TREINTA y UNO: El Coraje de Gabriel

192 18 3
                                    

Ang katapangan ni Gabriel

Gabriel

Ang inaakala naming tuloy-tuloy na pagka-panalo ay hindi pala namin makakamit. Kasalukuyan kaming nasa second set at limang puntos na lang ang kailangan ng kabilang team para manalo sa set na ito. Anong problema? Eh kasi 'tong si Jelly parang nababaliw na ata at hindi mapakali, hindi ko na nga malaman kung sa amin ba siya kampi o sa kalaban dahil balak niya pa yatang matalo kami.

Tulad na lamang ngayon, naka-puntos na naman ang kalaban, rinig ang hiyawan ng kabilang kampo habang klaro naman sa mukha ng mga kakampi ko ang pagka-dismaya. Ang salarin, syempre si Jelly, kanina niya pa nilalaro ang bola, parang may sarili siyang misyon. Na touch niya ang bola pero na out ito dahil malakas ang palo tsaka parang sinadya. Ang sketchy niya.

May katangkaran si Jelly kaya siya ay middle blocker, nung una okay naman siya, nakaka-puntos naman, pero nitong second set. Hindi na namin alam ang position niya. Minsan nagiging libero siya at inaagawan niya ng bola ang libero naming si Dalia. Minsan naman siya ang nag si-set ng bola kahit sa akin ito ibinigay ng libero. Pilit niya akong inaagawan ng posisyon dahil sa lahat, ako ang parang binubuwag niya kaya tuloy hindi namin maayos ang game. At habang ginagawa niya iyon ay nakataas ang kanyang kilay sa akin na para bang nanunuya.

Pilit akong iniinis. Pero ako naman, pilit ko na siyang binabasa, ang mga galawan niya, kaya naman poker face lang ako sa kaniya at nginingitian ko naman ang iba kong team mates para kahit ano'y gumaan pa rin ang pakiramdam nila. Kung iniinis niya man ako, hindi niya makukiha sa akin ang realsyong gusto niya. Sinubok na ako ng panahon girl, marami na akong pinag-daanan, matapang na ako ngayon.

Nagpatuloy ang game na ganoon lang ang nangyayari, pilit niya akong inaagawan ng bola na isiset at kung kani-kanino niya iyon binibigay na para bang hindi niya kilala ang mga members at mga posisyon nila. Hanggang sa naka-apat na puntos na ang kalaban at isa nalang mananalo na sila sa set na ito. Nakakainis man pero pilit ko pa ring kinakalma ang sarili ko at itinuon ang atensyon sa laro para magawa ko nang maayos.

“Gabriel set!” wika ni Dalia, habang papunta sa akin ang bola ay namataan ko naman si Aron, tila nakikipag-usap gamit ang mata na sa kanya ko ibigay, tumango ako ng konti saka ako nag focus sa pagkuha ng bola, at nang sasaluhin ko na ito ay biglang “mine!” sabi ni Jelly saka niya kinuha ang bola at isinet ito hanggang sa napadpad ang bola malapit sa akin na tila ba ako ang gusto niya mag spike. Dahil sa pagkabigla sa kanyang ginawa ay hindi ko ito inasahan at bilang gusto kong manalo ng kahit isang puntos man lang, sinubukan ko itong abutin kaso nga lang ay na-out ito dahil sa anggulo ng aking pagka palo. Ah sh*t!

“Second set goes to the blue team! 25-10!” rinig naming wika ng announcer saka sunod na dumagundong ang malakas na hiyawan ng kabilang team at ng kanilang mga taga suporta. Bakas ang lungkot sa mukha ng aking mga ka grupo at kita mo rin ang galit sa mukha ng aming team captain na si Dalia. Napatingin ako kay Jelly at nakita ko siyang nakatingin lang sa akin, nakataas ang kilay at naka ngisi, para bang pinagtatawanan niya ako sa kanyang isip. Hindi ako manhid, at alam ko ang galawan niya. Ako ang inaatake niya para wala akong puntos at mag mukha akong kawawa.

Dahil sa inis ay napansin kong akmang susugurin na ni Dalia si Jelly ngunit napansin din ito ni Aron kaya napigilan niya, agad rin akong nakatakbo sa kanilang posisyon. “Ano ka ba Jelly!” wika na may poot ni Dalia. Kita ang galit sa kaniyang mga mata at si Jelly naman ay tila walang pake. “Capt. ako na” wika ko kay Dalia saka siya pilit na pinapa-kalma, tinanguan ko naman si Aron at hinila niya na si Dalia papunta kung saan nakapwesto ang iba pa.

Mula sa nakangiting ekspresyon ko kanina ay bigla na lang walang makikitang ekspresyon sa aking mukha saka ako tumingin sa kaniya. “Jelly mag-usap nga tayo, doon sa malayo” wika ko rito. Tinaasan niya lang ako ng kilay. “Sino ka para utos-utusan ako? Tsaka bakit hindi na lang dito?” wika niya sa malditang tono. “Sa tingin mo kung pagsasabihan kita, gusto mong mapahiya sa lahat ng taong nandito?” tanong ko sa kaniya sa matapang na tono.

Hacienda del SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon