CATORCE: Alejandro Czar

207 16 3
                                    

Gabriel

Akoy parang nakatingin sa mga mata ni Medusa habang tinitignan ko siya dahil hindi ako makagalaw sa aking kintatayuan at para bang na-estatwa. Tuluyan siyang humarap sa akin at dito ko napagmasdan ang ankin niyang kakisigan. Isa siyang adonis sa aking paningin. Ang kaniyang nangingintab na balat sa ilalim ng sinag ng araw, ang matipuno niyang dibdib, ang mainit-init pang anim na pandesal na nakalatag sa kaniyang tiyan, at oh my gosh, ang kaniyang V line. Lahat lahat sa kaniya ay sumisigaw ng kagwapuhan.

Higit sa lahat ang nagpapaguwapo sa kaniya sa akin ay ang kaniyang seryosong mukha na para bang kinakalkula niya sa kaniyang isipan ang lahat ng kaniyang gagawin at sasabihin. Nakita ko siyang nagdive sa tubig at tumalsik ang tubig matapos siyang lamunin nito. Pati ang kaniyang paglangoy ay kalkulado at nagpapakita ng kakisigan dahil napakalinis nito.

Parang papunta siya sa pwesto ko. Medyo kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko pag tatanungin niya akong bakit ako nandito. Aalis nalang kaya ako? Baka naman isipin niyang may kasalanan ako. HIndi, dito lang ako at kakausapin ko siya, kung kakausapin niya ako.

Mabilis na nakarating sa aking pwesto si Sir Alejandro at umahon ito. Napaka-hot ng kaniyang pag-ahon at at parang sa kaniya lang nagfofocus ang aking paningin na para bang camera na sinusundan ang bawat paglandas ng tubig pababa sa kaniyang makisig na katawan. Tuluyan na nga siyang umahon at kasalukuyang nakatayo sa aking harapan. Mas kita ko mula rito kung gaano kakisig ang kaniyang pangangatawan na para bang tambay ito ng gym.

"Gabriel." "S-sir?" Pagsagot ko sa kaniya, napaka-seryoso ng mukha nito na parang bang ipinagbabawal ang pagkakausap sa kaniya dahil nakamamatay. "Paanong nakapunta ka rito?" "Sir kasi pumapasyal lang po ako ng nakita ko si Maximus kaya napatigil ako at inalam kung sino ang kasama niya rito at gusto ko rin pong malaman kung saan iyong sinasabi nilang falls." pagpapaliwanag ko rito. "Naglakad ka lang ba?" follow-up question naman nito. "Hindi po sir, nangabayo po ako, actually dala ko po si Malik."

"Oh really, si Malik? Marunong ka na bang mangabayo?" Tumango ako saka sinagot siya. "Tinuruan po ako ni Pa- ni Sir Juancho po." Kita ko naman na parang satisfied na ito sa aking sinagot at saka ito tumalikod saka tinignan ang napakagandang tanawin sa aming harapan. Nagpakawala naman ako ng buntong hininga matapos niya akong ma-interrogate. Gaya niya ay nakatingin lang rin ako sa aming harapan, kita ko rin ang defined at napakasexy nitong likod.

"Nagpupunta ako dito sa tuwing gusto kong mag relax. Ang sarap kasing damhin ng tubig tsaka may kalamigan ito kaya narerelax ang aking katawan." biglang turan nito habang nakatalikod pa rin sa akin. "Tsaka tahimik rin dahil wala masiyadong nagpupunta rito tuwing weekdays." Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya tumahimik na lang ako kahit alam kong hindi naman ako nito makikita.

Lumingon ito sa akin at ngumiti. Nagulat naman ako sa ngiti niya dahil napakatamis nito at parang wala ng bakas ng pagkaseryoso. "Gusto mo bang maligo?" pag-aaya nito. "Ah wala po kasi akong dalang damit sir." pag-aalangan ko naman, guto ko naman talaga kaso nga lang wala akong dalang damit tsaka hindi naman kami ganoon ka close ano. "Okay lang iyan, wala rin naman akong dala eh." sabi nito na parang nag-eenganyo pa. "Halika na." sabi niya at iniabot sa akin ang kaniyang kamay. Tinitigan ko lang ito habang napapisip kung maliligo ba ako. Inabot ko ang aking kamay at ipinatong sa kaniya. Ganito ako kabilis magtiwala sa isang tao.

Napangiti naman siya at sabay kaming dalawa na tumalon. "Ah." napasigaw ako dahil sa may kalamigan nga ang tubig. Tumalon kaming magkahawak, lumubog kaming magkahawak, at umahon kaming magkahawak. Kasabay ng aming pagahon ay ang pag-ayos ko sa aking buhok dahil natatabunan nito ang aking mata. Kapawa malawak ang aming mga ngiti ng makita namin ang isat-isa.

Nakatitig lang ako sa kaniya at ganoon rin siya sa akin. Para bang isinasaulo namin ang itsura ng bawat isa. Napansin kong lumandas pababa sa aking katawan ang kaniyang tingin at dito ko naisip na manipis pala ang aking suot na puting damit kaya naman ay kita ang aking katawan. Ibinalik niya sa aking mukha ang kaniyang paningin saka ngumiti.

Hacienda del SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon