Birthday Boy
Gabriel
Ang tanging hiling ko lang ngayon ay sana bumukas ang tinatapakan kong lupa at lamunin na ako nito kasama ng kahihiyan na nananalaytay sa buo kong katawan. Amoy na amoy ko ang sugar sa buo kong katawan. Kumalat ang mga icing nito sa mukha ko at sa mukha ni.. Sir Javier! Hawak niya pa rin ako at nakatingin lang ako sa kaniya. Rinig na rinig ko naman ang shock ng mga tao sa nangyari.
"Oops" rinig kong sabi ng isang tao sa likod ko na kilala ko naman ang boses. Lintik, nakakahiya talaga. "Sir I'm sorry po" paghingi ko ng patawad kay Sir Javier habang tinutulungan ang sarili ko na makatayo. Napatingin naman ako sa mga tao at hawak nila ang kanilang mga cellphone at nakavideo ito. Naku ano nalang iisipin nila? Nakakahiya talaga. "It's okay, it's okay. Gabriel, it's okay" sabi ni sir saka niya pinunanasan ang icing na nakatabon sa mata ko.
"Gabriel, okay ka lang?" tanong ni Pako pagkalapit niya na may pag-aalala sa kaniyang gwapong mukha. Tumango lang naman ako sa kaniya dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko, hiyang-hiya talaga ako at natatakot ako dahil mukhang na sira ko pa yung party. Sayang din yung cake, 2 tier pa naman iyon. "I'm gonna help Gabriel get dressed kuya. Just take care of them for me" sabi naman ni Sir Javier saka niya hinawakan ang kamay ko. "Guys, I'm sorry for what happened. Let's just eat and enjoy the party" pagkuha niya naman sa atensyon ng lahat saka naman tumugtog ang music saka bumalik sa pagkain na ang lahat.
Hawak ako ni Sir Javier sa kamay at nakasunod lang ako sa kaniya kung saan niya ako dadalhin. Nakayuko lang akong naglalakakad at nagpapahila kay Sir Javier. Sa aming paglalakad ay hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari kanina bago ang cake disaster.
Sabay kaming papasok ni Jelay sa garden, mula sa entrance ay dumiretso kami sa isang table kung saan naka upo sila nanay at tatay, ganoon rin si Aleng Milagros. Maingay, masigla, at nagkakasiyahan ang lahat. Hinihintay na nga lang namin ang birthday boy para magsisimula na ang party. Speaking of birthday boy, biglang tumahimik ang lahat ng dumating sila. Nakadikit lang ang aming mga mata sa mga taong kakarating lang at sinusundan ang kanilang bawat gallaw. Nakakapang-agaw ng hininga ang kanilang kagwapohan na tila ba perpektong nililok ang kanilang mga mukha ng mga artist nung sinaunang panahon.
Unang pumasok si Sir Alejandro at napaka-gwapo nito sa kaniyang suot na brown tuxedo na pinaresan ng black inner shirt. Nakaayos ito ng buhok at nagiging kamukha niya si superman o si Henry Cavill. Sumunod rito ay si si Sir Nathaniel na lumilitaw ang kagwapohan sa suot niyang all-black suit, nakasuot rin ito ng salamin kaya naman mas nagiging good boy ang look nito. Pangatlong pumasok ay si Pako. Hindi rin naman papahuli ang kagwapohan nito na imposibleng hindi mapansin. Suot niya ay beige suit at white inner shirt at black pants. Ang huli ay ang hindi papatalong star of the night. Suot ang white suit, black shirt at pants. Malaki ang ngiti nito na pumasok at binabati naman siya ng mga tao.
Matapos kausapin ang mga bisita ay pumunta naman siya sa gitna. "Thank you all for coming and celebrating with me tonight. I'm so thankful for joining me as I celebrate my 24th birthday. We've all come a long way. I'm just so happy to see your beautiful and handsome faces tonight. Let's party, have a good night. And enjoy" nagpalakpakan naman ang lahat kasama na rin kami. "Napakagwapo ni Sir Javier ano, kamukha niya talaga yung crush kong thai actor na si Luke Voyage" rinig ko naman si Jelay sa tabi ko. "Hala oo nga, kamukha nga niya si Luke lalo na sa tuwing ngumingiti siya at nawawala ang kaniyang mata sa singkit nito" pagsakay ko naman sa kaniya.
"Gabriel" pagtawag sa akin ni Sir Diego ng makalapit siya sa akin. "Pwede ba akong padala ng isang cake doon sa harap para I-blow ni Sir" sabi niya na sinagutan ko lang ng "Sige po" saka ako tumayo at dumiretso sa lamesa kung saan may apat na cake, kinuha ko yung kulay white na 2-tier cake at ito lang yata ang kaya kung dalhin. Kasabay ng aking paglalakad ay lumapit din ang mga bisita ni Sir Javier at pumalibot sa kaniya sa harapan para makikanta ng birthday song. Nakita ko rin malapit sa may gilid ng backdraft sina Dyosa at Jelay na nakatingin lang rin sa akin saka nagbulungan sa isa't-isa sabay tingin sa akin ng nakakaloka. Ngumiti din sila at nagmumukha silang mga evil queens sa Disney na may balak na patayin ang mga prinsesa.
BINABASA MO ANG
Hacienda del Salvador
RomantikIsang binatang pinangarap na umahon sa kahirapan, binatang ginawa ang lahat ng makakaya, pero isang pagsubok ang dumating. Bigo syang makapasa bilang isang agriculturist. Sa hindi ina-asahang pagkakataon, ito pa pala ang mag dadala sa kaniya sa luga...