The Birthday Party
Gabriel
Maaga kaming nagising. Mga alas 5 ng umaga, dahil maghahanda pa ang lahat dahil sa kaarawan ng bunso ng mga Salvador. 'Di ko alam kung matatawa ako o maiinis dahil kahapon, pagkarating namin ng mansiyon galing palengke, pinuntahan niya ako sa kwadra, napakakulit. Sabi niya ay bukas na ang birthday niya at gusto niya na ang regalo ko sa kaniya ay kiss. Hindi ko rin alam kung ibibigay ko, dahil never been kissed pa naman ako, never been touched, like a virgin. Bahala na. Hindi niya talaga ako tinigilan.
Babangon na sana ako sa higaan ko ng napansin ko ang bulaklak na nakalapag sa mesa ko rito sa kwarto. Kakapitas lang nito kahapon at nanghihina na ito ngayon. Dala naman ng bulaklak na ito ang alaala ng nangyari kahapon.
Sa kwadra, kung saan malapit nang sakupin ng dilim ang liwanag, naghahati ito at ang liwanag ng buwan ay nagbabadya ng ipakita ang kaniyang ganda. Kulay kahel ang kalangitan na sinamahan ng konting kulay rosas, napaka-romantic kung tutuusin. Nakatayo ako sa malapit sa kwadra kung saan naninirahan ang mga alaga kong kabayo. Nakatayo naman sa harap ko ay ang lalaking tumawag sa aking pangalan. Ang kaparehong lalaki na kasama ko kanina sa palengke.
"Sir? Bakit po?" takang tanong ko sa kaniya nang ilang sandali na siyang nakatayo roon na para bang may internal battle syang pinagsasaluhan nila ng kaniyang sarili. "Gabriel" pagtawag niya sa pangalan ko na halos hindi ko marinig dahil sa hina nito. "Sir Nathaniel" pagtawag ko naman sa pangalan niya. Bakit naman parang kinakabahan to na para bang natatae na ang mukha nito.
"IlikedyounoithinkialreadyloveyouI-IdontknowwhatIactually--" "Sir, relax po, masiyado po kayong mabilis, hindi ko po kayo naiintindihan sir eh" pagputol ko naman sa rap nito. "Huminga po kayo ng malalim" sabi ko dito sabay motion sa kaniya na mag inhale exhale gamit ang pagtaas at pagbaba ng dalawang palad ko na, sinunod niya rin naman. "Hooh...Haah...Gabriel" tawag nito sa pangalan ko na sinagot ko din naman ng pagbigkas ko ng pangalan niya "Sir Nathan."
Humakbang siya papalapit sa akin habang nakatingin lang sa mga mata ko. Tinititigan ko lang rin siya at inaabangan ang susunod niyang gagawin, o sasabihin. "Gabriel, you are an amazing person, everything about you is admirable, you're courageous. You're brave. You are a very helpful person. You are beautiful beyond words. Words in the dictionary isn't enough to describe how beautiful you are" mahabang litanya na tinigil ko naman nang kinabahan ako sa maaring patutunguan nito. "Teka Sir, mapopropose ka o ba?" tanong ko dito at nang marinig niya ito, ang kinakabahan at seryoso niyang awra ay napalitan ng smile at konting pagtawa. "Silly. I was about to confess my feelings to you. Hahaha" "Confess. Ikaw magcoconfess?" tanong ko rito na tinanguan niya. Nakahinga naman ako ng malalim. "Akala ko po kasi magpopropose ka na eh. Okay po, take two take two" sabi ko rito na tinawanan lang niya. "Gusto mo bang diretso na ako propose" sabi niya naman sabay akmang luluhod na sana na agad ko namang pinigilan. "Ay Sir no, okay na po ako sa confess hehe, tuloy nyo na po" nasabi ko lang rito, matapos ay nagseryoso na ulit siya.
" I wouldn't make this long. Gabriel, I like you. No scratch that, I think I already love you." sabi nito na ikinashock naman ng braincells ko. "You made me feel things that I never felt before. You do things to me that you only can do. You make my heart beat erratically in the way you blush and the way you smile. How I wish that I am the solely reason behind your smiles. I need to get this out of my system. I need to tell you this. You make me like you. You make me love you. Please let me express my feelings to you. Please let me show how I sincerely, deeply, genuinely love you hooh" mahabang litanya nito.
Nakatitig lang siya sa mga mata ko habang binibigkas ang mga katagang galing sa kaniyang damdamin. Sa bawat bigkas niya ng salita ay ramdam ko ang sinseridad sa kaniyang boses. Paano ko bang nagawang magustuhan ng lalaking ito. Mabilis na tumitibok ang aking puso at kasabay nito ang pag-init ng aking mga psingi. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

BINABASA MO ANG
Hacienda del Salvador
RomanceIsang binatang pinangarap na umahon sa kahirapan, binatang ginawa ang lahat ng makakaya, pero isang pagsubok ang dumating. Bigo syang makapasa bilang isang agriculturist. Sa hindi ina-asahang pagkakataon, ito pa pala ang mag dadala sa kaniya sa luga...