VEINTI: Espíritu Comunitario

271 18 7
                                    

Bayanihan

Gabriel

Bayanihan. Isang salita, maraming napapasaya. Ang bayanihan ay isa sa mga kultura at ugali nating mga pinoy mula pa noon hanggang sa magpangayon. Yung ikaw ang may problema pero marami ang tutulong sayo para mapagaan ang dinadala mo. Bitbit nating mga Pilipino ang ugaling ito na talaga namang kinakaproud nating lahat.

"Hay sa wakas, tapos na akong mag-ayos ng mga gamit. Makaligo ng nga." sabi ko sa aking sarili. Agad akong kumuha ng tuwalya sa aking kwarto saka ako papasok na sana ng banyo para maligo.

"Tulong! Tulong! May sunog! Sunog!" rinig kong kong sigaw sa 'di kalayuan mula sa akin. Nagitla naman ako kaya agad akong lumabas ng aking bahay upang tignan ang pinanggalingan ng sigaw. Mas nabigla naman ako sa aking nadatnan sa labas, nagsilabasan ang mga tao sa kani-kailang mga bahay at nagkakagulo ang lahat. Dumaan sa amin ang humahangos na babae na sumisigaw ng sunog.

Sa 'di kalayuan ay isang malaking bahay na gawa sa kahoy ang nagaapoy. Dahil dikit-dikit ang mga bahay dito sa amin ay mabilis na kumalat ang apoy. Nagpapanic na ang lahat at ganun din ako. Kalilipat ko lang kasi dito tapos ako lang mag-isa.

Ilang sandali pa ay rinig na sa 'di kalayuan ang sirena ng bombero na papalapit na sa aming lugar. Hindi pa umaabot sa bahay ko ang apoy dahil nasa kabila pa lang ito. Naisipan ko ng mag-alsabalutan ng mga gamit. Mabilis na nakarating ang firetruck sa amin, sa harap ng bahay ko ito huminto at mula dito kanilang pinupuksa ang apoy.

"Ang bahay ko, bilisan niyo. Wala na akong mauuwian." iyak ng isang matanda. Imbis na asikasuhin ko ang mga gamit ko ay lumapit ako sa kaniya at inalo siya. "Manalig lang po tayo." sabi ko naman rito. Napakabilis na kumalat ang apoy. Kita ko naman ang mga tao ay may kaniya-kaniyang dalang mga balde at nagsilinyahan. Pinagpapasa-pasahan nila ang mga balde na may lamang tubig upang makaabot doon sa may dulong bahay na nag-aapoy. Saka sila tumulong sa pagpatay ng apoy sa paraang alam nila.

Kumuha na rin ako ng balde sa loob ng banyo ko at nakilinya sa kanila. Nakatabi ko ang isang lalake na may katandaan na, nakilala ko siya kanina, si Kuya Robert. May lamang tubig na ang balde ko kaya naman agad ko itong pinasa sa kaniya, gayundin ang kabilang katabi ko, matanda rin na may pangalang Kuya Kadong, sila ang mga kapit-bahay ko, ipinasa niya rin ang baldeng hawak niya na agad ko naman ipinasa agad kay Kuya Robert.

18 na taong gulang pa lang ako noon at medyo patpatin pa. Malakas ang pagkakapasa sa akin ng balde dahil nagmamadali kami kaya naman ay nabasa na ako, pero hindi ko na ito ininda dahil wala lang naman ito kumpara sa maitutulong ko sa nasunugan. Mabigat, mabilis, nakakapagod pero nakakataba ng puso na makita ang mga taong nagtutulungan. Sino pa nga ba ang magtutulongan kundi tayo rin lang naman.

Nasa mga kalahating oras namin iyon ginagawa at sa wakas ay tuluyan na ngang napuksa ang apoy. Nagpalakpakan ang lahat ng tao, napapalakpak na rin ako dahil sa galak na mabilis napuksa ang apoy at konting bahay lang ang nasalanta.

Hindi lang doon natatapos ang bayanihan spirit ng mga tao dahil noong umaga ay nagipon kami ng mga konting bigas, de lata at iba pang pagkain para doon sa kapit bahay naming nasunugan. Ilang beses ko ng nasaksihan ang pagiging matulungin nating mga pinoy kaya naman handa akong tumulong sa kung sino man ang nangangailangan sa abot ng makakaya ko at sa paraang alam ko.

Nalala ko noong panahong bagong lipat pa lang ako, ang bayanihan ng mga Pilipino. Naalala ko iyon dahil sa nangyayari sa harap ko ngayon, nagtutulong-tulong sina tatay at ang apat na Salvador sa pagsasaayos ng magiging kwarto ko. Tutulong pa sana ako pero hindi na nila ako pinayagan pa, kaya na daw nila iyon.

Matapos makapagpababa ng pagkain ay sinimulan na ni tatay Ador na baklasin ang isang side ng ding-ding ng sala namin dahil doon iko-connect ang magiging kwarto ko. Agad namang tinulungan sya noong apat, tumanggi pa sana kami dahil nakakahiya naman sa kanila na sila pa ang pagtutulungin namin eh mga amo namin sila. Sabi naman nila ay ayos lang daw at gusto nilang may pagka-abalahan sila.

Hacienda del SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon