Horseback Riding
Gabriel
Another work day. Maganda ang panahon ngayon at hindi masiyadong mainit, well hindi naman talaga mainit dito sa hacienda kasi maraming puno. Mahangin ngayon at parang masarap libutin itong hacienda, parang bet ko yun. As usual ay nandito ako sa kwadra at nagtatrabaho. Patapos na ako at magpapahinga na.
"Gabriel." tawag sa akin ng pamilyar na boses. Lumingon ako sa likod ko at dito ko nga nakita si Pako. "Hey." "Hi." nakangiting bati niya sa akin pabalik. Ang guwapo niya sa suot niyang sando na pinatungan ng cream na polo at brown above the knee short. Nakasilip naman ang kaniyang half sleeve tattoo sa suot niya polo. Pansin ko lang nag-iba na ang pananamit niya, hindi na katulad nung dati na pangtambay.
Hindi ko akalain na haciendero pala ang lokong to. Who wouldv'e thought. "Naparito ka?" "Diba sabi ko sayo tuturuan kitang mangabayo?" "Tutoruan mo na ako?" tanong ko sa kaniya na parang naeexcite. "Oo." natatawang sagot niya. Para akong batang binigyan ng lollipop sa tuwa. "Finally." sabi ko.
"Kilala mo naman na siguro ang mga kabayo rito diba, sinong gusto mong sakyan?"Naisipan ko itong biruin. "Ikaw.' sabi ko sa kaniya sa pabulong na boses habang nang-aakit ang mga matang nakatingin sa kaniya. "Mukha ba akong kabayo sayo?" takang tanong nito na naging resulta ng paghalakhak ko.
"Eto naman." sabi ko na lang matapos kong matawa sa kaniya, hindi niya kasi talaga nagets yung ginawa ko kanina eh. "Si Malik.'' '"Si Malik?!" gulat na tanong nito. "Maiglas si Malik, baka ihulog ka lang niya." basa ko naman sa mukha niya ang pag-aalala. Hindi niya alam na close kami ni Malik.
Hindi ko nalang ito sinabi sa kaniya, instead ay pumasok ako sa kwadra, habang siya ay nanatili lang roon sa kinatatayuan namin.
Kinuha ko sa kaniyang kwarto si Malik at inilabas sa kwadra habang hawak ko ang tali nito. Hawak ng aking libreng kamay ang ulo ni Malik at hinihimas ito, dinala ko siya sa kinatatayuan ni Pako at gulat na gulat ito. "Gusto ka niya?" "Mahal niya ako, diba Malik?" sa hindi ko inaasahan ay sumagot naman si Malik ng tunog ng kabayo kaya ako napangiti at proud na tumingin kay Pako.
"Mukhang close nga kayo ah." sabi ni Pako saka siya pumunta sa kwadra para kunin ang kabayo niya. "Tuturuan akong mangabayo ni Pako ngayon, at ikaw ang sasakyan ko, okay lang ba sa iyo yun, ha?" pagkakausap ko sa kabayo, tumango naman ito na parang naiintindihan ang sinasabi ko.
Ilang sandali pa ay dumating naman si Pako habang hawak ang tali ni Machete.
"Mang Jun. Nasaan po ang mga gamit ng mga kabayo?" tanong ni Pako sa paparating na si Mang Jun. "Boss Juancho kayo po pala, mangangabayo ka?" tanong nito. "Tuturuan ko po si Gabriel." "Ah ganoon ba, sige kukunin ko lang." sabi nito saka umalis at pumunta sa isang kubo dito kung saan naroroon ang mga supply namin para sa mga kabayo.
"Una-una mong dapat malaman bago sumakay ng kabayo ay dapat magkakonekta kayo nito. Well sa nakikita ko magkasundo naman kayo nito." panimula ni Pako tsaka niya hinawakan at hinaplos sa leeg si Malik. "Madali lang naman silang sakyan." dagdag pa nito. Dumating si Mang Jun kasama ang mga gamit ng mga kabayo, pagkarating niya sa amin ay binaba niya mula sa pagkakabuhat ang mga ito.
Kumuha naman ng isa si Pako saka niya ito inilagay sa likod ni Malik. "Matagal din 'tong hindi nakakatakbo si Malik, mabuti nalang at nandito si Gabriel." komento naman ni Mang Jun habang ang isang gamit ay inilagay niya sa likod naman ni Machete. Itong mga gamit ay yung nilalagay sa likod ng mga kabayo para masakyan sila, yung parang upuan, kasi kung wala yun, ayon kay Pako ay masakit sa pwet yung spinal cord ng kabayo. Tsaka nakakonekta dito ay yung tinatapakan na hugis tatsulok para makaakyat ka sa kabayo.
Matapos niyang naisecure ang tali nito ay ipinakita niya naman sa akin kung paano sumakay rito, pero kay Machete, kasi hindi naman nagpapasakay si Malik. "Una mong gagawin ay ilalagay mo ang paa mo rito sa apakan, tapos ay itulak mo ang bigat mo sabay angat ng isa mong paa at ilagay ito sa kabilang side ng kabayo." sabi niya habang ginagawa nya ito, at tuluyan na nga siyang nakaakyat rito. "Ikaw naman." sabi nito saka ito bumaba para alalayan ako.
BINABASA MO ANG
Hacienda del Salvador
RomanceIsang binatang pinangarap na umahon sa kahirapan, binatang ginawa ang lahat ng makakaya, pero isang pagsubok ang dumating. Bigo syang makapasa bilang isang agriculturist. Sa hindi ina-asahang pagkakataon, ito pa pala ang mag dadala sa kaniya sa luga...