OCHO: Hacienda del Salvador

209 18 2
                                    

Gabriel

"O sya, tama na yan, ginawa nyo namang artista si Gabriel." Pag-awat naman ni tatay sa kanila. "Eh ang ganda naman kasi ni Gabriel Mang Ador eh." sabi naman ni Andong. "Lalake ka ba talaga Gabriel, baka naman tomboy ka? Mas mukha ka pang babae kesa sa nanay ko eh." sabi din ni Tonyo kaibigan naman ni Andong, kinutusan naman siya ng nanay niyang si Aleng Sol na siyang ikinatawa ng lahat. Mabuti naman at hindi issue sa kanila ang kasarian ko. Halata naman kasi talaga na malambot ako eh.

"Sumakay na nga kayo. Halika na Gabriel" sabi ni tatay. Agad naman silang nagsakayan, isa itong dump truck at kasya naman silang lahat dito. Hindi pa raw ito ang lahat ng tao rito dahil ang iba ay may motor at bisikleta tsaka ang iba rin ay pinipiling maglakad. Sumakay naman kami sa may passenger area ni nanay tsaka si tatay ay sa drayber seat, siya ang magmamaneho.

Habang umaandar kami ay tanaw ko na ang paligid ng Hacienda, napaka-presko at mahangin, nakangiti lamang ako habang pinagmamasdan ito, pagkatapos kasi ng area ng mangga ay iba't-ibang uri naman ng prutas ang makikita mo. Matapos ito ay pumunta naman kami sa may tubuhan at may bumaba na. Malawak rin ang tubuhan. Pagkatapos ay inihatid naman namin ang iba sa may bakahan at manokan. 'Di kalayuan naman mula sa manokan ay ay ang baboyan, sapat na distansya mula sa mga manok dahil bawal kasi silang magsama.

Konti na lang ang natitira sa truck at halos ay mga babae at konti nalang ang lalake. "Alam mo Gabriel, lahat kami ay may nakatokang mga gawain, si nanay Beth mo kasama si Milagros tsaka si Jelay as sa loob ng mansion, marami pa ang nasa loob ng mansion pero mga stay-in ang iba. Ako naman ay doon sa prutasan, pero kapag maghaharvest na, lahat ay nagtutulungan na dahil sa lawak nitong Hacienda ay aabutin ng siyam-siyam kung sa nakatokang gawain ka lang." pagkukwento ni tatay.

"Eh ako po, saan po kaya ako?" tanong ko naman. "Si Don Lucio ang nagtotoka ng mga gawain, kung saan ka niya ilalagay ay doon ka." sabi naman ni inay. "Mabait po ba ang amo natin nay?" "Oo naman, siya na yata ang pinakamabait na tao sa buong San Joaquin, hindi siya tulad ng ibang mayayaman." sabi ni nanay. "Mabait siya pero kapag trabaho naman ay seryoso siya at gusto niya maayos." dagdag pa ni tatay. "Malapit na tayo."

Sa 'di kalayuan ay makikita mo ang isang napakaganda at malaking mansion. Ngayon palang yata ako nakakita ng ganitong bahay. Tatlong palapag na gusali na tila pang espanya ang datingan. Vintage touch ang architecture ng mansion at kulay puti ito. Sa labas ay may magagandang pagkakahilera ng mga tanim na bulaklak.

Sa tuwing tinitignan mo ito ay para kang bumabalik sa panahon kung saan sinasakop ng kastila ang Pilipinas. Nang makalapit na kami rito ay huminto na ang sasakyan. "Nandito na tayo." sabi ni tatay saka kami bumaba.

"Ang ganda naman ng mansion." sabi ko na 'di mapigilan ang paghanga sa kagandahan ng nasa aking harapan. "Ganyan ang magagawa anak kapag maraming pera." sabi naman ni nanay. Lumakad na nga kami papuntang harapan ng mansion. May bigla namang kumapyot sa aking braso at nakita kong si Jelay pala. "Naku sana Gabriel sa loob ka matoka para magkasama tayo." sabi niya. "Naku ayoko." "Ha, bakit naman?" "Ayaw ko sayo ang ingay mo kasi." sabi ko na ikinatawa lang nila. "Biro lang." sabi ko pa.

"Binibiro mo na ako ah." sabi ni Jelay habang nakabusangot ang mukha. Nang makarating kami sa harap ng mansyon ay may hagdan pa ito mga limang baitang ata, may makikita namang mga lalake sa labas at nag-ayos ng mga bulaklak. Nakumustahan naman silang lahat at nahuhuli ko ring tumitingin sila sa akin.

Nang makarating kami sa taas ay mas lalo akong humanga sa ganda na interior ng mansion. Malawak ang bukas ng mansion at parang wala naman ata itong harang kaya napakahangin sa loob. Bubungad sa iyo ang malawak na sala, mayroong mga sofa na mukhang sobrang lambot at mamahalin, mayroon ring mga taong naglilinis rito. Mayroong mga malalaking banga at mayroon ding mga mamahaling halaman. Sa taas naman ay may isang malaking chandelier na gawa sa ratan at talaga namang napakaganda nito.

Hacienda del SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon