Goodbye and Hello
Gabriel
Natagpuan ko ang aking sarili sa parke kung saan ako ay nagtatrabaho, sa 'di kalayuan ay may nakikita akong isang truck na may tao sa loob nagluluto, sa harap naman nito ay mga lamesa at upuan na pinupuno ng mga taong masarap na kumakain. Tasty Truck, ang aking naging tahanan at hanap-buhay sa loob ng tatlong taon. Ito ang bumuhay at nagpa-aral sa akin. Nang dahil dito ay nakapagtapos ako ng pag-aaral.
18 taong gulang ako noon, kasalukuyang first year student, nakatira ako sa aking tiyahin, tiniis ko ang pagmamaltrato na siya sa akin dahil siya ang nagpapa-aral sa akin. Ginawa ko lahat ng mga utos niya kahit minsan ay hindi ko na kaya.
Araw-araw niyang pinapa-alala sa akin na siya ang bumubuhay sa akin kaya dapat lang na ayusin ko ang pakikitungo sa kaniya at hindi ako dapat magreklamo sa lahat ng pinapagawa niya. Mayroon siyang karinderya at isa akong serbidor doon, naghuhugas rin ako ng plato at naglilinis ng lugar. Minsan madaling araw na ay nagtatrabaho pa rin ako at pagkatapos noon, nung siya'y matutulog na, ako naman ay nag-aaral. Pero may isang pangyayari na nagtulak sa akin na tuluyan ng umalis at iwan siya.
Nasa tamang edad naman na ako para magtrabaho kaya naisip kong umalis na at maghanap nalang ng ibang trabaho para may pantustos ako sa aking pag-aaral. Dito ko natagpuan ang Tasty Truck. Tinanggap ako ng amo namin kahit na ako ay working student. Kasabay nito ay nakatagpo ako ng pamilya sa anyo ng aking mga katrabaho, lalo na roon si Andrew.
Dalawang taon ang gap ng edad namin, hindi ganoon kalayo kaya naging close kami. Hindi man siya nagpapatawag ng kuya sa akin dahil nakakatanda daw pero isa lang ang alam ko, siya ang naging kuya ko sa loob ng taong magkasama kami, ginabayan niya ko, minahal na parang tunay na kapatid. Siya lang ang lalaking ka-close ko kasi siya lang ang lalaking hindi nagkagusto sa akin, kapag alam ko kasing may gusto sa akin ang isang lalaki ay hindi ko nilalapit ang sarili ko dahil bata pa ako, at hindi pa handing umibig.
Naglakad ako at nakarating malapit sa Tasty Truck. Tanaw ko mula sa aking posisyon si Andrew na nakikipag daldalan kay Cherry. Konti lang ang costumer dahil alas diyes na, mamaya pa darating ang mga customer pagsapit ng alas dose. Bitbit ang aking bag na mas inilapit ko sa aking balikat, humakbang ako papunta sa kaibigan ko. Malapit na ako sa kanila ng mapansin niya ako. Ngumiti siya ng makita ako pero alam kong pansin niya ang lungkot sa mukha ko, makikita sa kaniyang mukha ang pagtataka.
"Gabriel!" sabi nito. Pagsambit palang niya ng aking pangalan ay parang may kumurot ng aking puso, naluluha na naman ako. Lumakad ako at kalaunan ay itinakbo ang pagitan naming dalawa. Umakyat ako at pumasok sa loob ng truck. Dito niya ako sinalubong ng yakap. Ang luhang aking pinipigilan ay tuluyan na ngang lumayas sa aking mga mata. Inaalo niya ako gamit ang kaniyang kamay sa aking likod. Basang-basa na ang kaniyang balikat dahil sa mga luha ko. Pilit ko itong pinipigilan pero letche lang at ayaw nitong tumigil eh. Hindi ako nagpapakita na umiiyak ako dahil nakilala nila akong matapang. Pero kasi kay Andrew nalalabas ko ang aking pagiging mahina, siya lang ang taong aking kinikilala bilang kuya na talaga.
Inangat ko ang aking paningin dahil mas matangkad siya sa akin. "Hindi ako nakapasa Andrew. Hindi ko natupad ang pangarap ko." Humahagul-gol na litanya ko. Niyakap niya ako sa kaniyang bisig at umiyak ulit. Hindi siya nagsalita at hinayaan lang ako, ramdam ko ang presensya nya at sa bawat haplos niya sa aking likod ay para siyang nagsasabing "Umiyak ka lang, nandito lang ako para sa'yo."
Ilang sandali pa ay tumahan na ako. Binigyan naman ako ng tubig ni Cherry na pinasalamatan ko naman. Ininom ko naman ito agad dahil nauhaw ako kakayiak. "Can I talk to you?" tanong ko kay Andrew. Tumango naman siya saka kinuha ang aking bag na hindi ko namalayang nahulog at nasa sahig na at inilagay ito sa upuan. Inaya niya ako sa likod ng truck upang makausap habang si Cherry naman ay may inaasikaso na kadadating lang na costumer.
BINABASA MO ANG
Hacienda del Salvador
RomanceIsang binatang pinangarap na umahon sa kahirapan, binatang ginawa ang lahat ng makakaya, pero isang pagsubok ang dumating. Bigo syang makapasa bilang isang agriculturist. Sa hindi ina-asahang pagkakataon, ito pa pala ang mag dadala sa kaniya sa luga...