DEICESÉIS: Verdadero Amigo

179 16 3
                                    

Kaibigang Tunay

Gabriel

"Daan muna tayo ng mansion at magpapaalam tayo kila nanay." sabi ko kay Jelay. "Tara." sagot nito saka kami dumiretso dito. Kapwa kami nagbabatuhan ng mga asaran namin sa isa't-isa at tumatawa hanggang sa makarating kami sa mansiyon.

Pagkatapak namin sa mansion ay dito namin natagpuan si Dyosa na naglilinis. Isa sa mga kasambahay ng mansion. "At ano sa tingin ang ginagawa ninyo at hindi kayo nagtarabaho aber?" tanong nito sa amin habang kasing taas ng mount everest ang kilay nito. Halos magkakaedad lang rin kami nito. May pagka maldita rin talaga tong isang to.

"Tapos na, tsaka gagala kami." malditang sabi rin ni Jelay rito. "Anong karapatan niyo para gumala-gala ha, may-ari ba kayo ng hacienda?" dagdag pa nito. "Alam mo kesa magmaldita ka diyan ay sumama ka nalang kaya sa amin." alok ko naman rito dahil hindi naman ako naaapektuhan sa mga pagmamaldita nito. "Ayoko ngang sumama sa inyo." pagmamatigas nito. "Edi 'wag." sagot ni Jelay saka ako nito hinila at iniwan na namin si Dyosa.

Kumaway na lang ako rito at ngumiti saka naman ako nito tinarayan at tinaasan ng kilay na akin lang namang idinaan sa tawa. Hindi naman kasi umuubra sa akin ang katarayan niya, tsaka alam kong mas mataray ako sa kaniya kaya hindi ko na lang siya papatulan hanggang sa hindi naman gaanong kasama ang ginagawa niya sa akin.

"Akala mo kung sino maganda, dyosa nga pangalan maligno naman ang ugali." naiinis na sabi naman ni Jelay na ikinatawa ko lang at natawa na din siya hanggang sa nagtawanan na lang kaming dalawa.

"Nay, alis kami ni Jelay." paalam ko kay nanay ng makarating kami sa kusina kung saan sila nagtatrabaho, "Saan kayo anak?" tanong nito sa akin. "Ipapasyal ko lang siya dito Nay Beth." singit naman ni Jelay sa usapan namin. "Tapos na ba kayo sa inyung mga trabaho?" Pagsingit rin ng nanay ni Jelay. "Opo." kapawa namin na sagot. Tumango lang naman ito bago kami binugaw na parang makukulit na mga langaw.

"Saan ba kasi tayo?" tanong ko rito ng kami ay pababa na ng hagdan. "Diyan sa mga prutasan lang. O kaya ay pumitas tayo ng mangga." masiglang sabi nito. "Pwede ba?" tanong ko rito. "Oo naman no." "Let's go." nasabi ko na lang at nagpatianod na sa kaniya.

Hindi naman gaano kalayo itong mga puno ng prutas sa amin. "Ang layo nung mangga Jelay eh malapit lang sa bahay natin yun eh." "Oo nga no, maglalakad lang pala tayo, dito na lang tayo." sabi naman nito ng makarating kami dito sa area ng fruit crops.

Sa kinaroroonan namin ay may iba't-ibang mga puno ng prutas na magkahalo ang pagtatanim o ang tinatawag na intercropping. May mga bayabas, langka, atis, marang, at macopa. "Frenny kuha tayo nitong bayabas oh, ayun." turo niya sa isang malaking bayabas na 'di niya abot. Tumingkayad naman ako ng kaunti saka ko ito kinuha.

"Jelay, Gabriel. May sungkit doon baka gusto niyo." si Kuya Aljon na isa sa mga nagbabantay dito. "Pahingi kami kuya Aljon ah." sabi ko rito sabay turo sa bayabas sa aking kamay. "O sige, kumuha lang kayo riyan."

Marami pa kaming mga kasama rito na kakilala rin namin lahat. Busy din sila sa kanikanilang mga gawain. Habang kami'y kumukuha ng mga bayabas at macopa ay may nariring kaming tunog ng takbo ng mga kabayo na papalapit sa amin.

Ilang sandali pa ay nakarating na nga malapit sa amin ang mga kabayo at lulan nito ang mga amo namin dito sa hacienda. "Magandang umaga sa inyo." bati ni Don Lucio ng makababa ito sa sinasakyang kabayo. "Magandang umaga din ho Don Lucio." bati rin ng mga empleyado.

"Kamusta kayo rito?" Dito na nga nagkumpulan ang mga trabahador ng prutasan habang kami naman ni Jelay ay kapwa nanatili lang sa aming pwesto malapit sa kanila pero nasa likod lamang kami ng kumpol ng mga tao.

"Ayos lang naman po kaming mga nangangalaga dito." Panimula ni Kuya Aljon. "Kaso ng lang ho ay parang may problema po tayo sa mga langka." imporma naman ng isang may edad na na babae, si Aleng Bebeng. Tinanguan naman ito ng ilan pang mga empleyado. Bakas sa kanilang mga mukha ang concern para sa mga tanim.

Hacienda del SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon