Gabriel
Tapos na naming napaliguan ang limang lalakeng kabayo tsaka si Tara. Sa bawat kabayong pinapaliguan ko ay nililinis ko rin ang kanilang kuwadra bago ko sila ibabalik. At ngayon papaliguan ko na si Malik habang si Mang Jun naman ay kay Tala.
Manipis lamang ang damit na suot ko ngayon at may konting pisik na ako. Hila-hila ko si Malik gamit ang tali na naka palibot sa kaniyang leeg. Magiliw na kabayo si Malik, may kalikutan, siguro dahil sa ngayon lang siya naging kumportable sa isang tao. Ang ganda nang kulay niya talaga parang yung mga dyosa na nagiging kabayo sa telebisyon, lalaki nga lang sya.
Itinali ko na siya saka ko binuksan ang gripo at itinuro sa may ulo niya ang hose at dito'y lumabas ang tubig. Habang naliligo siya ay naisipan ata niyang wisikin ako. "Malik!" natatawa kong pagtawag sa kaniya. "Basang basa na ako tuloy." sabi ko at parang tinawanan lang ako ni Malik. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagliligo sa kaniya habang natatawa dahil parang tuwang-tuwa siya na maka ligo.
"Gabriel, may kukunin lang ako sandali ah." "Sige po" Yun lang at umalis na siya. Pumunta naman ako kay Tala at hinimas-himas ang ulo niya para lang makipag-close, magiliw naman itong niramdam ang aking haplos. I didn't know na may gantong touch pala ako sa mga kabayo. Bumalik na ako kay Malik at pinagpatuloy ang pagsasabon sa kaniya.
"Hi." Narinig kong bati sa aking likod kaya naman agad akong tumingin dito at 'di ako makapaniwala sa aking nakita.
Nathaniel Vero Salvador
Palabas ako ng bahay at papunta na ako ngayon sa kwadra para kunin ang kabayo kong si Magnus, maganda kasi ang panahon ngayon kaya naisipan kong mangabayo at maglibot sa hacienda. Habang tanaw ko ang kwadra sa 'di kalayuan ay nakasalubong ko naman si Mang Jun. "Mang Jun" tawag ko rito. "Boss Nathan." "Napaliguan na po ba si Magnus?" tanong ko rito. Sumagot naman ito kaagad pero hindi ko na narinig dahil naagaw ang aking atensyon ng isang lalaki kasama si Malik, pinapaliguan niya ito.
"Sino yung lalakeng yun Mang Jun?" Sinundan niya naman ang aking paningin at pumihit siya patalikod. "Ah si Gabriel, anak-anakan ni Ador at Beth. Bago lang." sabi nito. "Sige po." Sabi ko rito habang ako ay papunta na sa kaniya. Sa malapitan ay kitang-kita ko ang kaniyang napaka-kinis at maputing katawan na kitang-kita mula sa basa niyang damit. Nakatalikod siya sa akin kaya napagpasiyahan kong batiin siya ng makarating ako sa kinaroroonan niya. "Hi."
Lumingon naman siya at tila salamin ang aking tinitignan dahil parehong balot ang aming mukha ng pagkagulat.
"Gabriel?"
"Sir Nathaniel?"
Sabay naming sabi na parang 'di makapaniwala na dito pa talaga kami sa hacienda magkikitang dalawa.
Gabriel
Lumapit sa akin si Sir Nathaniel, gulat na ngumiti kami sa isa't-isa sa aming reunion. "Pa-paano ka napunta rito?" tanong nito. "Mahabang istorya sir eh, 'di po kasi ako nakapasa sa exam." Medyo may kalungkutang sabi ko. "Dito ka na nagtatrabaho?" Tumango naman ako.
"Gusto sana kitang yakapin kaso ay basa ka eh." sabi nito na ikinapula ng aking mukha, hala, basa nga pala ako, tinignan ko ang aking katawan at dito ko napagalaman nakitang-kita pala ang aking katawan nang dahil sa basa kong damit. Namula naman ang aking pinsgi at ramdam ko ang init dito. Natawa nalang din si Sir sa akin. "Pasensya na po Sir Nathaniel ah, malikot po kasi si Malik eh." sabi ko rito habang tinitignan si Malik.
"Mabuti at napaamo mo si Malik, alam mo bang walang kahit sino sa amin ang nakapapaamo sa kaniya." "Oo nga po eh, sabi din ni Mang Jun. Mabait naman siya sa akin." sagot ko rito. "Teka, diba Salvador ang apelyido mo, so ibig sabihin-" "Oo, anak ako ng may-ari ng Haciendang to." putol nito sa sinasabi ko na ikinagulat ko naman. "What a small world." sabi ko rito na ikinatango lang niya.
BINABASA MO ANG
Hacienda del Salvador
RomanceIsang binatang pinangarap na umahon sa kahirapan, binatang ginawa ang lahat ng makakaya, pero isang pagsubok ang dumating. Bigo syang makapasa bilang isang agriculturist. Sa hindi ina-asahang pagkakataon, ito pa pala ang mag dadala sa kaniya sa luga...