Flower of Love
Gabriel
Matapos akong magamot ay pinauwi na muna ako nila nanay at pinagpahinga. Bandang hapon nang makarating ako sa bahay, ako lang mag-isa noon kasi may tinatrabaho pa sila nanay at tatay. Tumambay lang naman ako sa sala at nagpapahangin roon habang iniisip ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Iniisip ko kung paano nahantong sa panliligaw ang pagkakaibigan namin ng mga amo ko. Dahil hanggang sa ngayon hindi pa rin ako masiyadong makapaniwala, sa itsura ba naman ng mga iyon.
Nang maggabi na ay nabalitaan ng mga kaibigan ko ang nangyari sa akin kaya naman ay dinalaw nila ako rito sa aming bahay. Ang o-oa nga eh, na sprain lang naman ako malayo naman 'to sa bituka kung maka-asta naman sila para na akong mamamatay.
Kasalukuyan kami ngayong narito sa labas ng aming bahay tumatambay. Kasama ko sina Jelay, Andong, at Tonyo. "Ano ba kasing nangyari sa iyo at na lumpo ka?" tanong naman bigla ni Andong. "Grabe ka naman sa lumpo pwede bang na pilay lang?" dagdag naman ni Tonyo na siyang ikinalala pa. "Ano ba kayo, sprain kasi, na sprain siya, ang OA niyo naman" pagsaway pa sa kanila ni Jelay na siyang ikinatawa ko naman. Kahit kalian talaga tong tatlong to eh.
"May dumapo kasing palaka sa paa ko eh, natakot ako kaya ayun, nagtatatalon ako para matanggal iyong palaka" pagsumbong ko sa kanila. "Sus, palaka lang naman pala, natatakot ka doon?" turan ni Tonyo. "Eh kami nga, kinakain namin iyon eh, ang sarap kaya" dagdag pa ni Andong saka sila nag-apir ni Tonyo. "Eh bakit ba, eh sa takot ako doon eh" sagot ko naman sa kanila, "sabagay wala naman palang ganoon sa manila" pagiintindi naman nito sa akin.
"Ano, iinom nalang natin 'yan tara?" pagtawa naman ni Andong. "Kayo talaga, basta inuman ang bibilis niyo, kita niyo namang may dinaramdam ang tao" saway ni Jelay sa dalawa, "oo nga naman Gabriel, inom nalang natin iyan haha" dagdag niya pa na siyang ikinatawa namin, "isa ka pa" suway ko naman.
"Naku baka huwag na muna, inatasan kasi akong tumulong sa pagdidisenyo ng kubo para sa kompetisyon eh" pagdadahilan ko naman "Eh ganoon ba, sige tulungan ka nalang namin, total wala naman kami masyadong ginagawa sa hacienda eh" pag-aalok pa ni Tonyo. Sumang-ayon naman sila, "Oo nga Gabriel" ganoon din si Andong. "Tsaka ipa-pasyal ka din namin sa Sentro, may mga kaibigan rin kami roon, pakilala ka namin" sabi ni Jelay na siyang ikinagalak naman ng dalawa.
Natuwa naman ako sa alok nila kaya agad akong tumango at pumayag "sige, salamat ah" sabi ko naman. "Oo naman ikaw pa ba?" wika ni Jelay. "Oh siya, dito na kami Gabriel, maaga pa tayo bukas" Biglang paalam naman ni Jelay napatayo naman sila at ganoon rin ako. Maayos naman na ang paa ko at nailalakad ko na rin ito. "Sige, salamat sa pagbisita, ingat kayo ha" sabi ko naman sa kanila.
"Syempre naman, ikaw pa ba?" si Andong. "Ayaw mo talagang uminom?" biglang sabat naman ni Tonyo kaya naman nakatikim siya ng batok kay Jelay. Sa tangkad ba naman ni Tonyo ay naabot pa siya ni Jelay, "ikaw talaga, sige Gabriel dito na kami" paalam ni Jelay saka niya pinaghihila ang dalawa kasi gusto talagang uminom. Natawa naman ako sa kanila saka ko sila hinatid ng tingin. Nang maka-alis na sila ay saka naman ako umakyat sa aming bahay saka dumiretso sa aking kwarto saka nagpahinga dahil maaga pa ako bukas.
◇
Kinabukasan, maaga kaming pumunta sa sentro, hinatid kaming apat ni tatay doon matapos niya maihatid lahat ng trabahador doon sa hacienda. Ang kubo competition ng San Joaquin ay matagal nang ginanagawa ng mga tao at nialalahukan ng Hacienda del Salvador. Ito raw ay sumisimbolo sa tatag at tibay ng mga tao at ng kanilang tahanan na kahit anong problema man na dumating sa kanila ay naniniwala silang malalampasan nila ito sa pamamagitan ng bayanihan at pakikipag-kapwa tao.
Huling araw na ito ng paghahanda para sa pista dahil bukas na magaganap ang unang araw nito. Kailangang matapos na namin ang aming kubo ngayon. Pagkarating namin sa sentro ay namangha nalang ako sa ganda nito. Kumpleto na ang bandiritas, mga flags at iba pang mga disenyo. May nakaset-up na rin na maliit na stage para sa gaganaping singing and dancing contest. May pa 1 day league ng volleyball at basketball din kaya naman nakaka excite talaga.
BINABASA MO ANG
Hacienda del Salvador
RomanceIsang binatang pinangarap na umahon sa kahirapan, binatang ginawa ang lahat ng makakaya, pero isang pagsubok ang dumating. Bigo syang makapasa bilang isang agriculturist. Sa hindi ina-asahang pagkakataon, ito pa pala ang mag dadala sa kaniya sa luga...