga mata habang pinapanatili kong nakalutang ang aking katawan at sinubukang i-relax ang aking isipan.
BINABASA MO ANG
Hacienda del Salvador
Roman d'amourIsang binatang pinangarap na umahon sa kahirapan, binatang ginawa ang lahat ng makakaya, pero isang pagsubok ang dumating. Bigo syang makapasa bilang isang agriculturist. Sa hindi ina-asahang pagkakataon, ito pa pala ang mag dadala sa kaniya sa luga...