ONCE: El Regreso

205 14 4
                                    

Ang Pagbabalik

Gabriel

Natapos na nga ang aking unang araw sa trabaho. So far so good. Nag-eenjoy naman ako sa ginagawa ko. Masaya rin ako na naririto sa hacienda dahil malapit ako sa nature. Hindi ko man nagampanan ang pagiging agriculturist ay pwede ko pa naman itong maranasan rito.

Hindi ko akalian na may lugar pala na gaya nito na maaari kong maranasan na maging malapit sa nature. Ang makalanghap mg sariwang hangin sa probinsya at manirahan ng mapayapa ay matagal ng hinihiling ng aking puso, malayo sa usok ng siyudad at polusyon.

Isa pa sa hindi ko inaasahan ay ang makatagpo ng pamilya, na kahit hindi ka nila ganoon kakilala ay handa silang tanggapin ka. Siguro ito yung rason kung bakit ako napunta rito, ang makaranas na magkaroon ng pamilya.

Nang mag-umaga na ay binungad kami ng isang anunsyo, darating na raw ang ikatlong anak ni Don Lucio na si Juancho at magkakaroon ng handaan para sa kaniyang pagdating. Madali kaming nag-agahan at pagkatapos ay pumunta na kaming lahat sa mansiyon. Nakarating kami rito ng mga alas sais ng umaga.

Pagdating namin ay deretso trabaho na kaagad ang mga tao. Sa loob ng mansiyon ay abala ang lahat sa paglilinis at pagsasaayos. Sa kusina naman ay busy rin ang mga tao sa pagluluto kabilang na roon sila nanay at Jelay. Sa labas naman, sa may dirty kitchen ay may naroroon ring nagluluto. Sa wari ko ay may lechon dahil may nakikita akong dalawang baboy na kinakatay. Kumakalat ang usok sa paligid mula sa mga sinisilabang kahoy na gagamitin sa pagluluto.

Ang mga tao ay busy sa kani-kanilang mga trabaho, mayroong mga naghahalo ng mga pagkain sa malalaking kaldero, mayroong mga naghihiwa ng mga prutas, gulay, at karne, merong nagkakatay ng mga baboy at habang ginagawa nila iyon ay kita sa kanilang mga mata ang saya nila sa kanilang mga ginagawa. Ang laki ng handaan dito, sabagay marami rin naman ang kakain. Mabuti naman kung ganoon dahil malalaman mo talaga na mabait at mapagbigay na amo si Don Lucio.

Sa tingin ko ay wala naman akong maitutulong sa kanila kaya ay pumunta na lang ako sa kwadra para magpakain ng mga kabayo. Tatapusin ko muna ang aking trabaho bago ako tutulong sa kanila mamaya. Pagkarating ko ng kwadra ay natagpuan ko nga si Mang Jun na nagpapakain na ng mga kabayo. Lumapit naman ako sa kinaroroonan niya at kumuha na rin ako ng tamang dami ng dayami para ipakain sa mga kabayo.

Una kong pinakain ay si Machete dahil ang naunang tatlong kabayo ay tapos ng makakain. Ganoon pa rin ang aking routine sa pagpapakain, hinahaplos sila at kinakausap kahit alam ko namang hindi naman sila sasagot sa akin, aba'y magtatatakbo siguro ako kung sakaling magsasalita sila.

"Magandang umaga sa iyo Gabriel." rinig kong bati ng isang malalim na boses ng lalaki sa akin. Nagulat naman ako dahil ako lang naman ang tao dito sa loob at hindi ko pa naman napansin na nakapasok na si Mang Jun dito. Tinignan ko naman si Machete at dahan-dahang tinaggal ang aking pagkakahaplos sa kaniya. Inangat niya rin ang kaniyang ulo tsaka akong nginitian.

"Teka, hindi naman siguro ikaw ang nagsasalita diba?" tanong ko rito na nagsisimula ng mamuo ang takot sa aking dibdib. Jusko naman, nagsasalita ba talaga 'tong kabayong to?" "Ako to si Machete." tunog muli ng kaparehong boses kanina. Hindi ko naman makumpirma kung talagang si Machete iyon dahil bumalik naman na siya sa pagkakayuko at hindi ko nakitang bumuka ang kaniyang bibig.

Hindi ko na talaga malaman ang aking nararamdaman at mas lalong lumalaki ang takot sa aking puso, kinakabahan na ako at malapit na talaga akong maiyak. Dahan dahan akong umatras mula sa kwadra habang nakabantay kay Machete.

"Baaah!" Biglang panggulat ng taong lumabas mula sa kwadra ni Macho na akin namang ikinatili. "AHHHHH" tili ko habang nakapikit at nabato na sa aking kinatatayuan. Sunod ko namang rinig ay ang paghalagapak ng tawa mula sa taong iyon. Tinignan ko ito at napagalaman kong sI Javier pala. Tinakot pa'ko ng siraulo.

Hacienda del SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon