TRES: Solo un Amigo

356 14 1
                                    

Just Friends

Gabriel

Maaga akong nagising, ngayong araw na nga mangyayari ang bagay na pinaghandaan ko ng ilang buwan, ang araw ng LEA. Licensure Examination for Agriculturist ang exam na pinangarap kong ipasa sobrang tagal na. simula first year college pa. Ang LEA ay anim na araw na pagsusulit, bawat araw ay magka-iba ang mga subject.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng higaan ko ng mapahinto ako sa aking ginagawa dahil sa isang kaisipan, paano kung hindi ako makapasa? Natigilan ako at napa-upo sa kama ko. Hindi naman siguro, labis-labis na nga ang pagre-review ko tsaka isa pa, cum laude ko, nararapat lamang na makapasa ako. Sana nga ay umayon sa akin ang tadhana at ibigay sa akin ang bagay na matagal ko nang pinangarap.

I get a hold of my self and started preparing. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina para magsaing. Maliit lang ang bahay ko pero kumpleto naman. Mayroon akong kwarto at dito nakalagay ay isang kama, cabinet, at electric fan. May konting space pa para madaanan. Meron din akong sala na may mga upuan at may lumang tv, mayroon ding maliit na coffee table. Sa kusina naman ay ang lababo, lutuan, at isang 2 chaired-table. Mayroon din akong CR dito sa loob.

Habang inaantay ko ang aking sinaing ay nagluto ako ng itlog at tuyo. Amoy na amoy sa buong kusina ang masarap at maalat na amoy ng tuyo. Nagpa-init na din ako ng tubig para makapag-kape. Nang matapos akong nakapagluto ng ulam at pakulo ng tubig ay naligo na ako. Alas 7 pa ng umaga kaya ay medyo may kalamigan pa ang tubig pero ay tiniis ko nalang. Medyo sanay na rin naman ako sa malamig na tubig pangligo kasi naman minsan meron akong alas 6 sa umaga na klase noon.

Matapos akong maligo ay ibinalot ko na ang aking balakang ang puting tuwalya. Pumasok ako ng aking kwarto na medyo nanginginig pa sa lamig. Agad kong tinanggal ang tuwalya at ginamit ito para punasan ang aking katawan. Nag lotion na rin ako at nagbihis, Fit check; I'm wearing red brief for good luck daw, white polo shirt and beige pants.

Naupo na ako sa upuan matapos kong maihanda ang aking pagkain, nakapagtimpla na rin ako ng aking 3in1 coffee. Masaya kong ninamnam ang aking pagkain lalo na ang tuyo na isasawsaw sa suka. Masarap ang tuyo lalo na't sinamahan ko pa ng kape. Minsan lang naman ako nagka-kape, minsan ay gatas, minsan rin ay tubig tubig lang ganon. Matapos ang isang nakakabusog na breakfast ay tumayo na ako sa aking kinauupuan at inilagay sa lababo ang aking mga pinagkainan para ito ay akin ng mahugasan. Nagsipilyo na rin ako pagkatapos.

Nakita ko ang aking sarili na nasa salamin at naglalagay ng face lotion, ito lang kasi ang ginagamit ko sa mukha ko sapagkat napaka sensitive nito at tinutubuan ako ng tigyawat sa tuwing naglalagay ako ng iba pang produkto sa mukha ko. Nag-ayos na rin ako ng aking buhok. Oo nga't mahirap lang ako pero hindi ko rin naman pinapabayaan ang looks ko. May pagka-maarte rin kasi ako sa katawan eh. Tsaka ito ang puhunan ko sa mundo ano, ganda, eme hahaha. Matapos akong ma-satisfy sa looks ko ay kinuha ko na ang aking bag at lumabas na ng bahay.

Pagkalabas ko ng bahay ay ini-lock ko na muna ang pinto. "Ang aliwalas ng mukha natin ngayon ah." At ayan na nga sila, inumpisahan na ni kuya Robert. "Oo nga Gabriel, parang maganda gising natin ngayon ah." Sinundan kaagad ni Kuya Kadong. "Naku inlab na naman itong si pareng Pako niyan." At napuno nga ng tawanan at kanchaw si Pako. Napatawa na lang rin ako. "Naku tigilan nyo na nga yang si Gabriel. Ngayon ang unang araw ng exam niyan." singit na sabi ni Ate Jona habang nagwawalis, si Ate Jona pala ay asawa ni Kuya Robert.

"Ganoon ba Gabriel?" "Opo. Kuya Kadong." "Ay kung ganoon ay galingan mo ano" sabi ni kuya Robert na aking tinanguan at nginitian. They all wished me a Goodluck, and before I go, "Ah Gabriel hatid na kita." pag-aalok ni Pako na syang kinanchawan naman ng mga tao dito. Bigla namang namula si Pako at tila nahiya pero tumayo na rin pinaandar na ang kaniyang motorsiklo. Sumakay naman ako at hiniritan pa nila na yumakap daw ako, kumapit lang ako pero di naman ako yumakap talaga.

Hacienda del SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon