DEICENUEVE: Visitante

176 14 3
                                    

Bisita

Gabriel

Linggo ng umaga at maaga kaming nagising. Habang kami ay nagkakape at kumakain ng pandesal sa labas ng aming bahay ay may dumaan na tricycle, nakakapagtaka lang dahil wala namang tricycle dito pwera nalang kung galing sa labas. Ahh baka may bagong dating. Sabi ko sa sarili ko saka ko inabala ang pag-inom ng kape.

"Ngayon pala ang dating ni Jelly." Turan ni nanay sa aking tabi. Napatingin naman ako sa kaniya. "Sino nay?" "Si Jelly, kapatid ni Jelay." Imporma nito sa akin. Nagkibit balikat nalang ako. Ah oo nga pala, bigla kong naalala, sabi noon ni Aleng Milagros ay may isa pa siyang anak.

"Ah anak, ngayon pala ako bibili ng mga materyales para sa kwarto mo tutal ay linggo ngayon." Turan ni tatay. "Talaga po, samahan ko na po kayo." Sabi ko dito. "Huwag na, kami na lang ng nanay mo at pumarito ka nalang." Sabi nito. Tumango lang ako.

Itinuloy lang namin ang aming pagkakape. Nitong mga nakaraang araw ay tinotoo nga ni Pako iyong sinabi niya. Ang pangliligaw sa akin. Hindi ko naman sinasabing hindi ako kinikilig dahil talaga namang para akong linta na binubudburan ng asin at sobra pa sa mga kiti-kiti kung kiligin pero patago. Hindi ko pinapakita.

Lagi siyang pumupunta sa kwadra at tinutulungan akong magpaligo ng mga kabayo. Magpakain, magpainom, at mag lakad-lakad. Nangangabayo rin kaming dalawa at pumapasyal sa hacienda sa tuwing wala na akong trabaho.

Masaya kami at inienjoy lang ang aming bonding. Hindi ko pa iniisip ang future kung saan alam ko na tatanungin niya ako sa sagot ko sa panliligaw niya. Sa ngayon ay hahayaan ko munang makilala ko siya ng tuluyan at hahayaan ko ang puso ko na magpasiya.

Naalala ko bigla may kukunin pala ako kay Jelay. Mamaya ko na lang siguro kukunin pag makaalis na sila nanay.

Matapos silang nagkape ay nagpaalam na nga sila na aalis na at dadaan pa raw sila ng palengke. Pagkaalis nila ay iniligpit ko lang ang mga pinagkapehan namin at inilagay ito sa loob. Naisipan ko na ring magsaing para lag-uwi nila nanay ay ulam nalang ang lulutuin. Matapos akong magsaing ay naisipan kong pumunta kila Jelay peri bago yun ay hininaan ko muna ang apoy baka masunog iyong niluluto kong kanin.

Lumabas ako ng tarangkahan namin saka ko binagtas ang daan papunta kila Jelay. Alas sais palang ng umaga kaya malamig ang hangin. Medyo basa ang mga damo dahil sa natural nitong resulta sa condensation na tinatawag namang dew ang moisture nito. Bilang malapit kami sa mangga ay nakikita ko na rin na hitik na ito sa bulaklak at nalalapit na ang pamumunga nito.

Masarap talaga ang simoy ng hangin dito sa hacienda, napaka-sariwa. Konting lakad pa ang ginawa ko at tanaw ko na ang bahay nila Jelay. Ang tricycle kanina ay umandar na at paalis na ito. Magkakalapit lang ang mga bahay dito at nakalinya, iisa lang ang mga daanan namin.

Binabati naman ako ng mga kapitbahay namin na nasa kanikanilang mga bahay, binabati ko rin sila with matching smile pa. Natutuwa ako sa kanila dahil kahit halos isang buwan palang akong naririto ay parang magkakilala na kaming lahat ng higit pa sa taon. Na miss ko tuloy ang mga kapitbahay ko roon sa Manila, kamusta na kaya sila?

Nasa harap na ako ng bahay nila Jelay, sa may gate ako naka pwesto. May lalaki sa bahay nila, mukhang yun ata yung kakarating lang. Mukhang busy sila, siguro mamaya ko nalang kukunin. Napagdesisyunan ko ng umalis at bumalik sa bahay.

"Psst." Rinig ko mula sa bahay nila. Napalingon naman ako rito. "Anong kailangan nila?" Tanong nung lalaki. Tinignan ko siya, hindi siya lalaki, sabi ko sa sarili ko. "Si Jelay po?" Tanong ko rito. Hindi naman nakaligtas sa akin ang bahagyang pagtaas ng kilay nito. "Jelay, may bisita ka." Rinig kong tawag nito sa kapatid.

Dito ko nakita si Jelay na lumabas ng bahay nila. "Gabriel. Halika pasok ka." Sabi nito saka ako pumasok sa tarangkahan nila. "Naparito ka?" tanong nito. "Yung hihiramin ko sana." "Ah wait kukunin ko lang, pasok ka muna." sabi nito saka kami pumasok sa bahay nila. Dito ko napansin ang nanay nila na nakaupo sa kanilang mesa at nagkakape. Si Jelay naman ay dumiretso sa kwarto nito.

Hacienda del SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon